39

218 14 1
                                    

KATE POV.

Nakatingin parin ako hanggang ngayon kay mr.montverde habang ginagamot yung sugat niya , nandito narin ang pinsan niya.

"Hindi mo na kailangan mag alala ng ganyan kate" seryusong sabi ni josh habang nilalaro si vince.

Napaiwas na lang ako ng tingin dahil sa sinabi niya.Bumuntong hininga na lang ako, malalamin pala talaga ang sugat na yun kaya ganun na lang siya maglakad kanina.Nahihirapan kasi siyang maglakad kanina akala ko talaga uma-acting lang siya pero totoo naman pala talaga!

Nauna narin samin sila jacob papunta sa restuarant at susunod naman kami pag natapos na yung paggagamot sa sugat ni mr.monteverde!

"Ano palang nangyare at nagkasugat yang paa niya?" Kunot noong tanong ni josh habang na kay drake parin yung tingin.

Nagkamot ulo na lang ako dahil hindi ko naman alam kung bakit nagkasugat siya basta ang alam ko lang dahil sa katangahan niya yan!

"Hindi ko alam , tanong mo sakanya!"

Rinig ko naman natawa siya saka nilapitan ang pinsan niya at bumulong.Tumingin naman sakin si drake ng nakangise kaya tumaas ang kanang kilay ko!

Ano naman kaya ang pinagsasabi ng pinsan niya sakanya?

Nag-iwas na lang ako ng tingin saka tinawag si vince.

"Vince, halika rito!" Tumingin naman ito sakin ng may pagtataka pero agad rin naman siyang lumapit sakin.

Itatanong ko sakanya kung bakit nag kasugat ang daddy niya ng ganun kalala!

"Anong nangyare sa daddy mo at nagkasugat yun?" Tanong ko kaya naman nagkibit balikat ito!

"Sure ka talaga na di mo alam?" Tumango naman siya , napangiwe naman ako dahil halata sa mukha niya na pinagtatakpan niya ang daddy niya!

"No lies baby?"

"Yes mommy!"

Sure na sure talaga siya sa sagot niya pero di niya ako matingnan ng maayos!

"Okay then, si daddy mo na lang ang tatanongin ko okay?"

"Wag mommy!" Natawa naman ako ng agad niya akung pigilan na umalis papunta sa daddy niya!

"Bakit naman ayaw mo'kong payagan?"

"Dahil sabi niya po na wag sabihin sa inyo dahil ayaw niya kayong mag-alala" nagulat naman ako dun!

"Ayaw niya akung mag-alala bakit?"

"I dont know either mommy!"he said honestly na ikinalakas ng kabog ng puso ko!

" Wala ba siyang sinabi na kahit ano?" Umiling naman siya kaya napalingon ako kay drake na nakaupo habang yung paa niya ay nasa table na nilalagyan ng bandage nong nurse , si josh naman ay busy sa kakakulit sakanya at halata naman na wala siyang interes!.

Bumuntong hininga naman ako saka lumapit sakanila habang buhat si vince kaya napalingon yung dalawa samin.

"Hi kate!" Si josh habang nakatingin kay mr.monteverde na ngayon ang sama ng tingin sakanya napailing na lang ako saka binaba si vince na agad namang lumapit sa daddy niya.

"May kailangan ka?" Umiling naman ako saka tumingin sa paa niyang tapos nang gamutin.

"Ano ba talaga ang nangyare jan?" tanong ko kita ko namang kumunot ang noo niya saka ngumise!

LETS FIND YOUR DADDYWhere stories live. Discover now