Chapter Five

38.8K 1.3K 152
                                    

Wala na atang ibang alam na expression si Kevin kundi ang kunot-noo look nito o ang peymus niyang killer-eyes titig. Tulad ngayon, imbes na magulat ito at magtaka kung bakit ako nakaupo sa tapat niya, hayun na naman siya at salubong ang kilay.

Habang busy si kuya at bestie ko sa ligawan nila, kinuha ko ang opportunity na 'yun para um-exit at hanapin si Kevin. At hindi ako nabigo dahil nakita ko siyang nakaupong mag-isa sa bakanteng mesa sa canteen.

"Naliligaw ka ba?" tanong nito sa akin.

"Kevin, Kevin, Kevin... canteen ito. Kahit kailan hindi ako puwedeng maligaw sa loob ng paborito kong lugar."

"So, ako talaga ang sadya mo?"

"Obvious ba? Syempre ikaw."

Nakita kong nagkuyom ang mga kamay niya na nakapatong sa mesa, at napakurap rin ito na para bang hindi ito makapaniwala na siya ang sadya ko. "T-talaga?"

Nauutal? "Oo naman. Heto, boy bawang."

Kumunot uli ang noo niya. "Ano ang kapalit?"

"Kapalit?" inosente kong tanong. "Ano ka ba. Bakit kapalit agad ang naisip mo?"

"Nabalitaan kong sinuhulan mo ng isang linggong supply ng boy bawang ang kaklase mong lalaki."

Ang mokong na 'yon. Tsinismis pa talaga ang ginawa ko? "Hahaha," literal kong sabi. "Joke, joke lang 'yun, 'no."

Tinaasan lang niya ako ng kilay.

At bumigay na ako. "Sige na naman Kevin, o. Tulungan mo na ako."

"Ano'ng klaseng tulong naman 'yan?"

"Magpanggap ka lang na nililigawan mo ako."

"Walang maniniwala."

"Grabe ka naman. Hindi ba kapanipaniwalang may gustong manligaw sa akin? Hurt ako do'n, ah."

Bumuka ito ng bibig at akmang may sasabihin ngunit nagdalawang isip ata ito at nagtikom na lamang ng bibig. Kaya ako na lang ang nagsalita. "Kasi... si Luke--kilala mo?--niligawan niya ako two weeks ago. Kaso 'yun pala, nagpapanggap lang siya kasi binayaran siya ng engot kong kuya. Eh, crush ko pa man din si Luke, kaya kinilig ako nang todo. Akala ko 'yun na 'yun, magkaka-love life na ako. Kaso... basta. Tapos sabi pa niya nung nagkabukingan na... ang sabi pa niya wala raw manliligaw sa akin dahil..." lumapit ako nang husto sa kanya at ibinulong ang huli, "...mataba raw ako."

"Talagang sinabi niya 'yon?" tanong nito na para bang galit ito kay Luke dahil sa ginawa nito sa akin.

"Oo, sinabi niya iyon. Hindi ba, kaawa-awa akong tunay?"

Ngumisi lamang ito. "Sobra. Kaawa-awang tunay."

Nagawa pang mang-inis, eh. "Ano, tutulungan mo ba ako?"

"Teka nga, ba't kailangan mo pa ito gawin?"

"Kasi gusto kong malaman niya na mali siya, na may manliligaw rin ako. Kasi..." napayuko ako, "...napahiya ako."

Sumandal si Kevin sa inuupuan niya at humalukipkip. Mukhang inoobserbahan niya ako. "Ano naman ang mapapala ko sa pagtulong sa 'yo?"

"One week supply ng boy bawang?"

"Hindi ako cheap."

"Isang box ng Oreo?"

"Kaya kong bumili nun."

"Kiss mula sa akin?"

"Hindi ako desperado."

Ayos din ang isang ito, ah. Napaka choosy. "Alam ko na!" Kumuha ako ng tissue at sinulatan ito ng I.O.U. na may pirma ko sa dulo at ibinigay ito sa kanya.

Diwata ng mga ChubbyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon