~Bumabalabag na Katanungan~

132 4 18
                                    

STORY REQUESTED BY: Anime_girl913

(I HOPE MA ENJOY MO ANG IYONG REQUEST 🌸)

_______________________________________________________

Magandang araw para sa mga encantado, karamihan ng mga sanggre at mga ivtre ay nasa baybayin ng Adamya, nagdiriwang dahil sa pagkatalo ng bagong kalaban ng encantadia, matagal na paglaban at maraming buhay ang nasawi ngunit ngayon malaya na muli ang lupain.

Habang kumakain si Lira ng paneya pinagmamasdan nya ang isang nilalang na matagal na nyang kinikilala bilang matalik na kaibigan at ila.

Lira anak, tila kanina kapa tulala at kumakain dyan, May problema kaba tanong ng kanyang ina na si Amihan.

Ay nay! Nandyan ka pala, sorry masyado kasi akong distracted kaka isip.

At ano naman ang iyong iniisip? Tanong ni Amihan habang umupo sa bakanteng upuan katabi ng kanyang anak.

Inay May tanong ako, pero tanong lang to ha! wika ni Lira

Ano naman ito? Tanong ni Amihan

Napansin nyo ba na nung naging Bathaluman si Mata parang naging mas close sila ni Emre? Tanong ng sanggre habang kumagat sa prutas

Lira, May pinagsamahan sila noong binabawi nila ang Devas, kung kaya't isa ito sa mga dahilan kung bakit malapit sila sa isa't isa.

Pero nay ang unusual, este parang iba eh, hindi naman ganito ka active si Emre sa mga encantado noon, pero tingnan mo, nandito sya! Napapansin ko nandito lang yan kapag kasama si Mata. Tapos yung muka nya dati sobrang liwanag pero ngayon May muka na sya!

Tumingin naman ang Hara ng Sapiro sa Bathala, at nag isip tila tama nga si Lira, ibang iba ang ugali nya ngayon kumpara sa dati.

Feel ko, sa tingin ko talaga! May gusto yan kay Mata pero hindi lang sinasabi! May takot na sya mag confess? wika ni Lira sa kanyang ina

Lira, wag tayo basta basta gagawa ng konklusyon, malay natin matalik lang silang magkaibigan

Pero hindi naman kami ganyan ni paopao.

Lira tama na, nais kong isipin mo ang ibang bagay liban nalamang dito. Mauuna muna ako anak wika ni Amihan at umalis kaagad agad

Hindi nyo mapipigilan ang Almighty Sanggre Lira! Wika ng sanggre at tumayo matapos kumain.

Habang pinagmamasdan ng Bathala ang ibang mga encantado, linapitan sya ng Sanggre ng lireo na nakangiti.

Hi po! Este Avisala mahal na Emre!

Avisala Sanggre Lira, May maipaglilingkod bako sayo? Tanong ng Bathala

Wala naman po pero, May nais lang po akong itanong wika ng Sanggre habang Naka ngiti

At ano naman ito? Tanong ng Bathala na Naka taas ang kilay na tila interesado

Straight to the point nako ako! wag po sana kayo magalit ha! Wika ni Lira at huminga ng malalim May gusto ba kayo kay Mata?

Napa-ubo naman ang Bathala sa tanong, Lira bakit tila ganyan naman ang iyong katanungan? Alam naman ng lahat na matalik lamang kaming magkaibigan

Wehh? Hindi po kasi talaga ako naniniwala, I mean protective ka sakanya, supportive at! Bagay kayo! plus ang pogi nyo kaya malay nyo gusto rin kayo nya.

Natawa lamang ang Bathala ng kaunti, Lira napakaliwanag talaga ng iyong pag iisip, ngunit sinisigurado ko na wala akong gusto sakanya wika ng Bathala habang ngumingiti

Nang narinig ito ni Lira nasira ang kanyang kasiyahan.

Ay ganun po ba? Sayang naman bagay panaman kayo, pero sige po hindi konapo kayo gagambalain pa, mauna napo ako, Avisala Eshma! Wika ng sanggre ay umalis kaagad agad na tila nahihiya

Nang maka alis ang Sanggre huminga ng malalim ang Bathala, tiningnan nya ang Bathaluman na kausap ang ibang mga encantado na tila nawala ang saya sa kanyang mga mata.

Matapos umalis si Lira agad syang nag tungo kay Cassiopeia at hinila sya upang makausap palayo sa ibang mga encantado

Mata May tanong ako importante to promise! Wika ni Lira

At ano naman ito Lira? Isa nanaman ba sa iyong mga kababalaghan? Tanong ni mata habang natatawa ng kaunti

May gusto kaba kay Emre? Tanong ng sanggre at duon naputol ang tawa ng Bathaluman at natahimik.

Cassiopeia ok kalang? Tanong ni Lira, Hello? Encantadia to Cassiopeia?

Naalala ng bathaluman ang huli nyang sinambit bago sya mamatay, ngunit uminahon sya at sinagot ang Sanggre.

Lira, hinding hindi nya ako magugustuhan tandaan moyan wika ni Mata

Bakit naman? Mataas naman ang standard mo, atsaka parehas naman kayong tagapagbantay ng Encantadia kaya bakit hindi? Tanong ni Lira

Kung May nagugustuhan man si Emre, maaring isa ito sa mga kauri nya na bathala kagaya ni haliya, ngunit malabo na magustuhan nya ang isang gaya ko sanggre.

Pero kung May pagasa ka sakanya tatanggapin mo kaya? Tanong ni lira

Ngumiti lamang si mata, hindi pa panahon upang sagutin ko ang mga iniisip mo Sanggre, Sige na Lira nasagot kona ang iyong katanungan

Hindi naman, pero ok nako du!, sige mata Thank you! Este Avisala eshma! Wika ni Lira

Nang maka alis ang sanggre, tumingin ang Bathaluman sa Bathala nakita nya na nagmamasid sya sa tubig, naalala nya ang huling pangyayari kung bakit naputol ang pag-iibigan nila, kinumbinsi nya na wala nang sila kahit mahirap huminga sya ng malalim bago bumalik sa mga encantado na kinakausap nya

Ang fishy ng sitwasyon wika ni Lira kay Paopao

Bakit anong nangyari? Tanong ng batang Ligaw

Basta pero aalamin ko kung ano talaga ang Nangyari, kasi hindi tama ang kutob ko wika ni Lira

Basta hindi ka mapapahamak, sige gawin mo pero kung oo, wag, baka kung ano pang butterfly effect ang magawa mo.

Tumingin si Lira sa kanyang mga kamay, Panahon na para gawin ko yung duty ko as a Luntei.

Encantadia (Short Stories)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora