CHAPTER 29

43 1 0
                                    


JS2: ZARI'S POV.

Dahan dahan akong tumango kay Atty. Villarrial napagdesisyunang puntahan si Atty. Arinuevo sakanyang opisina. Malalim akong napabuntong hininga. Sabay silang umalis, iisa lang ang ibig sabihin nun...nakaplano na lahat.

"Atty Angeles,"salubong sa akin ni Atty. Arinuevo at inaya akong maupo sa kanyang malaking sofa kung nasaan si Prosecutor Gonzalez.

I force to smile."Good morning.."

Nag angat ng tingin si Prosecutor Gonzalez at sabay silang bumati pabalik ni Atty. Arinuevo.

"Good morning rin Atty,"

I took a deep sigh and pinch my finger before I had the courage to ask them about the investigation.

"We know you are here to know what happened through our investigation."

I slowly nodded."Kamusta na ang investigation Atty at Prosec?"

Umayos ng upo si Prosecutor Gonzalez bago nilagay sa glass table ang kanyang brief case habang napapakagat labi.

"Nakausap namin si Elias Seripongton through phone, we've arranged a meeting with him tomorrow. He told us some information that made the case more chaotic."

Binuksan niya ang brief case bago nilabas ang mga dokumento ng impormasyon ni Elias Seripongton at Garry Sandiego lakip rito ang connections ng dalawa.

Nabasa ko lang ang salitang politiko ay napailing na kaagad ako.

Ayokong mang akusa ng tao pero may iba pabang politiko ang gagawa ng bagay na yun? Pero wala akong ibidinsya at wala rin akong kilala na kalaban ni Tita sa politiko.

Sa sobrang buti niyang tao ay wala siyang kailanman naging kalaban sa lahat.

"Kung wala kang lakad bukas Atty Angeles ay bibigyan ka namin ng permission na sumama sa amin."si Atty. Arinuevo iyon.

Napatingin ako sa kanilang dalawa bago naisip ang burol ni Tita.

"Wala Atty, sasama ako bukas."sambit ko bago nila ako tinanguan.

"This case is so complicated Atty, una akala natin ay si Seripongton ang may ari ng sub-street pero kalaunan nalaman natin na may agreement at lot transfer na nangyari at si Garry Sandiego ang tunay na may ari nito pero tingnan mo 'to Atty.."

Tumayo si Atty. Arinuevo at nilapitan ang kanyang desk bago inabot sa akin ang isang photocopy ng Register of Deeds; Decoded Land Registration Authority na bahagyang nagpagulo ng sistema ko.

"Yan ang inasikaso namin kahapon ni Prosecutor Gonzalez pagkatapos ng tawag ni Elias at tingnan mo, walang Garry Sandiego ang nakasaad riyan."

Iniisa isa ko ang records at napatunayang wala nga ito. Inangatan ko sila ng tingin pareho.

"Ibig sabihin...walang lupa si Garry Sandiego?" tanong ko, nagtataka.

"Exactly Atty, at hindi pa nakakapagtaka kung bakit wala siyang record dyan kung siya ang tunay na may ari ng sub-street?" saad ni Prosecutor Gonzalez.

I clenched my jaw and fist in angerness."Garry Sandiego is a sub, maaaring politician ang tunay na may ari nito kasi bakit magbabanggit si Elias tungkol sa politiko kung hindi."

"That's right Atty and that is the thing we need to work for now. Hindi natin mapagtagpitagpi ang lahat hangga't hindi natin malalaman ang tunay na may ari ng sub-street."

Tumango kami pareho ni Prosecutor Gonzalez kay Atty. Arinuevo bago kami kumilos. Pupunta kami sa munisipyo at roon subukang magtanong.

Habang papunta kami sa elevator ay tumigil ang mga paa ko sa opisina ni Kaden. Kumuha ako ng saglit na segundo para silipin ang loob. Unang nakakuha nga atensyon ko ay ang pangalan niya sa kaniyang malaking desk.

Offered Conviction from the Past  (Justice Series #2)Where stories live. Discover now