CHAPTER 49

908 27 0
                                    

Chapter 49

“Who is he, mom?”

Bumaba ang tingin ko kay Aquila na nakatutok parin kay Onyx. The latter seems shocked. Mukha itong hindi makapaniwala na may anak na ako.

“He was my classmate, Aquila. No’ng dito pa ako nag-aaral.”

“Really? Hello po.” Kiming kumaway ito.

Napa-ayos ng tayo si Onyx at kumaway pabalik sa anak ko.

“Hello, little girl. How are you?”

“I’m fine.” She smiled and looked up to me. “can I go on ahead, mommy? I need to find dresses for my tita’s.”

“Oh, sure, you can. Dito lang ako kaya h’wag kang lumayo.” Paalala ko at pinanood itong umalis para maghanap ng ibang damit.

“How old is she?”

Lumipat ang tingin ko kay Onyx. Naguguluhan ang tingin niya at mukhang alam ko na kung bakit.

“Five.”

“Is that why..” he looks baffled. Hindi nito matapos ang sinasabi pero tumango ako dahil alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin.

“Partly, it was my reason too. May malalang dahilan lang ako kaya ako umalis.”

Napatango ito. “Kailan ka pa buntis no’ng nag-aaral pa tayo?”

“No’ng intramurals, buntis na ako no’n. Kahit no’ng pageant ay may bata na sa loob ko.”

“That’s too risky. Good thing nothing happened to her.”

I smiled sadly. “May kakambal si Aquila. Hindi lang nabigyan ng pagkakataon na mabuhay dito sa mundo.”

“Oh..” natahimik ito. “I’m sorry.”

“It’s okay.” I reassuringly smiled to him so he won’t be sad. Maski ako naman ay nalulungkot kapag nababanggit si Alora pero matagal ko ng tinanggap na wala na siya. “sanay na ako diyan. Matagal na taon na rin no’ng mawala si Alora. She was dead when I gave birth to her.”

“Still.. I’m sorry for your lost.” He said. Tanging tango lang ang tinugon ko para hindi na siya mag-alala.

We just talked for a while dahil kailangan na nitong bumalik sa trabaho at ako nama’y tulungan ang anak ko sa pagpili ng mga damit na gusto nitong ipasalubong sa mga tita niya.

Hindi naman talaga kailangan dahil marami naman silang damit pero kapag kay Aquila nanggaling ay tatanggapin talaga nila ito. They don’t want to upset the little girl. Pati sila ay ginagawa ang lahat para h’wag malungkot ang bata.

“Ito na ba lahat?” tanong ko sa aking anak nang bumalik siya na wala ng dala.

“Yep.” She gives me thumbs up.

Ibinigay ko na sa cashier ang mga damit na napili niya saka binayaran pagkatapos. And again, I let Aquila chose the stores she want to go. Nakasunod lang ako sa kanya habang bitbit ang maraming paper bags.

“Mommy! Can I have this?” may itinuro itong panglalaki na damit na kasya sa kanya pero nagtataka ako kung bakit ito ang pinili niya.

“Para sa lalaki ‘yan, anak. Sino ang pagbibigyan mo niyan?”

“’Yong boy po na nakita ko sa picture ng phone mo.” She smiled. “I know that you know her, mom. Gusto ko po siyang makita.”

My lips formed into thinned line. Akala ko tapos na kami sa usapang ‘to. I thought I already divert her attention but this is my daughter we’re talking about. Kapag may gusto itong malaman, hindi talaga ito mawawala sa kanyang isipan.

SOLD TO THE BILLIONAIREWhere stories live. Discover now