Chapter 9

4 2 2
                                    

Chapter 9

I woke up alone. Hindi ko alam kung anong nangyari, pero wala si Aaron nang gumising ako. Hinanap ko siya sa buong bahay at sinubukan pang tawagin ng paulit-ulit ang pangalan niya pero walang sumasagot, not until I saw a note on our refrigerator.

I went back to Manila to give you some space, Fal. I hope that you will be able to find yourself and heal the wounds that I had given you, the wounds that we had given you. Alam kong sa tuwing nakikita mo ako ay nasasaktan ka at gustong gusto mo akong umalis at lumayo.

Fal, mahal na mahal kita, at palagi kong pagsisisihan na naggawa ko ang mga bagay na iyon, I won't ask for your forgiveness because I know that after everything, I don't deserve you. You deserve someone else, someone who's better, Fal.

Thank you for treating me well on the last days that I stayed in your house. Mahal kita, at mahal ko ang anak natin. Kinuha man siya agad ng Panginoon ay alam kong ginawa mo ang lahat ng makakaya mo.

Maybe this isn't the right time for us. Pero kung bibigyan ako ng pagkakataong makita kang muli at maayos ang relasyon natin, I would gladly take that chance no matter what's the consequences.

I am glad to be a part of your life, and I will always love you. I don't think I'll ever find a love so great. You are my greatest love, and I won't ever be able to love someone else.

It's only you, Fal. And there won't be anyone else. I love you.

Hindi ko maintindihan kung bakit ako umiiyak ngayon. This is what I wanted, right?! Kaya bakit, huh, Faliha?! You've yearned for this, and now that it's true, umiiyak iyak ka? Marahas kong pinunasan ang luha ko. Sobrang naiinis ako sa sarili ko!

"Wala kang karapatang umiyak, Faliha!" I scolded myself, but no matter how much I tried to suppress my tears and sadness, I found myself crying my eyes out.

Napaupo ako sa sahig at halos sabunutan na ang sarili dahil sa frustration.

"Is this really how my life's going to be?! Iniwan na ako ng lahat...i-iniwan na n-nila ako.."

Sobrang hirap mabuhay ng wala si Nanay at Papa, wala ang anak ko, at...wala si Aaron. Nakakatulog lang ako dahil sa pag-inom ng sleeping pills, at...hindi ko alam kung paano at bakit pa ako naggigising gayong wala naman na akong rason para mabuhay.

Hindi ako umiiyak...hindi ako makaiyak. Ubos na ubos na ako, eh, na maski ang pag-iyak ay hindi ko na kaya. Sa tuwing lumalabas ako ay nakikita ko ang awa sa mata ng iba, pero hindi ko naman kailangan 'yon. I hate it when people pity me.

Ilang araw na rin akong nag-iisa sa bahay. Wala akong ginagawa kung hindi ang gumising, matulala at matulog. I can't even get myself to eat, at pansin ko sa katawan ko ang pamamayat at pangangayayat.

Sabi nila, kapag hindi ako kumakain ng isa hanggang dalawang buwan ay baka katawan ko na mismo ang bumigay. Maybe I should just do that? Hindi ako kakain o iinom ng kung ano man, pero mahihirapan ako kung 'yon ang gagawin ko.

Lumapit ako sa cabinet at kinuha ang lagayan ng sleeping pills doon. Kung iinumin ko ba ang lahat ng ito, hindi na ako magigising? Siguro, 'di ba?

Maybe dying this way is better. Hindi ko na kailangang isipin ang bukas. Kahit naman ilang araw, linggo, buwan o taon ang lumipas, hinding hindi ko na makikita ang Nanay, Papa at ang anak ko.

Hinuho ko ang mga sleeping pills sa palad ko. There's still a lot here. Malungkot akong ngumiti bago iyon ibinalik sa lagayan at sinaraduhan ang cabinet.

I changed into a black hoodie and shorts. Kinuha ko ang susi ng bahay at naglakad papuntang sementeryo. It's almost five in the afternoon, at gano'ng oras ay dapat wala nang tao rito dahil magsasarado na sila. Mabilis lang naman ako, kaya ayos lang.

I was able to reach my family's tombstones after a few minutes of walking. Mayroon do'ng picture frame nila Nanay at Papa. They were smiling so brightly on their photos. Para bang walang problema sa buhay. I want to be able to smile like that again, sana sa susunod kong buhay ay hindi ito mangyari. I hope that after my death in this life, I'll be able to live my next life in peace. Without all these damned problems, without all of these shits.

Tinitigan ko ang pangalan nilang dalawa roon at umupo sa tapat dahil sa nararamdamang panghihina. I removed the dried leaves around their place before lighting the candle.

"Nay, Pa, hindi ko na po kaya," malungkot kong panimula.

I can feel how my heart became heavy after saying those words. Akala ko ba, sa tuwing naglalabas tayo ng hinanakit, mas mababawasan ang bigat sa dibdib? Pero bakit ngayon ay mas lalo lamang yatang bumibigat ang pakiramdam ko?

Tears were silently streaming down my face as I look up in the sky. I used to love how the sky looked so peaceful. The orange hues that signifies it's almost the day's end used to be my safe space.

"Ang hirap hirap pong mabuhay na wala kayo dito. B-Bakit po ba k-kailangan niyo akong iwan?" Hindi na ako makakita dahil sa luha pero wala akong pakialam. Sumisikip ang dibdib ko habang kinakausap ang bato sa harapan ko.

"S-Sana, Nay, Pa, s-sana po, sinama niyo na lang ako..."

Pero ngayon ay hindi niyo na kailangang gawin iyon, dahil ako na mismo ang susunod sa inyo. Hindi ko na po kaya na mabuhay, eh. Sobrang hirap mabuhay.

I used to fear death because I still want to see the beauty of the world despite it's cruelties. But right now, it feels like the only thing that would give me peace is what I feared the most. It's...death.

I walked home that day with the thought of finally ending my life, but what I saw on my house scared me so bad.

The door was wide open even though I remember to leave it closed and locked! Dali dali akong pumasok sa gate na nakabukas din. Malakas ang kabog ng puso ko habang iniisip na may nakapasok sa bahay na hindi ko kilala!

Kahit ang mga kapitbahay namin dito ay hindi nagtatangkang basta pumasok lalo na kung alam nilang walang tao!

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa takot. Should I call the police? Should I ask my neighbors? Wala sa sarili kong tiningnan ang door knob at nakitang nasa maayos iyong kalagayan pati na rin ang pinto. This only means that the person who's inside has our key! Pero isa lang ang susi namin at nasa akin iyon! Hindi ko rin binigyan si Aaron ng susi nung umalis siya!

Pumasok ako sa bahay at halos dumugo na ang aking kamay sa higpit ng hawak ko sa susi. I was looking around but saw no one, until I went to the kitchen.

I was frozen in spot when I saw a tall man standing there, wearing an all black attire.

"Who are you?" I asked the guy despite my fear.

Nanlaki ang mata ko sa gulat nang makita kung sino ang lalaking iyon. He looked at me with softness and longing in his eyes as he was holding a glass of water.

My blood boiled inside me when I saw his face. How dare he go back here after everything!

"What the hell are you doing here?!"

My biological father looked so shock from my sudden outburst.

---
One last chapter and we're saying goodbye to ICM! Thanks for all the support <33

I Chose MyselfWhere stories live. Discover now