31

190 8 0
                                    

KATE POV.

Nasa kwarto ako ngayon habang nakatulalang nakatingin sa kawalan at iniisip ang nangyare kanina.Napabuntong hininga naman ako saka pinigilan ang sariling hindi maiyak muli.

Hindi ko parin kasi maiwasan na di maging malungkot at masaktan sa nangyare.Kahit naman sino ay masasaktan din lalo na pag yung mga taong naging parte ng buhay natin ay umalis na.

Nakakatawang isipin na yung kinaiinisan kung boss ay daddy pala ni vince na matagal ko ng hinahanap.Siguro kung alam ko lang na siya ang daddy ni vince ay baka matagal ko ng naisauli si vince sakanya.

Nalungkot naman ako sa naisip kung yun saka tumayo at umupo sa kama ko,kama namin ni vince.Di ko naman maiwasang di mapangite habang nagsisiunahang magsipatakan ang luha ko.

Naisip ko lang kasi na ang sakit pala sa pakiramdam ang ganito na..

Wala ka ng tatawaging baby, anak, vince sa umaga, tanghali at gabi!

Wala ng mag-go-godmorning sayo sa umaga pagkasing mo!

Wala narin kakain ng mga niluto mo sa araw-araw!

Wala ka ng makakasamang bata sa bahay na kasama mong kumain,  manood ng mga movie at katabi sa pagtulog mo!

Wala na ring tatawag sayo na mommy at wala narin magpapangite sakin pag pagod ako galing sa trabaho!

Napangite naman ako ng mapait saka pinunasan ang mga luha kung di tumitigil sa kakaagos!

Kahit saan man ako tumingin ay naalala ko parin ang bata , ramdam ko parin na nandito siya at naalala ang mga kakulitan niya.Kaya naman nahihirapan akung mag-adjust lalo na't sanay akung nandito siya sa condo ko.

Kagat labi akung pumunta sa pintuan ng kwarto ko para i-lock yun, di dahil may gagawin akung masama kundi ay gusto kung iligpit ang mga gamit ni vince.Gusto ko na nakalagay yun sa ibang room at dun na lang kasi pagnandito ang mga gamit niya ay naalala ko lang siya.

Kinuha ko naman ang stuff toy niya na nasa sahig pa , siguro nakalimutan niyang dalhin nung pumunta kami sa province.Di ko naman maiwasang di mapangite ng maalala kung lagi niya pala itong kayakap pagnatutulog siya.Siguro hindi ko na lang to isasama , pwede ko naman siguro siyang ilagay sa kama hindi ba?

Nilagay ko na lang yun sa kama incase na hanapin niya ay makita ko kaagad , kung papayagan pa siyang bumisita dito.

Napabuga naman ako ng hangin sa bibig ko saka inaliw ang sarili ko sa pagaayos ng mga gamit ni vince.At ni isa dun ay wala akung pinalampas na di maiyakan, namimiss ko lang kasi ang batang yun.Kahit na medyo masungit yun ay may pagkasweet din naman yun.Well namana siguro niya ang kasungitan niya sa daddy niya.

Natapos ko naman agad ang pagliligpit at ng mapatingin ako sa wall clock ay laking gulat ko ng nasa 9pm na ng gabi!.

Di ko naman siguro pinagalala si kuya hindi ba?

Siguro naiintindihan niya ako kaya naman natulog na lang ako dahil sa pagod.

Nagising naman ako ng may ngite sa labi saka humarap sa right side ko!

"Good mor-" natigil naman ako sa sinabi ko ng maalala na wala na pala akung katabi at saka dun ko muli naalala ang nangyare kahapon!

Ramdam ko na naman ulit ako luha kung nagsibagsakan! Daig ko pa ang broken hearted nito ah!

Napangite ako ng mapait saka inis na pinunasan ang luha ko at agad naglakag patungong cr saka binabad ang sarili sa bathtub.

"Pati ba naman dito?" Inis na hikbi kung sabi habang nakatingin sa duck at maliit na towel ni vince!

"Bakit masakit?" Tanong ko saking sarili habang inis na sinusuntok ang dibdib ko!

"Lord! Ayaw ko na po, please! Ang sakit na!.Bakit ganito kasakit ? Di ko naman siya kaano-ano pero bakit ganito ang sakit at lungkot? Daig ko pa ang iniwan ng jowa!.Mas masakit pa ata to kisa dun eh!" Humihikbing ani ko habang nakatingin sa kisami.

'Hindi ko na talaga kaya!'

Nang matapos akung maligo ay walang gana akung nagbihis saka bumaba dahil ayaw kung pagalalahin si kuya lalo na di pa naman ako kumain ng dinner kagabi.

"Hoy!kate ano itong nabalitaan ko?"

Gulat naman akung napatingin kay abby dahil di ko akalain na malalaman niya pa yun dahil iilan lang naman ang mga tao nung time na yun.

Bumuntong hininga muna ako bago siya sinagot!

"Ano bang nabalitaan mo?"

"You know what i mean kate!" Inis nitong sabi kaya naman napaiwas ako ng tingin kaya naman nakita ko si kuya na nagalalang nakatingin sakin.

"If tungkol to sa nangyare kahapon abby , ayaw ko munang pagusapan yun!"Pilit kung kinakalma ang sarili ko dahil ramdam ko na naman na naiiyak ako.

"I understand but dont forget na nandito lang kami lagi pag kailangan mo ng tulong at kausap!" Tumango lang ako saka dumeritso sa dining.

Kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil sa sinabi ni abby .Thankful ako dahil pag maykailangan ako nandiyan siya palagi para damayan ako sa mga problema ko!

Alam kung ang bastos ng inaakto ko pero wala akung ibang choice kundi ang gumanun kisa naman umiyak ako sa harapan nila.Tama na yung nakita ako ni kuya na umiyak , ayaw ko na ng mandamay pa ng iba.Ayaw kung nagalala sila para sakin dahil pakiramdan ko na pabigat ako sa kanila!

Pagkatapos kung kumain ay dumeritso agad ako sa kwarto ko , di ko narin naman naabutan si abby.Alam kung labag sa loob niyang umalis sa condo ko pero no choice siya kasi wala pa ako sa mood ngayon para kumausap ng tao.

Gusto ko munang bigyan ng time ang sarili ko kahit ngayon araw man lang para mawala yung lungkot na nararamdaman ko.

Umupo naman ako sa kama at pilit na iwinaksi ang mga alala na biglang pumasok sa isip ko.In-open ko naman ang loptop ko para manood ng mga nakakatawang palabas para kahit papano ay mapatawa ko ang sarili ko.

Nakakatawang isipin na daig ko pa ang taong broken hearted pero wala eh, mas masakit pa to kisa dun.Di ko nga alam kung pwede ko pa ba siyang makita at mayakap o hindi na ba.Sino ba naman ako para gawin yun? Eh, isa lang naman akung taong tumulong sakanya at nasa daddy niya parin yung disesyon kung pwede ko ba siyang makita.

LETS FIND YOUR DADDYDonde viven las historias. Descúbrelo ahora