CHAPTER 19

1K 35 2
                                    

Chapter 19

"Have you ever thought of having a child?"

I lifted my gaze when Casper sat beside me and fill the gaps between us. He hug me from the side and rest his chin on my shoulder.

"Bakit mo naman natanong?" Ibinaba ko ang hawak na papel para ituon sa kanya ang buo kong atensyon.

"It just came up to my mind. Besides, mom is really fond of having a grandchild. Dahil hindi na ulit sila biniyayaan ni dad ng pangalawang anak, palagi na siyang nanghihingi sa akin ng apo."

My lips pursed and averted my gaze when my cheek flushed.

"T-Then, what did you say to her?"

"Hmm, sabi ko, saka ko na sila bibigyan kapag okay na sa 'yo."

My mouth parted and hastily glanced at him but he just wink at me naughtily. Mahina ko siyang kinurot sa braso na nagpangiwi sa kanya.

"Puro ka talaga kalokohan. Ano nalang ang iisipin ni Tita?"

"Alam naman niya na nililigawan kita," his lips protruded. "she's just looking forward to it. Hindi ko naman sinabing agad-agad ko silang bibigyan ng apo."

Muli akong nag-iwas ng tingin nang mag-init ang magkabila kong pisngi. Ewan ko nalang talaga kay Casper kung ano ang nakain nito at nasabi niya kay Tita ang tungkol sa pagkakaroon ng apo. Nanliligaw pa nga lang siya pero ang utak niya ay nasa pagkakaroon na ng anak.

Does he know what he's talking about? It's a big responsibility for someone like him. Talaga bang handa siya? Talaga bang sigurado siya sa iniisip niya? Dahil kung ako ang tatanungin, wala namang problema sa akin ang pagkakaroon ng anak dahil alam kong kaya ko 'tong panindigan.

But how about Casper? I know he's a casanova before but what if? What if he's just like this in the first place? Paano kung sa kalagitnaan, iiwan niya ako?

"Anyway, back to my first question. Have you ever thought about it?" He asked.

Nilingon ko siya at tipid na ngumiti saka mahinang tumango.

"Oo naman, palagi. Though, I wanted to make sure my child's future if I want to get pregnant. Gusto kong siguraduhin ang lahat bago siya mabuo at lumabas sa mundong 'to. I don't want to get pregnant if I have too many hesitations."

"Hmm." He slowly nodded his head. Bahagya siyang lumayo pero nanatiling nakayakap ang kanyang kamay sa beywang ko. "What kind of hesitations? Let's get rid of it."

Mahina akong natawa sa sinabi niya at pinisil ang kanyang pisngi dahil sa ka-kyutan niya.

"Hindi rin ako sigurado kung ano ito pero isa lang ang alam ko, hindi pa ngayon ang tamang oras para sa pagkakaroon ng anak."

His green eyes darted on me. An unknown emotion lingering on his eyes and I don't know why. His lips thinned and after a while, he sighed.

"You're right. It's not yet the time. Sorry if I ask."

"Sorry?" Tinaasan ko siya ng kilay at mahinang pinitik ang kanyang noo. "why say sorry? Masaya nga ako at natanong mo sa akin ang tungkol diyan. 'Di ba sabi ko sayo kung ano ang gusto mong sabihin sa akin, sabihin mo lang. Para maibigay ko rin sayo ang opinyon ko."

He nodded. Lumambot ang ekspresyon niya at marahan niya akong hinila para sa isang mahigpit na yakap.

"Thank you. I'm such a lucky guy for having you."

Napangiti ako at hinaplos ang kanyang likod. Kung alam mo lang Casper, ako ang mas masuwerte dahil may isa akong katulad mo.

"Anyway, let's talk about your upcoming birthday. Ano ba ang gusto mo?" I asked.

SOLD TO THE BILLIONAIREWhere stories live. Discover now