CHAPTER 6

1.6K 46 0
                                    

Chapter 6

Juls and I decided to meet in the usual place. Malapit sa seven eleven. Gusto niya akong samahan sa pagpunta ko sa pub kaya heto ako ngayon at hinahatid ni Casper na kanina pa nakasimangot sa hindi malamang dahilan. Kanina ko pa siya pinipilit na hayaan nalang ako at kaya ko namang pumunta mag-isa patungo doon. Kaso itong loko na 'to, mas makulit pa sa batang bulilit kaya wala akong nagawa kundi hayaan siyang gawin kung ano ang gusto niya.

So yeah, I just let him. 

"Go home when you finish your job in that pub or text me so I could fetch you, understood? H'wag kang magtagal sa lugar na 'yon at umuwi ka agad."

Itinirik ko ang mata dito. Gusto ko siyang sabunutan sa inis pero dahil good mood ako, hindi ko nalang 'yon gagawin.

"Seriously, Casper? Ilang ulit mo na bang pinaalala 'yan sa akin? At oo, hindi ako magtatagal doon dahil kailangan ko lang namang kausapin si madam saka ako uuwi, okay? Pero kasama ko ang kaibigan ko kaya hindi rin ako sigurado kung makauwi ba ako agad."

"Coleen!"

"I know! Susubukan ko, okay?" Marahas na napabuntong hininga ako. Hindi ako makapaniwala na nakikipag-argumento ako ngayon sa kanya sa walang kwentang bagay. "uuwi parin naman ako. You own me, remember?" I sarcastically said the last sentence but he just chuckled.

"Yeah, you got it right. I own you."

Napairap nalang ako at hindi na nagsalita para hindi na humaba ang usapan. Gusto ko lang ngayon ay makarating sa pub at kausapin si madam dahil may gusto pa akong puntahan na hindi ko pinaalam kay Casper.

Mayamaya pa ay natanaw ko na si Juls malapit sa seven eleven at nakabusangot ang mukha habang nakaupo doon. Natawa ako sa itsura niya kapagkuwan ay pumihit paharap kay Casper na matamang nakatingin sa akin.

I blinked. "What?"

Matiim na tumitig ito. Sa paraan ng tingin nito ay bigla akong nailang lalo pa at hindi ko kayang iiwas ang tingin sa berde nitong mata. Bago pa ako makareklamo, nagbaba siya ng tingin at bumuntong hininga.

"Just please, take care and be safe as always, okay?" His voice were pleading and I found my self nodding at him.

What got into him? B-Bakit biglang naging sweet ito? Hindi naman siya ganito nitong nakaraan o baka naman hindi ko lang napapansin?

Though, it made me smile. Masaya akong may nag-aalala parin pala sa kalagayan ko.

"Oo naman. Salamat sa paghatid sa akin."

"Dapat lang. May lilinisin ka pang bahay pag-uwi mo—" sinikmuraan ko na ito at nakasimangot na lumabas ng kotse. Narinig ko pa ang malakas niyang halakhak na ikinailing ko.

"Loko-loko talaga." Napa-asik ako at malalaki ang hakbang na nilapitan si Juls na nakabusangot sa akin.

"Bakit ang talaga mo bakla?" Inirapan ako nito. Napangiwi naman ako at lumingkis sa braso niya.

"Pasensya na, natagalan ako dahil nakipag-argumento pa ako kay Casper."

"Casper?" Tumikwas ang maldita nitong kilay. "sino naman 'yan? Jowa mo?"

"Hindi." Napanguso ako at dumukwang palapit sa tainga niya para bumulong. "si Casper, 'yong bumili sa 'kin."

"Ano?!" Napapikit ako sa tili nito. "bakit hindi mo sinama dito punyeta ka!"

Napalingon-lingon ako, ang iilan sa mga tao ay napatingin sa amin dahil sa lakas ng boses ni Juls.

"Ano ba, hinaan mo nga 'yang boses mo." Mariin kong saad at hinila siya patungo sa paradahan ng jeep. "May trabaho 'yong tao, okay? At bakit ko naman siya isasama?"

SOLD TO THE BILLIONAIREWhere stories live. Discover now