CHAPTER 17

272 11 7
                                    

VHONG POV:
Nandito kami ni vice sa napaka-aliwalas na lugar at puno ng magagandang bulaklak.

"Bahay mo to?" Tanong ko

"Oo, mahilig kasi si mama sa mga bulaklak at halaman kaya pinagawa ko to para sakanya"

Tumango tango naman ako,

"Swerte naman ng mama mo sayo....may anak syang masipag, at ginagawa nya kung ano ang makakapag-pasaya sa mama nya" sagot ko habang nakatingin sa malayo.

Napalingon naman ako sakanya dahil wala itong binibigay na sagot, pagkalingon ko dito ay lumuluha pala ito.

"M-may nasabi bakong mali?" At akmang kukuha ako ng tissue.

"Wala" sabay punas nito ng luha

Binigay ko sakanya ang tissue at nag-ngitian lamang kami.

"Sorry..wala na pala ang mama mo"

"Pano mo nalaman??" Kunot noo nyang tanong

"Nabasa ko sa profile mo noon sa isang document..sorry"

"Ok lang...gusto mo ba ng tubig?"

Wala pa man akong sinasabi ay kumuha na agad ito ng tubig at ibinigay saakin.

Ngayon ko lang nakita ang ganitong side ni Vice, maaalahanin sya at hindi masungit. Bakit kaya?

Nakaupo kami dito sa labas at tanaw tanaw ang mga magandang ulap at halaman

"Bakit mo bako dinala dito?" Tanong ko

"Ikaw palang nadadala ko dito..sila kim at papa hindi pa nakakapunta dito dahil sa sobrang busy nila"

"Weh, yung boyfriend mo hindi mo dinala dito?"

"Hinde...nahuli ko na syang may kabit bago ko sya balak dalin dito.....sabi ko dati dadalhin ko lang dito yung gusto kong makasama habang buhay"

Napalunok naman ako sa sinabi nya, makasama habang buhay??,. Edi ibigsabihin ako yon?...Shh navarro wag kang assuming.

"Pero hindi kita dinala dito dahil gusto kitang makasama habang buhay...dinala kita dito dahil naaawa ako sayo" sabay irap nito saakin

"Suss, aminin mo na kasi na type moko...kanina lang sa resto ayaw mokong kausapin dahil hindi ako nagreply sa mga messages mo"

"Wow naman Navarro Ano naman pake ko kung hindi ka nagreply.. sinasabihan lang kita kasi akala namin naliligaw kana" pagdedepensa nya

Eto nanaman kami back to normal agad..ilang beses ba kami nagaaway sa isang araw?

Tumayo naman ako at nilapitan sya...nilapit ko ang mukha ko sa kanyang mukha

"Talaga ba?, O baka naman pinapakita mo lang kung gaano kayo kasweet ni jhong kanina sa resto habang kumakaen?" Bulong ko dito at tumayo nako ng umayos....

Nang bigla nyang hinila ang polo ko dahilan na mapalapit ang ulit ang mukha namin.

"Bakit selos ka?, Tsaka bakit ang hilig mong ilapit yung mukha mong aso sa mukha ko?"

"Ako?, Mukhang aso? Eh pano naman yang mukha mong kabayo?" At sabay tawa ko at tumayo na uli ako sa pagkakayuko.

"Uuwi nako" pagpapaalam ko sakanya at lumabas nako ng pinto.

Pagkalingon ko ay hindi sya nakasunod saakin, galit nanaman po sya. Pero hindi ba sya magpapahatid?
Tinext ko ito.

 Pero hindi ba sya magpapahatid? Tinext ko ito

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.
The Man I Hate (VHOICE)Onde histórias criam vida. Descubra agora