06

195 10 0
                                    

KATE POV.

Nagising ako dahil sa sinag nang araw na tumama mismo sa mukha ko , agad naman akong bumangon saka naligo pagkatapos ay bumaba na para magluto nang agahan.

Di ko na ginising si baby vince dahil ang himbing nang tulog at tsaka kailangan ko din magmadali dahil baka malate ako sa first day of work ko.

Wala talaga akong masyadong tulog dahil sa kakasearch sa pangalan ni vince ni isa dun ay wala man lang mukha niya ,kaya nakakapagtaka lalo na't mayaman siya .Kaya imposible na wala siyang mukha sa internet hindi ba?

Kaya napapaisip din ako kong private ba ang pagkatao nang batang yun o di kaya naman tinatago sa publiko!

Hyst!imbes na mag isip nang mag isip ay agad na akong nagsimulang magluto.Makalipas ang ilang oras nang pagluluto nang agahan ay natapos din agad ako.

Pumunta ulit ako sa kwarto para ihanda ang mga gamit ko at gamit ni vince dahil iiwan ko ulit siya sa kay abby .Parang araw-araw ay dun siya tas sa gabi naman uuwi dito dahil off na nang work ko yun.Nakakamiss man pero kailangan kung gawin yun lalo na first day ko.

Ginising ko agad si vince saka inihatid siya sa shower room , marunong na naman siyang maligo kasi tinuruan ko na lalo na ngayon wala ako sa bahay at laging maaga ang alis ko kahit naman papano ay di na ako mahihirapan .

"Mommy im done!" Pagkasabi niya nun ay agad ko na siyang binihisan saka isinuot sakanya ang small bag niya na may laman na mga gamit at laruan niya.

Inakay ko naman siya pababa para kumain nang agahan .Pinauna ko na siyang kumain dahil mag bibihis na ako.Pero di ako mag susuot nang skirt dahil ayaw ko nang ganun at wala din akong ganun .Kung kailangan talagang magsuot nun ay hihiram na lang ako kay abby o di kaya naman bibili pag nagkasahod na ako.

Pagkatapos kung magbihis ay bumaba na agad ako saka nagsimulang kumain habang si baby vince ay naglalaro sa toys niya sakto rin kasing pagbaba ko ay tapos na siyang kumain.

"Vince!" Tawag ko rito saka hirap na isinuot ang heels! Yeap nag heels ako hahaha , parang tanga pakinggan pero nag heels talaga ako bahala na this!

"Mommy why po?"

"Halika na at malalate na si mommy !" Nagmamadali kung sabi kaya naman tumakbo siya para kunin ang gamit niya sa sofa.Di ko na siya binuhat dahil baka madadapa lang kami dahil di nga ako sanay mag heels!

Mas nauuna pa nga sakin maglakad yung bata dahil sa nahihirapan akung maglakad!

'Ang tanga mo talaga kate may flat shoes ka naman!'

Nakalimutan ko na may flat shoes nga pala ako! Pero dahil malalate na ako ay bahala na!

Pagdating naman sa ground floor ay itinakbo ko na talaga bahala nang matapilok basta wag lang akung malate!

Natigil naman ako sa pagtakbo dahil parang may nakalimutan yata ako!

"Vince?" Tawag ko sa pangalan nito pero hutek wala sa tabi ko kaya naman napabalik agad ako sa elevator!

"Hay na'kong bata ka anong ginagawa mo dito?" Problemado kong sabi pero inosente lang ako nitong tiningnan kaya no choice ako kundi buhatin siya!

Nandito na ako ngayon sa harap nang kompanyang pagtatrabahohan ko and si vince ay naihatid ko na.

Pagpasok ko palang ay bulungan agad ang bumungad sakin kaya napayuko na lamang ako sa hiya !

"Siya yung bagong secretary?"

"Oo , balita ko nga ang bilis niyang natanggap!"

LETS FIND YOUR DADDYWhere stories live. Discover now