Chapter Thirteen

31.7K 970 34
                                    

Malas ata ako pagdating sa pag-ibig. Ang love, hindi siguro para sa lahat. Ang love story siguro sa iba may happily ever after. Sa iba naman ay happy ending, at sa iba walang happy, ending lang. Ang malas ko lang kasi 'yung love story ng buhay ko ang tinamaan ng ending na walang happiness.

Nagsimula na lang akong maglakad pabalik ng canteen sa high school department. Habang naglalakad ako, ang daming mga bagay ang pumapasok sa aking isip. Baka naman hindi kami ang nakatadhana ni Kevin para sa isa't isa? Baka naman may ibang lalaki ang destined na maging partner ko?

Buti pa si toyo, nakahanap ng suka.

Mabuti pa si balot, ka-partner si penoy.

Mabuti pa si apple, mayroong pie.

Kailan ko kaya matatagpuan ang puto sa dinuguan kong puso?

Hindi ko rin maiwasang mainggit sa mga couples na nakakasalubong ko ngayon na magka-holding hands habang naglalakad na pa-sway sway pa. At 'yung mga nagsusubuan pa ng ulam tulad nitong mga nasa kabilang table dito sa canteen. O kahit itong nagliligawan sa may unahan ko na inaabutan ng guy si girl ng isang pumpon ng santan.

Teka. Bakit bigla akong pinalilibutan ng mga sweet couples?

"Tadhana! Nananadya ka ba?!"

"Hoy! Pinkie! Ano na namang drama 'yan?" Nagulat na lamang ako na nasa tabi ko na pala si bestie Kath. Buti na lamang at mag-isa siya. Kapag nagkataon na kasama niya ang soon to be boyfriend niya slash kuya ko, iiyak na talaga ako. Promise!

"Wala bestie. Brokenhearted lang ako," sagot ko sa kanya.

"Brokenhearted? Na naman?!"

Kung maka "na naman" si bestie, wagas. Sakit sa tenga, eh. "Bakit hindi ba ako puwedeng ma-brokenhearted? Kahit nababalot ng taba ang puso ko, marupok pa rin ito. Madali lang din ito madurog at masaktan."

"Ang OA mo lang bestfriend. Atsaka ano ba 'yang pinagsasabi mong taba sa puso mo? Hindi ka na man mataba, okay? Chubby ka lang, pero cute nga, eh. Ano'ng gusto mo? Maging tulad ko na parang toothpick na pantanggal tinga?"

"Eh, kesa naman sa mukhang siopao na giniling na pusa at daga ang laman."

"Yucks ka talaga bestfriend! At ginawa mo pang palaman sina Gardfield at Mickey Mouse! Pero teka nga, ano ba kasi pinoproblema mo?"

"Si Kevin... may mahal ng iba..."

"Ha? Si Kevin? Eh, ano ngayon kung may mahal na siyang iba? Huwag mong sabihin... bestfriend, in love ka ba sa anak ng mafia?"

"Oo bestie, at wala na akong pakialam kung magiging mafia princess ako kapag nagkatulayan kami ni Kevin!"

"Baliw! Binibiro lang kita sa mafia-mafia na 'yan, pinatulan mo naman? Teka... huwag mong sabihin sa aking naniniwala ka talaga sa tsismis na anak nga ng mafia si Kevin?"

Ang totoo, hindi ko talaga alam ano ang mafia, eh. Naririnig ko lang kasi 'yan sa mga classmates kong babae. Uso daw kasi ang mga mafia at gangster sa Wattpad.

"Hindi, ah!" sagot ko. Pero nahalata pa rin ni bestie na naniwala talaga akong anak ng mafia si Kevin.

Pangisingisi pa si Kath sa akin. "Umamin ka na--naniwala ka nga. Halata, oh."

"Ang totoo, hindi ko nga alam ano ang mafia, ang alam ko lang nakakatakot sila. 'Yun lang. Sa mga classmates nga lang natin ko 'yun naririnig, eh."

"Kasi naman, huwag masyadong magpapaniwala. Kaya ka madaling maloko, eh. Kita mo do'n kay Luke. Naniwala ka agad. Oh, eh, ano ang napala mo?"

"Bestie naman! Huwag mo ng ipaalala sa akin 'yun. Naka-move on na ako do'n. Atsaka, may kasalanan ka rin naman sa akin, ah. Alam mong binayaran lang siya ni kuya pero wala ka namang sinabi sa akin."

Diwata ng mga ChubbyWhere stories live. Discover now