CHAPTER 51

1K 30 1
                                    

Chapter 51

“Muntik na siyang mamatay sa totoo lang. Hindi ko alam kung ano talaga ‘yong nangyari pero kumalat sa buong socmed ang pananakit ni Casper sa kayang sarili. He needs to be rehab and take medication. Malala ang pananakit niya at dahil sa takot na baka masaktan nito ang sariling anak ay kailangan nitong lumayo. You see, sis. Pareho kayong nasaktan, nahirapan at nagdusa ngunit sa ibang rason nga lang. Kayong dalawa, kailangan niyong mag-usap ng masinsinan. Oo alam ko napakahirap lalo na sa sitwasyon niyo ngayon pero kailangan niyong subukan! Paano kayo giginhawa kung pareho kayong walang alam sa isa’t isa? Alam mo, kailangan niyo talagang maliwanagan, ang dami niyong ka ek-ekan.”

Pumirmi ang labi ko. Hindi ako nakapagsalita sa haba ng sinabi ni Juls. Napainom bigla ako ng alak habang pinoproseso sa utak ang lahat.

Casper.. suffered too, just like me. He was rehab and need to take medications. He was suicidal. Magkaiba kami ng rason ngunit pareho kami ng pinagdaanan. Puro masasakit, mahihirap at nakakatakot. Kasi nakasaalang-alang ang kapakanan ng iba kaysa sa sarili namin.

I never thought that it would go this far. Akala ko ayos na siya noong iniwan ko siya pero bakit kailangang magkaganito? Nasisiguro ko na masaya siya bago ako umalis pero pagbalik ko ay saka ko ‘to malalaman? Ano ba talaga ang ginagawa ni Casper?

“May Lilliene siya noon, Juls. Nasisiguro ko na bago ko siya iwan ay masaya siya—”

“Masaya nga ba siya?” tumaas ang mataray nitong kilay. “Kung masaya, eh bakit kailangan magkagano’n siya?”

“Siguro dahil sa pagmamahal niya kay Lilliene ay hindi niya matanggap ang pagkamatay nito. Hindi lang ako ang rason kung bakit nagkagano’n si Casper. May mahal siyang iba, Juls. Sigurado akong iba ang rason niya.” Mapait kong saad kahit alam ko naman na iyon ang katotohanan.

Hindi ito nakasagot kaya tumahimik na rin ako. Sunod-sunod ang paglagok ko ng alak at hindi ininda ang pag-ikot ng paligid.

“Ayaw mo talaga siyang kausapin?” He asked. Nagdadalawang-isip na tuloy ako ngayon kung kakausapin ko ba si Casper o hindi. “nakikita ko, sis. Nakikita ko kay Casper kung paano siya tumingin sayo noon at kahit ngayon. Parehong-pareho parin, hindi ako nagkakamali.”

I heaved a deep sigh. “Anong klaseng tingin ang ibig mong sabihin?”

“’Yong tingin ng isang lalaking nagmamahal. ‘Yon ang nakikita kong tingin sayo ni Casper.”

I swallowed. Hindi makapaniwalang umiling ako dahil hindi ako naniniwala. Casper never love me, he just liked me. Kung ano mang nakikita ni Juls sa kanya, isa ‘yong napakalaking kasinungalingan.

“Imposible, Juls. Hindi totoo ‘yang sinasabi mo.”

“He loves you, sis! Bakit napakasarado niyang utak at puso mo?”

I shook my head and sipped my vodka. Trying to eliminate the fast beating of my heart just by mentioning that Casper loved me.

Imposible, imposible, imposible! Hindi mangyayaring mamahalin niya ako! I can’t even hear that precious word from him! And worst, ibang babae pa ang una niyang binuntis para lang magkaroon ng pamilya.

I was just one of his women. One of his collection and he will never loved me.

“Hindi mo 'ko maintindihan, Juls.” I said dismissively.

SOLD TO THE BILLIONAIREWhere stories live. Discover now