CHAPTER 35

10 1 0
                                    


JS2: ZARI'S POV.

"Atty. Angeles,"isang malaking ngiti ang iginawad sa akin ni Clea bago niya ako mahigpit na niyakap.

"Clea.."I utter while tapping her back.

Kumawala siya sa yakap at hindi makapaniwalang tiningnan ako.

"Saan ka galing Atty? Bigla kang nawala, pumasok nalang ako sa trabaho habang kalat ang pag-resign mo."kwento niya. 

Nagkibit balikat ako."I distance myself for my own peace of mind Clea,"

Mainam lang siyang ngumiti at tumango bago ako inanyayahan sa loob ng hotel kung saan icecelebrate ang pagkapanalo ni Clea sa kaso.

We entered the hotel together, the eyes were on us. Siguro kay Clea lang, awkward kong nilibot ang paningin sa paligid. And while Clea's busy looking for our CEO which is Zero, I met Kaden's eyes coldly looking at me.

Hindi niya inalis ang titig niya, at dahil gusto kong ipakitang hindi na ako apektado ay nakipagtitigan rin ako sakanya. Bumaba ang mga mata niya sa dibdib ko kaya niyuko ko ito bago naalalang suot ko pa nga pala ang kwintas na sabay naming binili noon.

Nang mag angat ako ng tingin ay nasa iba na ang mga mata niya. At ang masaklap, doon naman pala kami patungo sa table niya.

Kung hindi pa ako tinawag ni Kise at inanyayahanng maupo ay nanatili akong nakatayo roon na parang estatwa. Inalok nila ako ng alak na agad ko namang kinuha dahil ayaw masabihan ng KJ.

"As the center of this celebration, may I request our youngest fighter, Clea Lopez. Congratulitions for winning another case Atty."Zero announced.

Tumayo ang lahat kaya sumunod naman ako, nag cheers kami at nagsimula na ang iba pang pagbati galing sa iba naming mga kasama.

Nakamasid lang ako sa paligid at hindi ko matakasan ang mga titig ni Kaden. Nasa kabilang couch siya pero ramdam kong diretso sa akin ang mga mata niya.

Natigil naman ang pag-iisip kong yun nang lumipat si Kise at umupo sa tabi ko. Nginitian ko lang siya.

"Hindi ka pa ba natutunaw dyan?"he chuckled.

Pinagkunutan ko siya ng kilay. Nagkibit balikat siya sa akin at bahagyang nilapit ang bibig sa tenga ko.

"Yung ex mo kanina pa nakatingin sa'yo, mula pa ata noong dumating ka di na maalis."

I just shake my head."Hayaan mo yan."

Tumawa lang si Kise sa sinabi ko dahil alam niyang apektadong apektado parin ako kay Kaden. Inilingan ko lang siya bago kami sabay napatingin sa wine glass na matunog na nilagay ni Kaden sa table bago tumayo at umalis.

"Badtrip,"Zero mouthed.

Ilang oras ang lumipas at paunti unti nalang ang tao sa party. Si Clea ay nakasandal na kay Kise sa kalasingan habang si Zero at Kise naman ay pinag uusapan pa ang kaso ni Mama.

Umalis ako roon dahil sa boredom at pumunta ng restroom. Naghuhugas ako ng kamay at nagpapawala ng antok nang makarinig ako ng boses sa labas ng restroom.

Hindi sana ako makikinig pero bigla kong narinig ang boses ni Kaden kaya napatigil ako at napasandal sa pader.

"I miss you baby, see you tomorrow.."

I bit my lower lip. Si Leslie ata ang kausap niya. Iignorahan ko na sana siya dahil wala din naman akong mapapala pero napatigil ako sa sunod na sinabi niya sa kabilang linya.

"Matatagalan ako bago makauwi. Hindi mo'ko masisisi, miss na miss ko lang.."

Edi umuwi siya kung miss niya.

Offered Conviction from the Past  (Justice Series #2)Where stories live. Discover now