~Silip Ng Nakaraan~

106 1 2
                                    

May tatlong nilalang na lumabas sa Isang lagusan, ang Isa nilang kasama ay naguguluhan habang ang dalawa naman at Tila tuwang Tuwa sa pangyayari. Agad naman inagaw ng Encantado ang kanyang mga kamay na hawak ng dalawang encantada

Mga warka! Saan nyoko dinala?! Tanong nitong naiinis

Hulaan mo Alexus! wika ng encantada na Naka ngiti

Agad naman nainis si alexus, hindi paba sapat na nadukot sya ng dalawang wenuveska na ito? Tanong nya sa isip nya

Tiningnan nya ang dalawa na tila nag hihintay ng kanyang sasabihin, huminga sya ng malalim at tiningnan ang paligid

Nasa Encantadia sila, ngunit May hindi sya tamang nararamdaman.

Nasa Encantadia tayo hindi ba? Tanong nya

Hm... Tama ngunit kailangan mo pang hulaan! wika ng isang encantada

Bago sya makapagsalita napansin nilang tatlo na pinapalibutan sila ng mga kawal Etherian, napansin ito ni Alexus ngunit nag taka sya bakit mga dating kasuotan ang kanilang ginagamit?

Bakit nyo kami pinapalibutan? Mga taksil! Ako ang inyong pinuno! Wika ni Alexus

Pinapatawa mo ba kami? Hindi namin kayo kilala kung kaya't pano ka namin naging pinuno? Tanong ng kawal

Bago paman sila sugurin ginamit ng encantada ang kanyang kapangyarihan upang mapuksa ang lahat ng kawal sa paligid

Mahusay Vesperia! wika ng encantada

Avisala Eshma Crisenta wika ng encantada at ngumiti

Ngunit lalo lamang nainis si Alexus, Kayong dalawa! Wika nya nasaan tayo? At bakit ganun ang kasuotan ng aking mga kawal?!

Alexus, mga kawal nga sila ng Etheria, ngunit hindi sila pag mamayari mo, pagmamayari sila ng iyong ina, wika ni Crisenta

Tama si Crisenta! lalo na't Nasa Nakaraaan tayo! Wika ni Vesperia na tuwang tuwa

Agad naman namuti ang ekspresyon ng muka ni Alexus, pano ito nangyari? Tanong nya sa kanyang sarili agad syang nagsalita

Bakit nyoko dinala dito?! Tanong nya na naiinis

Dahil sobra na ang pamiminsala mo sa Encantadia! kung kaya't naisipan namin ni Crisenta na itapon ka namin sa nakaraan upang matigil din ang iyong paghahasik ng lagim wika ni Vesperia

Tama si Vesperia,

Tiningnan lamang ni Alexus ang dalawa na tila naiinis, aalis na sana sya ngunit napansin nya na ang kanyang mga kamay ay tila nawawala-wala nabigla sya. Kung kaya't agad nyang binalaan ang kanyang mga kasama

Tiningnan nyo! Wika nya ngunit hindi naman nagulat ang dalawa

Warka! Nasa nakaraan tayo, kung kaya't nangyayari yan! Wika ni Crisenta

At hindi kayo nababahala?! Tanong nya na kinakabahan

Hindi, wika ni Vesperia

Lalo lamang naiinis si Alexus, Walang pagkakaiba ang paneya at ang inyong mga utak!

Bago paman sya maka alis kinuha ni Crisenta ang kamay ng dalawa at naglaho papa alis ñ, Naglaho sila sa isang kuta, nabigla ang mga encantado kung kaya't agad silang tinutukan ng mga sandata

Avisala mga kaibigan! Wika ni Vesperia, maari ba kaming makituloy sa inyong kuta?

Sino kayo? Tanong ng Encantado

Isa kaming kaibigan naghahanap lamang ng matitirahan pansamantala wika ni Crisenta

Nagsisi- bago paman maka salita si Alexus tinakpan ni Vesperia ang kanyang bibig, Wag kang maingay! inutos nya at ngumiti sa mga encantado

Encantadia (Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon