~Bangungot sa Pangitain~

140 4 0
                                    

Gabi sa lupain ng Encantadia, nagtungo si Cassiopeia sa kanyang silid sa Devas, matapos ang araw na pagtulong sa lahat ng Encantado maging sa mga diwata, ang nais nya nalamang ngayon gawin ay magpahinga.Tiningnan nya ang higaan na tila napakalambot, ngumiti sya ng onti at binagsak nya ang kanyang katawan at ipinikit ang kanyang mata

Sa sobrang pagkapagod nya hindi nya namalayan kung May nilalang sa paligid, lalo nat napakalalim na ng kanyang pagtulog hindi nag tagal May naglaho na nilalang sa kanyang silid.

Narito Kana pala mahal ko, hindi kita napansin wika ni Emre ngunit hindi sya sumagot lalo na't napakalalim ng tulog nya, napansin naman nya ito agad kaya't hinayaan nya nalang ang Bathaluman na magpahinga.

Pagod na pagod ka nga, ngunit ipahinga molang yan, mas hindi mo kakayanin ang mga bagong paparating na panganib.

Nilapitan nya ang bathaluman at inayos ang kanyang pagkahiga ngunit, hindi talaga sya nagising ngumiti sya at hinalikan ang kanyang noo at duon sya umalis, upang iwanan sya sa kanyang pagpapahinga

Ilang oras nakatulog ng mahimbing si Cassiopea ngunit bigla ito nawala ng mag simula ang kanyang bangungot

Nakita nyang dumilim ang paligid at biglang nagpakita ang kanyang ispiritu

Ikaw?...anong kailangan mo? Tanong ni Cassiopea na nalilito

Narito ako upang balaan ka bathaluman wika ng ispiritu

Balaan? Tanong nya balaan tungkol saan?

May bagong panganib na paparating sa Encantadia, hindi sya simpleng kalaban na madadaig nyo, mas makapangyarihan sya kesa sa inyong lahat lalo na't napag-aaralan nya ang kanyang buong kapangyarihan, at isa pa, May mga Encantado na magbabalik na alam kong hindi nyo lahat ikagagalak

Tanakreshna..... Hindi ito maari maganap ....Maari ko bang makita? sa oras na malaman ko ang wangis ng nilalang na ito, ako na mismo ang pagpaslang sakanya wika ni mata

Agad naman nawala ang ispiritu at nagpakita ng mga pangyayari

Nakita nya ang buong Encantadia na nababalot sa yelo, nakita nya ang ibang mga pinuno ng mga Diwata Sapirian Hathor at Adamyan na napaslang

Nakita nya ang mga Sanggre na nagtatago, nilapitan nya sila upang marinig ang kanilang pinag uusapan narinig nya ang boses ni Danaya

Ano nang gagawin natin? Nawasak na ang mga brilyante at wala ng posibilidad na mabubuo pa ito, nakuha na nya ang lahat ng kaharian maging ang ibang tribo at hanggang ngayon hindi parin natin nahahanap sina Mira Lira at Paopao! Wika ni Danaya na natataranta

Poltre, ngunit maging ako hindi konarin alam ang aking gagawin! Wika ni Alena na tila naiiyak

Pinaslang pa nya ang ating mga anak, at isa pa nagbalik ang mga warkang Bathala wika ni Pirena na pinipigilan ang kanyang luha

Lumaki ang mga mata ni Cassiopeia, Buhay sila Ether at Arde? Ngunit sya mismo ang nagsabi sakin na patay na sila

Dinamay pa ng warka ang ating mga asawa wika ni Amihan nasakop na nya ang lupain ng mga Mulawin at Ravena maaring idamay nyarin ang mundo ng mortal!

Kinakailangan na nating gumawa ng plano wika ni Danaya

At duon biglang nagkaroon ng malaking higanteng pashnea na gawa sa yelo pinalibutan ang lahat

Esta sectu! Wika ni Amihan at duon naglabanan sila

Nakita nya ang labanan ng lahat ngunit nabigla sya ng napaslang ang lahat ng mga sanggre napa atras sya

Muling nagiba ang paligid at ipinakita ang nawasak na Encantadia, mga wasak na kaharian at abandonado bumagsak narin ang devas at ang balaak maging ang ibang mga isla na nanatili sa kalangitan

Tiningnan nya ang langit at tila maging ang dalawang buwan ay nawasak narin, muling nagdilim ang paligid at May ipinakitang bagong pangitain

Nakita nya ang lahat ng mga Encantado nakabitay ang mga sanggre na nakita nyang namatay kasama ang ibang mga Encantado nakita nyarin sila haliya at Emre kasama ang mga ivtre

Sobrang natatakot na sya at hindi na napigilan ang kanyang sarili na maiyak umatras sya at nahulog sa bangin ngunit nakahawak sya sa dulo ng lupa at duon May naglaho na isang Encantada

Pinagmasdan nya ang kanyang wangis at hindi nag tagal nakita nya ang kanyang sarili ngumisi sinubukan nyang bumangon ngunit ginamit ng Encantado ang kanyang sentro at inapak sa kanyang kabilang kamay

Sino ka! Sigaw nya Bakit Moto ginagawa!

Napakaganda ng buhay mo, mahal kong kapatid.

Naglaki ang kanyang mga mata totoo ba ang kanyang narinig? At duon muli syang nagsalita

Ipinangako ko na babalik ako, ngayong nandito nako makikita mong isa isa kong papaslangin ang iyong pinakamamahal na mga nilalang, lalangoy sila sa sarili nilang dugo, kasama mo, kaya Avisala Mieste Cassiopeia wika ng Encantada

At May bigla syang naalalang pangyayari noong bata pa sya naglalaro sila sa gubat ng bigla syang mahulog ngunit nasalo naman sya ng kanyang kapatid

Apwe ayokopang mamatay! Wika ni Cassiopeia

Iaangat na sana ng Encantada ang kanyang kapatid ngunit nalala nya ang kanyang pagkatalo at kung pano nila pinuhiran si Cassiopeia

Nag bago ang kanyang expression sa mukha

Poltre ngunit hindi Kana dapat pang mabuhay, inagaw mo ang lahat sakin Cassiopeia ngayon panahon na upang bawiin ko ito

At duon binitawan nya ang kanyang kapatid samantala inapakan nya ang mga kamay ni Cassiopeia at duon nalala nya ang kanyang ngalan

Celestia! Sigaw nya

At duon nagising si Cassiopeia malalim ang kanyang hininga tiningnan nya ang paligid at lahat naman normal, inalis nya ang kanyang mga luha at inisip ang kanyang panaginip

Avisala apwe wika nya sa kanyang sarili.

Encantadia (Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon