43

225 13 0
                                    

KATE POV.

Nasa labas na ako ngayon ng resort kasama si kuya .Gusto ko kasi na maihatid siya kahit sa labas na nitong resort at saka ko sasalubungin si kuyang zach.Alam niyo naman na pupunta siya rito , kahapon sana yung dating kaso may biglaan daw kasing emergency kaya ngayon na lang raw siya pupunta .

Pagkatapos kung sunduin si kuyang zach and mahatid si kuya ay pupuntahan ko si mr.monteverde para kausapin siya tungkol dun sa offer niya sakin.About naman dun sa nangyare kahapon ay di ko na yun inaalala pa dahil habang naalala ko yun ay pinapahiya ko lang ang sarili ko.

"Kuya sure ka na ayos ka lang?"kunot noo kung tanong rito , parang balisa kasi siya at halatang may iniisip.

Lumingon naman siya saka tumango kaya nakahinga ako ng maluwag pero kahit ganun ay di parin mawawala yung pag-alala ko sakanya.

"You sure?"paninigurado ko kaya napabuntong hininga si kuya

"Yeah, dont worry about me !"tumango na lang ako dahil baka makulitan na siya sa kakatanong ko!

Napatingin naman ako sa unahan ng makitang may tumigil na sasakyan na itim siguro yan na ang sundo ni kuya.

Napatingin naman ako kay kuya na lumapit agad sa sasakyan bumaba naman agad ang driver dun ng makita si kuya at saka kinuha ang gamit niya para ilagay sa compartment ng sasakyan.

" I have to go lil'sis, please take care mom and dad!" Habilin nito kaya tumango lang ako saka kumaway sakanya

Maglalakad na sana ako ng may maalala ako kay humarap agad ako kung saan nakaparada ang sasakyan kanina at sakto rin na nandun pa ang sasakyan kaya naman akung lumapit dun kaya naman taka akung tiningnan ni kuya

"What is it lil'sis?"

"Si kuyang zach diba dadating siya rito mamaya anong sasabihin ko pag hinanap ka niya?" Tanong ko kay kuya

Hindi ko naman kasi alam kung anong ipapaliwanag ko kay kuya zach pag nalaman niyang wala rito si kuya .Ang alam pa naman nun ay nandito si kuya at alam kung excited yung makita si kuya dahil nga matagal na silang di nagkita,akalain mo yung six or seven years ata silang di nagkikita sa personal.

"Sabihin mo sakanya na may importante akung lakad , maiintindihan ka nun lil'sis"

"Paano kung ayaw maniwala kuya?" Napabuntong hininga naman siya saka tumingin sa relo niya

"Ikaw na ang bahalang magpaliwang , lets go manong!" Nagulat naman ako saka napanganga na lang at inis siyang tiningnan.

"Pero kuya,bakit ako? Don't tell me na di mo pa sinabi kay kuya na aalis ka?"inis kung sigaw sakanya pero langya kinawayan lang ako nito na ikinainis ko lalo!

'So hindi talaga siya nagpaalam kay kuya zach?'

Agad naring umalis ang sinakyan ni kuya kaya naman nagsalubong na lang ang kilay ko at tumalikod na.

Hyst ,bahala na nga ang importante ay hindi ako kulitin ni kuya zach mamaya.And halata namang nagmamadali talaga si kuya,bat ba ang dami ko pang reklamo ? Di naman mahirap yung pinapagawa ni kuya!.

Napatingin naman ako sa dinaan ng sasakyan kanina na sinakyan ni kuya at naalala ko pa ang walang buhay nitong mukha,halata talagang ang laki ng problema niya tas dinagdagan ko pa!

Napabuntong hininga na lang ko saka umupo sa bench sa labas nitong resort.

Sana naman ay maging ayos lang yung pagpasok ni kuya sa kompanya lalo na ngayong bago palang siya dun at mga bigaten agad ang kakaharapin niya.

LETS FIND YOUR DADDYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon