~Paniniwala Sa Dugo~

85 4 9
                                    

STORY REQUESTED BY: ANONYMOUS PERSON

(IF YOU ARE READING THIS, I HOPE MA ENJOY MO ANG IYONG REQUEST 😶‍🌫️🔒)

_______________________________________________________
Casilda's POV

Nagmamasid ako gamit ang aking balintataw, pinagmamasdan ko ang lupain ng mga wenuveshkang Encantado. Magdiwang lamang kayo ngayon, ngunit sisiguraduhin kong hinding hindi nyo matatakasan ang inyong pagkatalo. Darating ang nakatakdang araw na dadanas ang dugo, ang paghingi ng tulong at kamatayan sa pinamumunuan ng mga Diwata, Hathor, Sapirian at Adamyan.

Bago kopaman maipatuloy ang aking tungkulin, dumating ang isa saaking Mashna.

Mahal na Hara, Poltre kung ginagambala namin ang inyong mga tungkulin, ngunit May kinakailangan kayong malaman.

At ano naman ang kinakailangan kong malaman Mashna? Tanong ni Casilda ng hindi sila tinitingnan.

Ang inyong mahal na alaga, natagpuan namin sya sa labas ng inyong kaharian na sugatan at nanghihina.

Nanlaki naman ang mata ng Hara, agad Nyang hinarap ang Mashna at nakita ang kanyang nag iisang alaga na kuwago na tuluyang nanghihina at sugatan. Agad nya naman itong nilapitan, kitang kita ang kanyang mga sugat at ang kapangyarihan na tumama sa kanyang mga balat.

Pashnea! Sigaw ng Hara, agad naman binigay ng mga Mashna ang alagang hayop sa Hara, agaran naman nya itong ginamot gamit ang kanyang kapangyarihan, ngunit halos walang epekto ang kanyang kapangyarihan laban sa anomang kapangyarihan ang tumama rito.

Isa lamang ang dahilan kung bakit hindi ko sya nagagamot, Bathala ang nanakit saaking mahal na alaga wika ng Hara.

Maaring ang inyong kakambal ang May kagagawan nito mahal na Hara, wika ng Mashna

Laking galit ang namuo sa kanyang mukha, dahan dahan nyang ibinaba ang Pashnea sakanyang trono ay naglaho papaalis.

Naiwan ang Mashna at agad naman binigyan ng onting kagamutan ang sugatan na Pashnea, matapos umalis ang kanilang reyna.

Naglaho si Casilda, naglakbay sya patungo ng encantadia, Ginamit nya ang kanyang kapangyarihan upang mahanap ang kanyang walang kwentang kapatid, hindi rin nag tagal ay natagpuan nyarin ito. Agad agad syang naglaho sa kanyang kinaroroonan.

Naglaho sya sa isang gubat kung saan nakita nya ang Dalawang bathala na kaanib nya at ang kanyang kapatid ay naglalaban. Ginamit nya ang kanyang kapangyarihan upang tamaan ang dalawang bathala na kinakalaban nya dahilan upang mapatumba sila.

Wenuveska! Wika ni Ether, Ano sa tingin mo ang ginagawa mo Casilda? Tanong ng bathaluman na naiinis.

Hindi ko hahayaan na kayo ang papaslang saaking kapatid!sagot nito, hinarap nya si Cassiopeia at isinamo ang kanyang sandata. Dahil ako mismo ang papaslang sakanya, Magbabayad ka sa iyong ginawa.

Laking tuwa naman Nina Ether at Arde ng marinig nila ang winika ng Hara, kung kaya't umatras nalang sila ay hinayaan Sya na kalabanin ang kanyang kapatid

Agad nyang kinalaban ang kanyang kapatid, sinugatan nya ito sa kanyang braso, ngunit dahil sa inis ng Bathaluman ginamit nya ang kanyang kapangyarihan upang maitulak sya papalayo.

Pashnea! Bakit ba ang hilig mong mangialam sa laban iba? Tanong ng bathaluman

Sa tingin moba palalagpasin ko ang iyong ginawa!? Hindi ko hahayaan na basta basta monalang saktan ang aking mahal na alaga ng hindi ka nagbabayad! Sigaw ng Casilda sabay gamit ng kanyang kapangyarihan upang tamaan ang Bathaluman ng enerhiya ng yelo, dahilan upang mapatumba sya

Ano ang iyong pinagsasasabi?! Hindi ako nananakit ng kahit anomang Pashnea! Liban nalamang kung nanakit rin ito sa mga encantadong nasasakupan ko! Sigaw ng bathaluman.

Napaisip naman si Casilda, lalo na't kahit hindi sila nagkakasundo ng kanyang kapatid, tama ang kanyang sinasabi, naalala nya ang sugat ng kanyang alaga, nag-iwan ng marka na kulay Lila ang kapangyarihan nito sa balat.

Tiningnan nya ang kanyang kapatid, tiningnan nya si Ether, ang isa pang bathala na May ganitong kulay na kapangyarihan. Namuo mulit ang galit sa kanyang sarili, Ginipit nya ang kanyang sandata at sinugod si Ether, nilabanan nya ito, bago paman sya pigilan ni Arde, ginamit ni Cassiopeia ang kanyang kapangyarihan upang pigilan ang bathala at labanan ito.

Hindi man kami nagkakasundo ng aking kakambal, ngunit alam ko ang kanyang ugali. Hindi sya basta basta magsisinungaling lalo na't matagal ko nang alaga ang Pashnea sinaktan mo! bago kopaman kayo makaanib! Alaga konasya kahit noong maayos pa ang pagitan namin ng aking kakambal! Sigaw ni Casilda

Naglaban sila ni ether, ngunit dahil sa liksi ng Bathaluman nabitawan nya ang kanyang sandata.

Maling desisyon na kinalaban Moko Casilda! Isa karing taksil gaya ng iyong kapatid! Kung kaya't paalam! Wika ni Ether

Bago paman sya masaksak ng Bathaluman, itinapon ni Cassiopeia ang Kabilan patungo sa kanyang kapatid, Nasalo naman ito ni Casilda dahilan upang masugatan ang Bathaluman.

Tanakreshna.. wika ni Ether sabay hawak sa kanyang nasugatan na tagiliran. Nagsanib pwersa ang dalawang bathala upang mapatumba ang kambal gamit ang kanilang kapangyarihan, ngunit ginamit rin ni Casilda ang kanyang liksi. Tumakbo sya patungo sa kanyang kapatid at ginamit rin ang kanyang kapangyarihan laban sa kanila, nakipag sabi pwera rin ang Bathaluman. Biglaan naman naglaho ang Bathalang Emre sa likuran nila Ether at sinugatan sila dahilan upang mapatumba ang dalawang bathala.

Hindi pa Tapus ang ating laban!, wika ni Ether Sakanila sabay naglaho kasama ni Arde.

Mga duwag! Bumalik kayo rito! Sigaw ni Casilda habang pinasabog ang kanyang kapangyarihan.

Huwag Mona silang habulin pa, mabibigyan karin ng pagkakataon na maparusahan sila.

Tumingin sya sa kanyang kapatid, ginagamot ng kanyang kasama ang mga sugat na natamo nya, Hindi nag tagal, agad nyang nabitawan ang Kabilan at lumipat ito patungo kay Cassiopeia.

Kung sa tingin mo ay nakikimabutihan ako sayo, wag kung umasa! Wika ni Casilda , tiningnan nya ang Emre.

Ikaw, taga ingatan mo ang iyong bathaluman, lalo na't sa susunod na aming pagtutuos, sisiguraduhin kong hindi na sya hihinga pa, wika nya bilang babala, at dito naglaho na sya pabalik sa kanyang kaharian.

Marami akong pangitain na nakikita sa kanyang kinabukasan, nawa'y ang isa sa mga mabuting kapalaran ay muli nyang tahakin. At hindi panatilihin ang masama yang asal. Wika ni Cassiopeia.

May pag-asa pa Cassiopeia, mag tiwala malamang wika ng bathala.

Laking ngiti naman ng bathaluman nang maalala nya ang ginawa ng kanyang kapatid, Sana nga.

Encantadia (Short Stories)Where stories live. Discover now