36

211 13 0
                                    

KATE POV.

Napatingin naman ako sa likuran ko kung nandun pa ba si josh, pinsan pala siya ng boss ko at ngayon ko lang alam yun.Siya yung lalaking nagsabi sakin na may interview pa.

Nang makita kung wala na siya dun ay agad kung pinunasan ang luha kung umagos na naman.Di ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon lalo na't nandito siya at si vince.Kahit ilang linggo na ang nangyare ay natatakot parin ako sa posibleng mangyare dahil pagnakataon na magkita kami ni vince ay pwedeng maging issue yun.

Mukhang siya talaga yung nakita ko kahapon bago ako makatulog.

Nagtuloy na agad ako sa paglalakad papuntang building, magpapalit sana ako kanina ng makita ko si josh.

Pagpasok ko sa building ay agad na kung sumakay sa elevator at pinindot ang 8 floor.Lumabas na agad ako pero natigil naman ako sa nakita ko, di ako pwedeng magkamali si mr.monteverde yun!

Ramdam ko naman ang pamamawis ng kamay ko sa kaba at saka tumalikod pero nagtagpuan ko na lang ang sarili ko na sinundan ko na pala siya!

Kagat labi naman ako dahil sa inis, parang may sariling isip ang paa ko !

Tumigil naman ito sa may balkonahe na di ko alam na meron pala dun , nakatayo lang siya dun habang nakatingin sa may baybayin!

Tumuloy narin ako dahil may kailangan naman ako sa kanya diba? .Ayos lang naman siguro na dito ko siya tanungin kung pwede ba akung mag resign.

Tutuloy na sana ako ng may lumapit sa kanyang babae at agad yumakap sa likuran nito!.Napaiwas naman ako ng tingin at agad na humakbang paalis sa lugar na yun.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa lakas ng kabog na yun na di man lang alam kung anong dahilan kung bakit ganun na lang ang tibok nito!

I think mommy yun ni vince, yayakap ba yun kung hindi diba?

Tumayo naman agad ako saka pumasok sa kwarto ko na parang walang nangyare.

Agad akung nagpalit ng one piece swimsuit na kulay black at saka see trough na white jacket.Nag lagay narin ako ng sunblack para walang hassel at ligo na agad.Tinanggal ko naman ang tali ng buhok ko kaya nakalugay na siya na hanggang bewang ko.Sinuot ko na rin ang slipper ko at saka lumabas .

Aalis na sana ako ng mapatingin ako sa unahan at wrong move ata ang ginawa ko dahil nakita ko silang dalawa!.Napatingin naman ako sa kamay ng babae na nakapulupot sa braso ni mr.monteverde , pagkaangat ko ng tingin ay inirapan ako ng babae  habang si mr.monteverde ay gulat na nakatingin sakin kaya naman agad kung iniwas ang tingin ko.

"Ms.santiago!" Tawag nito pero agad na akung sumakay sa elevator .

Napahawak ako sa dibdib ko ng nakapasok ako sa elevator at di ko talaga mapigilan ang di makaramdam ng  matinding kaba!

Kaya ng makalabas ako ng elevator ay panay lingon ko sa likuran baka sumunod sakin si mr.montverde pero ng wala akung makita ay nakaramdam ako ng disappointment!

'Bakit naman ako madi-disappoint?'

Winaksi ko na lang nasa isip ko at agad na pumunta sa kinaroroonan nila kaya naman gulat silang nakatingin sakin at agad rin namangha dahil sa suot ko!.Nahihiya ko namang tinakpan yun ng jacket ko !

"Wag mong takpan kate!"

"Oo nga ang ganda mong tingnan!"

"Tas ang sexy pa!"

"Hoy! Jacob tingnan mo si kate ang sexy niya!"

Puri nila sakin kaya naman napangite ako, minsan lang ako makatanggap ng ganyan kaya sulitin na!

LETS FIND YOUR DADDYWhere stories live. Discover now