~Pagpilit sa Pabor~

79 2 1
                                    

STORY REQUESTED BY: Museane

(I HOPE MA ENJOY MO ANG IYONG REQUEST 🌸)

_______________________________________________________

Mahal ko bitawan Mona ako! Wika ni Pirena na naiinis sa kanyang asawa.

Hindi kita bibitawan hanggang hindi ka Pumapayag, wika ni Azulan

Sinubukan ni Pirena na maglaho ngunit maging ang kanyang brilyante o ang kanyang Evictus ay walang epekto sa kanyang mahigpit na pagkayakap.

Pirena, minsan lang naman ako humihingi ng mga ganitong pabor, kung kaya't pagbigyan Mona ang iyong mahal na Rama, wika ni Azulan na parang bata.

Azulan, nasa kalagitnaan tayo ng Digmaan, kung kaya't wala tayong panahon sa mga nais mo, wika ni Pirena, ipinapangako ko na sa oras na matapos na ang lahat ng kaguluhan ay ibibigay ko ang lahat ng iyong nais.

Ngunit gusto ko ngayon na, wika ni Azulan bilang pang aasar

Napabuntong hininga naman ang Hara sakanya, Kahit anong pilit ni Azulan Hindi sya pumayag, kung kaya't sumunod naman ang Rama sa kanyang winika, hindi nya binitawan si Pirena sa kanyang mga kamay, kahit nakarating na sila sa Lireo kung saan magsisimula ang pagpupulong.

Nagsitinginan naman ang ibat ibang mga pinuno sa kanila, at natawa, lalo na ang kanyang mga kapatid.

Alena, maari monang sabihan ang aking asawa na bitawan ako? Tanong ni Pirena na naiinis

Bakit Pirena? Tanong ni Alena na natatawa, Hindi moba kayang pagsabihan ang iyong mahal na asawa?

Grabe ang Clingy ni Kuya Azulan! wika ni Lira habang kumuha ng Litrato gamit ang kanyang Cellphone

Alena nag mamakaawa ako, wika ni Pirena na tila bumibitaw ngunit patuloy parin humihigpit ang akap ni Azulan.

Azulan, Kung iyong mamarapatin, maari monang bitawan ang aking Apwe, nang sa ganon ay maka sisimula na tayo sa ating pagpupulong.

Tiningnan naman sya ng Rama, Sasangayon lamang ako, kung papayag ang aking asawa sa aking nais, wika ni Azulan

At ano naman ang iyong nais? Tanong ni Danaya, na tila natatawa kasama ang kanyang asawa

Nais ko magkaroon ng oras, na para lamang saamin ni pirena, lalo na't alam kong grabe narin ang kanyang diin ukol sa mga pangyayari, Nais kong mapagaan ang kanyang loob, matatag na wika ni Azulan

Namula naman ang Hara ng Hathoria at agad itinago ang kanyang muka sa kanyang asawa, Hindi sya makapaniwala na sasabihin talaga ni azulan ang kanyang nais sa harap ng mga Kamahalan at konseho. Ngunit ginawa talaga nya

Natawa naman ang karamihan ng mga mamamayan na naroroon, namula naman ng kaonti si Mira ng malaman nya ang nais ng kanyang ama amahan.

Alena nasayo ang desisyon wika ni Ybrahim, habang nakatingin sa dalawa

Sooo ashi, Pagbigyan na natin!, Mukang gustong gusto talaga ni Kuya Azulan ng bebe time oh! Wika ni lira habang natatawa.

Laking ngiti rin ang bumabalot kina Muros, habang patuloy lamang nakangiti ang Rama ng Hathoria at hindi parin binibitawan si Pirena.

Mag-botohan tayo, wika ni Alena, kung sino man sainyo ang nais sumang-ayon sa Pahayag ng rama ng Hathoria, itaas ang inyong mga kamay.

Agad naman nila lahat itinaas ang kanilang mga kamay habang natatawa parin, Itinaas ni Azulan ang kanyang kamay kasabay narin ang kamay ni Pirena.

Halata naman na sumasang-ayon ang lahat mahal na Hara wika ni Muros

Dahil sumang-ayon ang lahat, at bilang batas ng lireo, susundin natin ang nais mo Azulan. Wika ni Alena, Maari na kayong makaalis at magawa ang inyong nais.

Ina, baka naman pagbalik nyo May bago nanaman akong kapatid, wika ni Mira, Sabay naman natawa ang lahat sa kanyang winika.

Mira.. babala na wika ng kanyang ina

Agad naman napaatras ang Sanggre at humawak kay Lira, Si Lira yung nagpakana! Wika ni Mira

Ilang kapatid ba ang nais mo Mira? Tanong ni Azulan bilang pabiro

Azulan! Warka! Sigaw ni Pirena sabay palo sakanya.

Tuluyan lamang natawa ang ibat ibang mga pinuno,

Hindi ka talaga susuko sa iyong nais? Tanong ni Pirena

Hindi, at sumang-ayon naman na ang lahat kung kaya't, Halikana mahal ko, wika ni Azulan sabay binuhat ang Hara,

Sanggre Danaya kung iyong mamarapatin? Tanong ni Aquil sa kanyang asawa

Ngumiti naman si Danaya at inilabas ang brilyante ng lupa, ginamit nya ang kanyang kapangyarihan upang mapaglaho ang dalawa papaalis ng Lireo at pabalik ng Hathoria.

Encantadia (Short Stories)Where stories live. Discover now