CHAPTER 21

24 1 0
                                    

JS2: ZARI'S POV

Saglit na pahinga lang rin ay bumalik naman agad kami ni Kaden sa trabaho, naipanalo nila ang  unang kasong hinawakan kasama si Atty. Valdez. At dahil wala akong trabaho ngayon ay mag isa lang ako sa condo namin, nilinisan ko nalang ang buong condo at ginawa ang dapat na gawin. Kasalukuyan kong tinatapon ang laman ng trash bin namin sa lobby nang makatanggap na naman ako ng text at tulad ng dati ay unknown number ang nakalagay rito. 

Iisang tao lang ito.

Noong una ay nagawa ko pa itong baliwalain at baka nagkamali lang pero nang magtutuloy ang mga message nito sa nagdaang linggo ay nangamba na ako. Wala pa akong plano na sabihin kay Kaden ang tungkol rito dahil gusto ko munang malaman kung sino ang nasa likod nito at kung ano ang pakay niya sa'min ni Kaden.

Unknown number:

Let's just see if you'll not stop loving him when the times comes. Pano kaya kapag makilala mo na kung sino talaga siya, tsk can't wait for your downfall girl.

I block the number.

Bumalik nalang ako sa condo at ilang beses na bumuntong hininga. Who could it be?

Sakto namang dumating si Kaden ilang minuto lang at may dalang dalawang box ng pizza. Tumayo kaagad ako at sinalubong siya ng ngiti, he put the pizza on the table before he widened his arms and came to hug me.

"Guess the good news?"he chuckle as he ask.

"What?"I ask but immediately think of something."You won the case again?"

"Yes!"

"Wow, congratulations!"

Hindi ko mapigilang hidi mamangha kay Kaden, may hinawakan ulit siyang kaso kasama parin si Atty. Valdez at nanalo ulit sila. He tightened our hugs and rest his chin on my shoulder. I play with his hair and heared him sighed.

"Pagod ka?"tanong ko nang humiwalay siya.

Umiling siya at ngumiti."Hindi na, nandyan kana e."

Nag init ang pisngi ko sa sinabi niya at mabilis na nag iwas ng tingin. He cupped my face and plant a kiss on my forehead."You're such a baby.."

I nodded and point the pizza."Kain na tayo?"anyaya ko nag di na mapigilan ang ngiti sa labi.

"You're avoiding my eyes.."natatawang aniya at kinuha ang kamay ko.

We had dinner with the pizza together, and like what we used to...we wash dishes together. I suggested to watch a true crime documentary later on when he said he want to spend his time for me than sleeping on his room.

Dahil may isang box pa naman ng pizza ay kinuha ni Kaden yun at binuksan, kumuha rin siya ng ice cream sa ref bago tumabi sakin. I took a bite on the pizza while Kaden's busy on his ice cream. I bit my lower lip when I had the guts what case is on.

"Homicide."

Nagkatinginan kami ni Kaden dahil sabay naming sinabi yun, napapailing nalang ako. 

"Even our brains are thinking the same thing,"he chuckled.

"Destiny?"nang aasar na tanong ko at ngingiti naman siyang tumango tango.

"Destiny it is."

Inabot kami ng alas diez ng gabi at kung hindi pa ako nag ayang matulog ay mauumagahan na kami sa sobrang haba ng documentary. I sleep that night with a smile on my lips but the messages I've repeatedly received didn't get rid from my mind.

"Congratulations Atty.."one of the paralegals congratulate me as soon as I get inside the elevator.

Dalawa lang kaming nasa loob kaya sino pa ba ang binabati niya...pero congratulations saan?

Offered Conviction from the Past  (Justice Series #2)Where stories live. Discover now