~Baliktad na Plano~

117 3 17
                                    

STORY REQUESTED BY: Anime_girl913

(I HOPE MA ENJOY MO ANG IYONG REQUEST 🌸)

_______________________________________________________

Ilang dekada na ang nakalipas ng magkaroon ng digmaan sa Encantadia, patay na si Hagorn at natalo na ang masasama na mga Bathala. Payapa na ang lahat , tila wala naman bagong kalaban na paparating

Avisala Eshma kaibigan!, alam kong hindi pa ito sapat para sa mga nagawa ko noon, ngunit malaking tulong ito para sa aakin! Laking Tuwa ni Arde

Ikinagagalak kong makatulong, ngunit kailan mo isasagawa ang iyong plano? Tanong ni Emre

Sa lalong madaling panahon wika ni Arde sa kanyang kaibigan, matagal ko nang mahal si Ether, at tila alam kong panahon narin naman para magkasama kami habang buhay.

Nawa'y basbasan ka ng pinakamataas na Bathala Arde wika ni Keros

Bago paman nila maipatuloy ang kanilang pag uusap biglang dumating sina Haliya at Ether na tila nagkasiyahan.

Bakit tila ang saya nyong dalawa? Tanong ni Keros

Wala lamang ito, wika ni Haliya, natutuwa lamang ako na naibalik ni Ether ang kanyang dating ugali. Laking tawa ni Haliya

Shedda Haliya! mataray na sabi ni Ether, ikaw yung nagpasimuno!

Natawa lamang muli ang Bathaluman, ngunit napansin nya na tila seryoso ang tatlo.

Bakit kayo tila napakaseryo? Tanong ni Haliya

May binabalak ba kayo? Tanong ni Ether na tila nagtataka

Bago paman makapagsasabi si Keros agad naman tinakpan ni Emre ang kanyang bibig at itinulak papalayo

Huwag mong pansinin si Keros, lalo na't hindi sya mapagkakatiwalaan wika ni Emre

Warka! Wika ng Keros sa bathala

Natawa lamang ang iba sa kanilang pagtatalo, nag usap usap naman ang lima na tila kagaya ng dati, noong una silang makarating sa Encantadia. Ngunit hindi nag tagal agad umalis na ang Bathalang Emre upang gawin ang kanyang mga tungkulin habang nagtungo naman ang apat na bathala sa buwan upang mag usap usap.

Alam nyo naman kung bakit tayo narito hindi ba? Tanong ni Ether

Hindi wika ni Keros, agad naman syang binatukan ni Haliya na tila napipikon

Matagal na natin itong pinagplanuhan at nakakalimutan mo parin? Tanong ni Haliya

Poltre! laking kamot ni Keros sa kanyang kalbo na ulo

Napapansin nyo naman ata ang madalas na pag dalaw ni Emre sa Hara Durei ng mga diwata hindi ba? Tanong ni Ether

Sinong Hara Durei? Marami sila hindi ba? Tanong ni Keros

Bago paman sya batukan muli ni Haliya agad naman syang pinigilan ng dalawa pang Bathala

Ayun na nga, napapansin nating lahat na tila May gusto sya sa Sinaunang Reyna, kung kaya't May plano kami ni Haliya! wika ni Ether

Nais sana naming gumawa ng plano upang mapalapit ang dalawa, mamayang gabi isasagawa na natin ito! wika ni Haliya

Mamaya na agad na gabi? Tanong ni Arde

Oo mahal ko, May problema ba? Tanong ni Ether

Wala naman mahal ko,ngunit bakit biglaan naman? Tanong ni arde, hindi kaya't magagalit saatin si Emre?

Ako na ang bahala sakanya kung kaya't huwag kayong mag alala, wika ni Haliya, sama sama tayo sa plano na ito kung kaya't wala na kayong maaring masabi

Nagtinginan naman ang dalawang bathala sa isa't isa at nag alala, lalo na't hindi nila nais magalit ang kanilang kaibigan. Ngunit sumang-ayon nalang sa kalokohan ng dalawa

Encantadia (Short Stories)Where stories live. Discover now