EPILOGUE

15 1 0
                                    


Kaden's POV

"Para namang di tropa 'to, patulong naman kay Prof Ramirez."

Kakalabas ko lang mula sa huling klase, consti. Maingay sina Kio na hinihintay raw ako sa labas ng Arellano University kaya hindi ko sasayangin pa ang chance don kay Prof Ramirez.

"Pucha, parang timang naman 'to. Pano ko papakiusapan 'yun, hindi naman ako dito nag-aaral." kinakamot niya ang batok.

"Gawan mo ng paraan pre, ninong mo naman yun. Tsaka, the world is healing na oh...may nagugustuhan ang tropa natin. What in a world." Deon interfere between us.

Kio sighed. Inakbayan ko siya, desperado na.

"Yeah right, what in a world for this womanizer to be this desperate to change his class schedule." Ash, the only girl in our squad who happened to Deon's girlfriend pointed me.

"People change." I uttered confidently."Tsk, sige na kasi pre. Alam ko na pangalan, kailangan ko nalang dikitan. Para namang di tropa to."

Kio acted hitting me that I immediately avoided. Deon and Ashly were chuckling and crossing their arms on us.

"Eh, ano bang pangalan n'yan bumaliw sa'yo?" si Faust, nasa tono parin na hindi makapaniwala sa pagbabago ko.

My lips rose up, repeating her name on my mind. The most gracious and gorgeous woman in my eyes. I chuckled to them making their brows shot.

"Keanna Azariella Angeles,"

"Kaya naman pala. Pangalan palang hirap na abutin."Kio shook his head.

"Siya siya, kakausapin ko si Ninong Hence mamaya. Bukas baka nasa klase kana n'yang Keanna mo."

"Yes! I love you pre!" I acted kissing him on the cheek.

"Pucha kadiri, lumayo ka nga!" he poke my nape.

The three laughed at it. I glared at Kio but eventually smile after. Di baleng nabatukan basta matulungan kay crush.

When I arrive home, I immediately ordered for dinner then went to shower for thirty minutes. After it, I open my social media accounts to look for her. Malakas lang akong napabuntong hininga ng inabot na ng alas nuebe at nakakain nalang ay wala akong nahanap.

Wala ba siyang socmed accounts?

Bahala na muna. Hinarap ko nalang ang libro sa criminal law at sinimulang basahin. Nakatulong din naman pala ang lokong si Deon, may tinatanong sila ni Ash kanina tungkol sa subjects ng blockmate nong babae na gusto ko. Pero syempre, hindi kasali schedule...baka mahalata pa. Hindi pwedeng mabisto, hindi ko pa nga napormahan.

Nilalaro ko ang pilot pen sa mga daliri habang nakatuon ang atensyon sa binabasang libro. Criminal cases are way more interesting that others for me. Parang mas nakukuha nito ang interes ko kaya madali sa'king aralin.

Tss...bakit nga ba ako nag law?

Kasi gusto kong baguhin ang mindset ng nakararami na ang hustisya ay para lang sa mayayaman. Walang puwang sa korte ang mga mahihirap na walang pambayad. Gusto kong baguhin yun. Gusto kong patunayan na mali ang isiping yun.

Offered Conviction from the Past  (Justice Series #2)Where stories live. Discover now