Chapter Twelve

34.3K 1K 75
                                    

Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi. Paano naman kasi, saan madapo ang paningin ko, mukha ni Kevin ang nakikita ko. Titingin ako sa kisame, ang mga butiki ay nagfo-form ng line na parang korte ng salubong-kilay look ni Kevin. Naalala ko ang kunot-noong mukha ni Kevin sa gusot-gusot kong kumot.

Bakit gano'n?

Tuwing makakasalubong ko rin siya nitong mga nakaraang araw, namumulang bigla ang mga pisngi ko at natataranta ako. Minsan pa nga ako na ang kusang umiiwas sa kanya. At kadalasan ay pinagtataguan ko siya.

Nakalilito. Nakapagtataka.

Ano'ng misteryo't kababalaghan ang nangyayari sa akin?!

"Iniiwasan mo ba ako?"

"Ay adobong kabayo!" gulat kong sabi nang may bumulong sa tenga ko. Tumingin ako sa gilid at nakita kong nasa tabi ko na pala si Kevin.

Ganoon pa rin naman ang ayos niya, walang ipinagbago--magulo ang buhok, nakabukas ang polo at kita ang itim nitong T-shirt sa loob. Nagsusuot rin ito ng isang maliit na itim na hikaw tuwing lunch break at uwian ngunit itinatanggal ito kapag may klase para marahil hindi mahuli ni teacher niya.

Pero ngayon, parang naging iba ang tingin ko sa kanya. Parang may nagbago.

Bakit ba... naku-cute-an ako sa kanya ngayon nang sobra?

"H-hindi, ah!" sagot ko. "A-ano lang kasi... Pinagtsitsismisan na kasi tayo ng iba. Ang sabi nila ambisyosa raw ako dahil hinahabol daw kita."

"Sabi nila 'yon?"

Tumango ako. Oo, totoo iyon. Kanina lang dinig ko na naman silang pinag-uusapan ako. Ang sabi pa nila against daw sa law of nature ang magsama ang isang tao at isang hayop na oink oink.

At guess who kung sino ang hayop na oink oink na tinutukoy nila.

Ako, syempre.

Ako lang naman ang tinatawag nilang oink oink behind my back, eh. Sanay na ako sa totoo lang. Pero minsan masakit rin pala. Lalo na kung nag-uumpisa na akong maniwalang impossible ngang magkagusto sa akin si Kevin dahil sa bilugan kong katawan.

"Hoy Pinkie! Kinakausap pa kita. Bakit natutulala ka na naman?"

"H-hindi naman."

"Sino ba may sabi no'n? Gusto mo upakan ko para sa 'yo?"

"Kevin, bakit ba mabait ka sa akin?" Tinaasan niya ako ng kilay na para bang hindi niya gets ang gusto kong sabibin. "Ang ibig kong sabihin, bakit mo 'ko kinakausap? Sinasamahan? At tinutulungan kay Luke? Hindi naman tayo close. Binayaran ka rin ba ni kuya tulad no'ng ginawa niya kay Luke?"

"Para ka ring timang, ano? Ikaw kaya itong lumapit sa akin na mukhang desperada. Kaya wala na akong nagawa dahil ang kulit-kulit mo."

"'Yun lang lang ba? Wala ka bang feelings of something na... ano..."

"Ano?"

"Alam mo na."

"Hindi ko nga alam, Pinkie. Ano ba 'yang pinagsasabi mo?"

"Hindi ba kapag mabait sa 'yo ang isang taong hindi mo naman gaano ka-close, may hidden agenda ito sa 'yo? So, ikaw ba, ano ang agenda mo?"

Sumalubong muli ang kilay ni Kevin at halatang naiirita sa akin. "Ang sakit mo namang magsalita. Hindi ba puwedeng sadyang mabait lang talaga ako sa 'yo? Ang tingin mo pala sa akin, may kailangan lang ako sa 'yo kaya kita tinutulungan?" Tumayo si Kevin at bigla akong iniwan.

Naku, lagot. Nagalit ata sa akin si Kevin. Mali ata ang pagkakatanong ko. Gusto ko lang naman malaman kung may hidden feelings siya sa akin. Kasi ako, mayro'n na para sa kanya.

Diwata ng mga ChubbyWhere stories live. Discover now