56

270 10 3
                                    

A/N:Sorry for the late update!,enjoy reading!💙

KATE POV.

Tulala akong napabangon sa kama at napatingin sa kawalan.Hindi ko parin maisip kong totoo ba yong nangyare kahapon o nanaginip lang ako.

It's my first time to confess my feelings unexpectively.

At ano na lang kayang mukhang ihaharap ko nito ngayon?

Ano ba kasing naisip ko at bakit ko nasabi ang mga yon?

Napabuntong hininga na lang ako saka napatingin sa kawalan.

Hindi ko alam kong lalabas ba ako ng room ko ngayon o hindi.Hindi ko naman to bahay para makalabas lang ako ng basta-basta ng walang iniisip na 'baka makita niya ako' o 'baka nandyan pa siya sa labas',hyst!.

Napako naman ang tingin ko sa wall clock at alas otso na ng umaga kaya naman panigurado akong nakaalis na si mr.monteverde.Maaga kasi yong alis niya lagi dahil nga busy siya sa company niya.

Napag desisyonan ko naman na bumababa na dahil kanina pa ako nakaramdam ng gutom at tinitiis ko lang dahil hindi ko alam kong paano haharapin si mr.monteverde pagkatapos ng nangyare.

Alam kong ang pangit tingnan na umamin ako sa taong may asawa kahit pa sabihin nating wala na ang kanyang asawa pero ang katotohanan na may asawa siya ay mali parin talaga.

Hyst,bakit ba kasi lumabas na lang yon bigla sa bibig ko.

"Ma'am kate? Ayos lang po kayo?" Natigil naman ako sa paglalakad at saka alinlangan na tumango

Hindi ko alam kong paano kakausapin ang mga taong nasa paligid ko ngayon!

'I like you but i dont want to let go my wife!'

Napapikit naman ako sa inis ng bigla kong naalala ang sinabi ni mr.monteverde.

Gusto nga ako ayaw namang pakawalan ang asawa niya tsaka ano namang laban ko don?pero tika nga! Bakit namana ko makakaramdam ng inis?

Aish! Nababaliw ka ata kate!

Legal na asawa yon eh kaya di niya talaga papakawalan eh ako? Eh sko lang naman nakapulot sa anak niya kaya anong laban ko?

Winaksi ko na lang yon sa isip ko at saka nag simulang mag tungo sa kusina.Agad na akong kumuha ng pagkain at saka nag simulang kumain.

"Magandang umaga ija" bati sakin ni manang kaya nginitian ko iyon

"Mukhang malalim ang iniisip natin ah!" Pabirong ani ni manang kaya naman nahihiya akong umiling

Baka kasi tanongin niya kong bakit malalagot ako!

"Hindi naman po manang ,hindi lang po maganda ang gising ko!" Tumango naman ito saka natawa na parang may mali sa sinabi ko

"Ganun talaga pag nagmamahal ija masaya lang sa una ngunit pag dating sa dulo ay masakit na dahil may bawal at may dahilan pero hindi ibig sabihin non na bawal na tayong magmahal!" Manang said na ikinangiwe ko naman

Masakit na nga pakiramdam ko dinagdagan pa ni manang!

Hindi ko alam anong sasabihin ko pero tagos na tagos sakin ang kanyang mga sinabi.Well tama naman siya 'may bawal' hindi dahil hindi pwede kundi 'bawal'.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 17 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LETS FIND YOUR DADDYWhere stories live. Discover now