PROLOGUE

432 17 1
                                    

Naglalakad ako ngayon sa park dahil gusto kung makalanghap nang sariwang hangin dahil nakakapagod ang araw na'to.

"Woahh! "Nasabi ko na lamang ng dumampi sa balat ko ang malamig na simoy ng hangin.

Ang sarap pala sa pakiramdam parang natanggal ata lahat ng pagod at sakit ko sa katawan.Galing kasi ako sa trabaho at tsaka ang daming customers kanina kaya wala akung oras para makapagpahinga.Kaya ako ngayon nandito sa park para ma-relax ko ang aking sarili at ang isipan ko dahil pag di ko'to ginawa ay nako baka bawian ako ng buhay sa pagod!

Tsaka naaliw din kasi ako sa mga batang nag-lalaro rito sa park kasama ang kanilang mga magulang .Ang sarap kasi sa tenga pakinggan ang kanilang mga tawanan.

Lakad lang ako ng lakad dito sa park para malibang ko ang aking sarili dahil wala naman akung perang dala kasi sa susunod na buwan pa naman ang sahod ko at nagtitipid din ako.

Habang naglalakad ako at panay linga sa paligid ko ay di ko maiwasan na hindi matuwa sa mga batang masayang naglalaro at nagkakatuwaang pamilya kasama ang kanilang mga anak ay hindi ko namalayan na napahinto na pala ako at napatitig sakanila!

Napangite na lamang ako ng mapait ng maalala ko ang aking magulang at napaiwas na lamang ng tingin sa kanila at nagtuloy sa paglalakad ko saka umupo sa may malapit na bench dito sa park at saka tinitingnan ang mga batang masayang naglalaro.

Ang park na ito ay ang pinakamalaking park sa lugar na ito at kadalasan ang mga kabataan ay dito naglalaro kaya hindi talaga ito nawawalan ng tao lalo na sa mga bata napakaraming pwede nilang kaaliwan dito kasi may mga slides at rides din dito na pambata na magugustuhan talaga ng mga kabataan.

Makalipas ang ilang minuto kung pinanood silang mag takbuhan at tawanan ay agad naman akung tumayo at nagsimulang mag lakad para umalis at umuwi na.

Pero hindi pa nga ako nakaabot sa may gate sa park ay natigil na ako ng may bigla akung maramdaman na humila-hila sa kamay ko kaya naman tiningnan ko kung sino yun at baka bata lang na nantrip pero wala akung makita kaya naman hindi ko na lang iyon binigyan ng pansin dahil nagmamadali ako.Pero makalipas ang ilang minuto ay di parin tumitigil ang paghihila nito sa kamay ko kaya naman inis akung tumingin sa likuran ko pero ng tiningnan ko kung may tao ba ay wala akung nakita!

Kaya naman nangunot ang aking noo at saka napailing na lamang pero hindi ko maitatangging kinakabahan ako malay mo diba multo?

Nagtuloy ulit ako sa paglalakad ngunit natigil ulit ako dahil sa may humila na naman sa kamay ko kaya hindi ko maiwasan na hindi mainis at galit kung tiningnan yun pero laking gulat ko ng mapansin kung wala paring tao!

Kumabog naman ng malakas ang dibdib ko dahil sa matinding kaba!.May sabi-sabi pa naman na may dumadaan daw na multong bata rito at ang mga target daw nito ay mga babaeng walang kasama! at halata naman ma wala akung kasama diba?kaya naman kinakabahan talaga ako ng subra kasi takot ako sa multo! Kaya naman ganito lang ang kaba ko. !..baka kasi totoo diba? Edi patay ako nito at iss pa kawawa yung bestie ko ayaw ko pa naman na umiyak yun!

Kahit kinakabahan ako at pinagpawisan ay tuloy padin ang ginawa kung paglalakad kahit nanginginig na ang mga paa ko sa kaba!

Napansin ko'rin ang mga nagtatakang tingin ng mga taong dumadaan sa harapan ko kaya naman ngini-ngitian ko na lang sila para hindi nila mapansin na maiihi na ako sa kaba!

Bakit ba kasi ako pa yung napagtripan ng multo?huhuhu...Shutek!wala pa naman akung mahingian ng tulong dito dahil wala rin naman akung kakilala rito!

"Kung multo ka man wag mo naman akung takutin , maawa ka naman sa single na katulad ko!" Naiiyak kung sabi habang luminga-linga sa paligid ko!

LETS FIND YOUR DADDYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon