~Pagbabalik ng Anak~

164 5 0
                                    

Ng araw na mahanap sila Lira Mira at Paopao ang nawalang anak ni Danaya agad nila itong Inuwi sa Encantadia, nung una ay hindi makapaniwala ang babae ngunit ng makita nya ang mga tao na tumitingin sakanya iba ang naramdaman nya.

Ashti! ito na sya ang nawawala nyong Anak wika ni Lira

Daleya, ang aking anak...wika ni Danaya na naiiyak

Ngumiti naman silang tatlo

Sige na Ashti lapitan mo ang iyong nawalay na anak wika ni Mira, agad naman nilapitan nila Pirena at Alena si Danaya upang bigyan ng suporta at hindi nag tagal agad naman nilapitan ni Danaya ang babae at niyakap.

Nag isip isip muna si Daleya sa mga nangyayari ngunit sa huli sinunod nya ang kanyang puso, at niyakap nya ang kanyang ina

Ngunit hindi nag tagal agad naman syang lumayo

Teka pano ako makakasiguro na nanay nga kita? Wika ni Daleya

Daleya halata naman May kapangyarihan ka, at lahat kami May kapangyarihan rin, wika ni Lira

Pano pala kung niloloko nyo lang ako? Tanong ni Daleya

Kung kaya't hayaan mo kami na ipaalala sayo ang lahat ng naganap, at kung pano ka nawala saamin wika ni Alena

Nilabas nila ang kanilang mga brilyante at nabigla si Daleya at napa atras dahil sa takot.

Wag kang matakot, hindi ka namin sasaktan wika ni Paopao

At duon agad naman nila binasbasan si Daleya upang maalala nya ang lahat, noong nawala sya bilang sanggol pa lamang hindi nag tagal agad naman natanggap ni Daleya na totoo nga ang lahat ng pangyayari.

Tiningnan nya si Danaya at niyakap ulit hindi naman napigil si Danaya na maiyak dahil hawak na nya muli ang kanyang anak, nilapitan rin sya ng kanyang mga Ashti at sumabay narin sila Lira

Nang matapos ang lahat ninais ni Danaya na ipasyal ang kanyang anak sa Lireo, sinama na nya si Lira lalo na't May nga wika sya na alam nyang hindi nya naiintindihan

So ito po ang Lireo? Tanong ni Daleya

Oo anak ito ang sentrong kaharian ng Encantadia, kasunod naman ang Hathoria Sapiro at Adamya wika ni Danaya

May limang kaharian pa na nawasak, pero saka nalang namin ibabanggit yun wika ni Lira

Nay kayo ba ang queen? este reyna dito? Tanong ni Daleya

Ngumiti si Danaya Noon anak, ngunit binitawan ko ang trono upang mapakasalan ang pinaka mamahal kong Encantado, walang iba kundi ang iyong ama

May ama po ako? Nasan sya? Tanong ni Daleya

May kinakailangan silang gawing misyon, kasama ng lahat ng Mashna ng bawat kaharian sa Encantadia lalo na't May bagong panganib sa ating lupain wika ni Danaya

Mashna? Ano yun? Grabe ang lalim nyo mag Filipino wika ni Daleya

Mashna, ibig sabihin pinuno, wag ka mag alala masasanay narin nyan, wika ni Lira sakanya

Nay, alam ko na galing ako dito, explains lahat ng powers ko pero ibig sabihin rin ba nyan magiging reyna din ako dito? At yung mga hawak nyong bato mapupuntarin sakin? Tanong ni Daleya na kinakabahan

Lumaki ang mata ni Lira bago pa sya magsalita pinigilan sya ni Danaya

Saka nalamang natin yan ang usapan anak, halika marami pa tayong dapat ipaalam sayo

At duon umalis si danaya at Daleya habang naiwan si Lira nalala nya ang sinabi ni Daleya

Itchuserang frogleta, feeling magiging Hara ang Warka, wika ni Lira sa kanyang isip dahil sa Selos.

Pero pano kung oo nga... kailangan tong malaman ni Mira wika ni Lira at duon naglaho sya papa alis.

Encantadia (Short Stories)Where stories live. Discover now