CHAPTER 9

1.4K 43 0
                                    

Chapter 9

"Karen, ayos ka lang? Kanina ka pa nakatulala diyan."

Napalingon sa 'kin ang kasama ko at mula sa pagkakaupo sa bench ay tumayo siya at tumabi sa akin. Nagulat pa ako nang sumandal siya sa balikat ko kaya imbes na magreklamo ay hinayaan ko nalang siya.

May pinagdadaanan yata. Kanina pa kasi namin siya napapansin na tulala. Tutal break naman, ayos lang na tumambay muna kami dito kahit sandali.

"Magsabi ka nga sa 'kin Coleen, nagmahal ka na ba?" Sambit niya at ikinakunot ng noo ko.

"Bakit mo naman natanong?"

"Gusto ko lang malaman." She sighed. "sa tingin ko makakatulong ka sa 'kin kaya sabihin mo na. Nagmahal ka na ba?"

I moistened my lips and averted my gaze. Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kanya dahil hindi ko pa naman naramdaman ang bagay na 'yon. But, oh well.

"Romantically?" She nodded. "well, I did not. At hindi ko sinubukan na buksan ang puso ko sa bagay na 'yan dahil alam kong sakit lang naman ang dulot niyan. It's true that it can gave you happiness but until when? Ikaw ba 'yong masasaktan o ikaw ang makakapanakit? Masyado na akong maraming iniisip para idagdag ang love love na 'yan."

"Hmm." Umalis ito sa pagkakasandal at umayos ng upo para harapin ako. "Hanggang ngayon ba hindi mo parin sinubukan na buksan 'yang puso mo para sa iba? Let's say, a chance for someone."

Bumuka ang bibig ko para magsalita pero agad ko rin iyong itinikom at ngumiti nalang.

"Nah, wala pa talaga 'yan sa isip ko. Tsaka teka nga, bakit mo nga natanong? Something is wrong with you?"

Karen sighed and leaned on the locker.

"Kasi nagmahal ako. Totoong masasaktan ka kapag nagmahal pero kasi, sobrang mahal ko 'yong tao. Sabihin na nating marupok ako pero hindi ko talaga kayang wala siya sa tabi ko."

"Ibig mong sabihin, sinasanay mo ang sarili mo sa kanya." I said. Hindi iyon bastang hula lang dahil base sa pinapakita niyang emosyon ay tumpak ako.

"Masama ba 'yon?"

Napabuntong hininga ako at tinapik ang kanyang balikat.

"Wala akong karanasan diyan kaya wala rin akong masasabi. Pero ito ang tandaan mo, Karen. Kailangan mong ihanda ang sarili sa posibilidad na mangyayari. Let's say.. out of love. H'wag mo nalang isipin masyado, ang sa ngayon, maging masaya ka lang."

She just smiled timidly so I gave her enough time to be alone and leave her there. Nasa kanya na kung susundin niya ang sinabi ko pero sana naman oo. Dahil alam kong kapag nangyari ang sinabi ko, si Karen ang mas masasaktan ng sobra. She's holding on to him. If something might happen and they separate, Karen will be mess for sure. Kaya hangga't maaga, sanayin na niya ang kanyang sarili na wala siya.

Ang galing kong mag-advice pero maski sa sarili ko, hindi ko alam kung magagawa ko. It's been several days since that kiss and I kept on reminiscing what happened into that day. Tuwing sa pagtulog ko, pagtatrabaho, pag kain at kahit sa pag ligo ay laman niyon ng isip ko.

Pilit ko namang kinakalimutan. Sinusubukan kong umakto na parang walang nangyari sa harap niya pero hindi ko kaya. Everytime I look at him, that kiss always popped in my mind. Mabuti na nga lang at naging abala siya sa trabaho dahil may malaking shipment siyang inaasikaso.

That kiss is a mistake. He's messing with me that time, right? Hindi naman siguro niya intensyon na halikan ako, 'di ba? Pero bakit kasi kailangan pang halikan ako! He doesn't accept thanks? Eh anong pinupunto niya? Na halik lang ang gusto niyang tanggapin?

SOLD TO THE BILLIONAIREWhere stories live. Discover now