Chapter Sixteen

34.1K 1K 112
                                    

Ang hirap pala maging sikat sa school. Lahat kasi ng mga mata nakatuon sa 'yo. Walang privacy rin kung minsan.

Tulad ngayon, pinagtitinginan ako ng mga people dito sa eskwelahan dahil sa ginawa ko kahapon. May mga bulungbulungan pa akong naririnig.

Pero dedma na lang ako sa kanila. Chin up pa rin ako. Eh, ano ngayon kung madamdamin ang confession ko kahapon kay Kevin? At least ngayon alam na niyang may gusto ako sa kanya. Kahit pa hindi niya ako hinabol no'ng tumakbo ako... Kahit pa hindi rin niya sinabing gusto rin niya ako...

At least nabawasan na ang timbang ng puso ko. Pero ang totoo, pinapagaan ko lang ang kalooban ko. Nakakahiya pa rin 'yung nangyari kahapon.

"Ayos ka lang ba bestie?" tanong sa akin ni Kathleen.

"Oks na oks lang ako best friend. Don'tcha worry."

Hindi pa ako okay, iyon ang totoo. Pero ayoko nang mag-alala pa ang mga taong nagmamahal at nagmamalasakit sa akin. Tama na 'yung ginawa ko kahapon kaya ako nahimatay.

Aakyat na sana kami ni bestie sa hagdan nang may lalaking lumapit sa akin. Mukha itong first year high school sa tantiya ko.

"Ate, m-may nagpapabigay po nito," sabi niya sa akin.

Tinanggap ko ang sulat na inaabot niya sa akin. "Galing kanino?"

"Ayaw niya pong ipasabi kung sino siya."

Kanino kaya galing itong sulat? Lumingon-lingon ako sa paligid hanggang sa nagtama ang mga mata namin ni Kevin na nakatayo sa may 'di kalayuan mula sa akin. Sa kanya kaya galing ang sulat na ito?

Binuksan ko ang sulat at binasa ito.

"Sa may playground. Lunch time."

'Yon lang ang nakasulat. Tumingin muli ako sa kinatatayuan ni Kevin pero wala na siya roon. Isa lang ang paraan para malaman kung sa kanya nga galing ang sulat na ito.

Mamayang tanghali ay haharapin ko siya. Bahala na kung mapahiya man ako o ma-reject tulad no'ng ginawa ni Luke sa akin.

Matapos ang morning class namin, dumating na rin ang oras na hinihintay ko. Sinabi ko kay bestie na hahabol lang ako sa canteen. Noong una ay tutol siya kasi akala niya magsi-skip lang ako ng lunch, pero nang ipinaliwanag ko sa kanya na makikipag-meet ako kay Kevin (assuming na si Kevin nga ang nagbigay ng sulat), pumayag naman si Kathleen at sabi niya ay ibibili na rin niya ako ng pagkain para naka-ready na ang lunch ko.

Tinungo ko na ang playground at naupo sa may dulo ng slide.

Kinakabahan ako na ewan. Kapag kinakabahan pa naman ako, parang nagsi-circus ang mga bituka ko sa tiyan at parang natatae pa ako kung minsan. Ano kaya ang pag-uusapan namin ni Kevin? Sana hindi ako mapahiya uli. Sana hindi ako masaktan uli...

"Pinkie."

Nang inangat ko ang mga mata ko... "Luke? A-ano ang ginagawa mo rito?"

"Hindi mo ba nabasa ang sulat ko?"

"Sa 'yo pala galing ang sulat na 'yon?"

"Oo. Sa akin nga. Gusto kasi kitang makausap."

Hindi ko alam kung bakit pero disappointed ako na hindi pala kay Kevin galing ang sulat.

"Ano naman ang gusto mong pag-usapan natin?" tanong ko sa kanya.

"About us..."

"Ha? Eh, hindi ba there was never an us?"

"Eh, ngayon gusto ko nang magkaroon ng us."

Ano 'yon, matapos niya akong iwan at sabihang korteng ref ang katawan ko, ngayon gusto niya ng us? Sapak, gusto niya?

Diwata ng mga ChubbyWhere stories live. Discover now