CHAPTER 31

27 1 0
                                    

JS2: ZARI'S POV.

Napatulala nalang ako nang dismayadong umiling iling sa akin sina Atty. Arinuevo at Prosecutor Gonzalez pagkatapos naming ipasa ang kaso sa Supreme Court.

"Court deny the case."

Walang gana akong napaupo sa bench sa labas katabi si Ashley. She tap my back and smile sadly.

Court denied the case.

Does that mean...our evidence is not convincing? They need more? Ano pa ba ang klaseng ibedinsya ang gusto nila?

I sighed disappointedly.
"Marumi talaga silang maglaro,"

Lumapit silang dalawa sa akin at tinapik ako ni Atty. Arinuevo sa balikat. Nagkibit balikat ako at pilit na iniintindi ang lahat.

"Si Judge Javier Ong ang nasa loob kanina, batchmate ko. Kamag-anak ng mga politiko kaya kaduda duda.."ani Zero at matamang nagkatinginan sila ni Kise.

"Dalawa lang yan, hindi sapat ang ibedinsya natin o naglalaro sila."ani naman nito.

"Can I interfere?"natuon ang lahat ng atensyon namin kay Ashley na kanina pa tahimik.

Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin habang nakaabang rin sina Zero at Kise sa sasabihin niya.

"It hurts for me to do this since Kaden is my friend for years...but this one is out of him..it's about Tito Anthony and I am Zari's friend also, I want to help." napakagat labi ako habang tinitingnan siya.

"Tell us, anong nalalaman mo?"Kise directly asked her.

Hinawakan ko ang kamay ni Ashley.
"Siguro kaba Ash? Kung ginagawa mo lang ito dahil naaawa ka sakin...isipin mo nalang yung pagkakaibigan ninyo ni Kaden."

Pero umiling siya."Hindi Zari, tutulong ako. Kasi hindi lang kayo ni Tita Sheila ang nabiktima ni Tito Anthony..marami na, and if we'll go with this ay maaaring magpatong patong ang kaso niya....ibig sabihin nun--"

"Wala na siyang takas."sabay na sambit ng dalawa at seryoso akong tinanguan.

Nang makabalik kami sa condo unit ni Ashley ay roon namin napag usapan ang lahat at roon niya sinabi ang kailangan naming gawin.

"Hindi ako actually ang makakatulong sa'inyo, si Daddy. Magkaibigan sila ni Tito Anthony since grade school at natigil lang yun noong nalaman ni Daddy ang pinaggagawa ni Tito..."

"...I bit he know some of it, I know he can help you." she added."And if you'll agree with me, ako mismo ang magdadala sa'inyo sa Zambales para makausap siya."

Sa puntong iyon ay napabuntong hininga ako. Nagkatinginan kaming lahat bago namin napagdesisyunan na gawin ang tugon ni Ashley. Kaibigan ko si Ashley at naniniwala ako sakanya kaya alam kong hindi niya ako bibiguin. At siguro paraan na rin ito para makalimutan ko na ang mga nangyari at siya.

I clean the space around her frame before I put the white roses on it. I bit my lower lip and immediately look at the sky before I decided to sit and have a conversation with her.

Hindi pa man ako nakakapagsalita ay may tumulo ng luha galing sa ikaliwang pisngi ko. Maagap ko itong pinunasan bago kinuha ang lapida ni Mama.

Mama.

How I wish I once call her that before she died. Sana nakuha ko man lang na  ubusin ang ilang araw na kasama siya. Sana naparamdam ko man lang kung gaano akong nagpapasalamat dahil kung hindi dahil sakanya ay hindi na rin ako magpapatuloy.

"Ma..."

My voice crack the moment I uttered that word. Isa sa mga kahilingan ko noong bata pa ako ay ang maramdaman ang pagmamahal at pag aalaga sa akin ng isang ina pero hindi ko naranasan. Magulo lahat...hindi ko maintindihan.

Offered Conviction from the Past  (Justice Series #2)Where stories live. Discover now