Epilogue

36.8K 1K 68
                                    

"Pinkie naman, kailan mo ba ako sasagutin?"

"Umayos ka nga Kevin! Kahapon mo lang ako sinimulang ligawan, 'no!"

Atat lang? Pero hindi siya na-offend sa sinabi ko--ayun at humalakhak lang na parang tanga.

Magkatabi kaming nakaupo sa sahig sa tapat ng TV sa bahay nina Kevin. Si mama kasi dinalaw si tita bestfriend niya, kaya sumama na rin ako. Dinalhan ko pa nga ng meryendang boy bawang si Kevin, eh.

"Magbibigay ka na lang ng regalo, itong boy bawang pa talaga!" reklamo nito, pero sige subo naman ng boy bawang sa bibig.

"Masyado kang reklamador! It's the thought that counts!" sabi ko pa.

Napanguso lamang ito at humalukipkip sabay tingin sa TV. Isip bata talaga itong damulag na ito. Pero kahit ganyan 'yan, gustong-gusto ko naman siya. Hay, this crazy thing called Pag-Ibig...

Napansin kong panay irap naman sa tabi ang kapatid ni Kevin na si Sarah-slash-Loti at nag-aala Lavinia naman ngayon. "Where na kaya si ate Mimi? Boring naman when she's not here."

Si Mimi. Na naman! Sino ba 'yang Mimi na 'yan? Hindi na ako nakapagpigil kaya tinanong ko na si Kevin.

"Ah si Mimi ba? Maganda 'yun. Balita ko nga, eh, ubod ng saksaknan ng guwapo ang kapatid na lalaki no'n."

"Kevin, wala akong pakialam sa ubod ng at saksakan ng guwapong kapatid niya. Kay Mimi lang ako concerned."

"Bakit, selos ka?"

"Ako? Magseselos? Ako?" Nang tumawa siya, ako naman ang napanguso at halukipkip sabay tingin sa TV. Eh, ano ang magagawa ko? Isip bata rin ako, eh.

"Huwag na magselos ang baby girl ko," sabi pa nito. "Si Mimi..."

"Si Mimi...?"

"Ay..."

"Uupakan na talaga kita Kevin!"

Humalakhak muli ito. "Oo na po! Si Mimi... kakambal ko iyon."

"Huwat!"

"Required sumigaw sa tenga ko, Pinkie?"

Nagkamot ako ng ulo. "P-paanong nagkaroon ka ng kambal?"

"Simple lang, no'ng nagbubuntis si mama, may dalawang fetus sa sinapupunan niya!"

"Ay tanga! Alam ko 'yon. Ang ibig kong sabihin, bakit hindi ko alam na may kambal ka rin? At hindi ko pa siya nakikita sa school?"

"Iba naman kasi ang pinapasukan na school no'n. Ang arte-arte kasi no'n, eh. Gusto niya 'yung classroom may aircon."

"Eh, ba't naghiwalay pa kayo ng school? Bakit hindi ka na lang sumabay sa kanya?"

"Eh, kasi nga gusto kong mag-aral kung nasaan ka. Dami naman tanong!"

Oo na, kinikilig na ako sa sinagot niya. "Huwag kang ma-obsessed sa akin, oi. Hindi 'yan maganda."

Isang snort lamang ang sagot niya.

Ang totoo pala, si Mimi ang gumawa ng twitter account ni Kevin no'ng nagpatulong siya sa paggawa ng twitter. Mahilig din daw magluto si Mimi kaya madalas ay ito ang gumagawa ng lunch nila na sosyalin ang dating. Hilig daw kasi ni Mimi ang manood ng mga Korean at Japanese TV series at ginagawa nito 'yung mga tipo ng pagkain na binabaon ng mga Koreano't Hapon sa TV.

Ayon pa kay Kevin, masyado raw itong sweet at mushy to the point of OA at hilig magsabi ng I love you sa kanila.

"Kakairita nga kung minsan, eh. Kadiri kaya mag-I love you sa kapatid. Yucks! Nakakabading lang," sabi pa nito.

Natawa lang ako. Eh, wala naman palang hahadlang sa love story namin.

"O, tatawa-tawa ka naman diyan ngayon," sabi nito sa akin. "Para kang sira!"

Hay, si Kevin. In-born na talaga siguro sa kanya ang pagiging masungit. Pero kahit ganyan 'yan, alam kong he likes me for me--the chubby me!

"Kevin," sabi ko pa. "Pansin mo ba na lumiliit na ang pisngi ko?"

Si mama kasi, sinunod ang menu planning na tamang pagkain na dapat kong kainin. Tapos kaninang umaga, nagjogging pa kami ni Papa. At sabi pa ni Mama ngayong summer daw ay magswi-swimming lesson ako. Effective exercise daw iyon para makabawas ng timbang. Ika nga ni Mama, healthy lifestyle dapat ang gawin ko.

"Hmm..." ang sabi lang ni Kevin sabay kamot sa ulo. "Nood na lang tayo ng TV, Pinkie."

--THE END--

***

Kung nagustuhan po ninyo ang aking akda, sana po ay masuportahan po ninyo ako by buying me a coffee at:

https://ko-fi.com/maxinelaurel.

Maraming salamat! ♥

xoxo
MaxineLaurel ♥


Diwata ng mga ChubbyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon