Chapter Seventeen

34.8K 975 47
                                    


Napanganga ako habang nagsipagtilian ang mga tao sa paligid namin. Masyado silang nag-eenjoy sa pinapanood nila, ah. Kulang na lang ng popcorn, parang nasa sinehan na sila. Habang ako naman, parang kinuryente ng ilang libong voltage ng meralco sa sobrang kilig na ewan!

Dumapo ang mga mata ko sa mga kuya ko. Si kuya Red ay nakangiti lang sa akin habang si kuya Blue naman ay animo'y nag-a-acting na nasusuka sa mga sinabi ni Kevin. Kahit kailan talaga, 'yang si kuya Bughaw, panira ng love life.

Muli kong tinitigan si Kevin. Nakita kong kinakabahan siya. Siguro iniisip niya na tatanggi ako.

Ako? Tatanggi? Eh, gusto ko rin siya, 'no! Pero dapat magpapakipot muna ako. "I'll think about it," sabi ko.

"Pinkie naman, eh!"

"Joke lang! Oo, pumapayag akong ligawan mo 'ko."

Muling nagsipagtilian ang mga students sa canteen. Akala mo may artista lang, eh. May narinig pa nga akong nagsabing "kainggit naman si tabachoy!" na siya namang sinagot ni kuya Blue ng "hindi mataba si Pinkie, chubby lang!"

Si kuya Blue, kahit madalas engot, alam kong mahal pa rin niya ako.

At si Kevin? Ngayon ko lang napatunayan na hindi pala sa panlabas na hitsura nababatay kung magkakagusto sa 'yo nang tunay ang isang tao. Kita n'yo si Kevin, akala n'yo nauntog ang ulo't nagkagusto sa isang chubby na tulad ko. Kung alam ko lang, eh, 'di sana hindi na ako nagpagutom para pumayat.

Pero ang totoo, kapag na-in love ka, wala ka ng magagawa kundi magpahulog. Kaya nga fall in love ang tawag do'n, eh. Minsan babagsak ka at masasaktan, pero babangon ka pa rin at magmamahal uli. Masarap kasi ang magmahal. Pero dapat may balanse sa pagitan ng puso at utak --tulad na lamang sa nangyari sa akin dati kay Luke. Masyado kong pinaandar ang puso ko kaya hindi ko namalayan na huwad pala ang panliligaw niya sa akin.

Hindi maididikta ng pisikal na aspeto ng tao kung ano dapat ang mararamdaman ng puso mo. Kung gusto mo, gusto mo. Kung mahal mo, mahal mo. Ganoon kasimple. Period, no erase. No questions asked.

Hay, ang sarap ma-in love.

At kita ko sa mga mata ni Kevin na totoo siya sa nararamdaman niya para sa akin.

"Akala ko ibabasted mo 'ko, eh," sabi pa nito.

"Sira. Hindi pa kita sinasagot. Ang sabi ko puwede mo lang akong ligawan."

Nagkamot lang ito ng ulo at napangisi sa akin.

Ang mga tao sa paligid namin ay ayaw pa rin mag-disperse at disappear, kaya naman may bigla akong naisip na itanong kay Kevin. "Teka nga Kevin, bakit kailangan dito mo pa ako tanungin kung puwede mo 'kong ligawan? Puwede naman 'yung tayong dalawa lang, ah."

"Eh, kasi 'yung mga kuya mo. Ang sabi nila sa akin, dahil umamin ka sa nararamdaman mo sa akin sa isang mataong lugar, dapat gano'n din ang gawin ko para quits daw tayo."

Hindi ko pa rin gets ang explanation niya pero wala na akong pakialam pa. Basta masaya ako ngayon.

"Uto-uto ka pala sa mga kuya ko!" sabi ko sabay halakhak.

"Sige, tumawa ka pa't hahalikan kita."

Pero hindi ako nakinig. Sige pa rin ako sa pagtawa.

"Ayos ka rin, ano?" sabi ni Kevin. "Gusto mo rin talaga magpahalik sa akin kaya ayaw mong tumigil sa pagtawa."

Eh, 'di tumigil na rin ako sa pagtawa. Baka isipin pa niya gusto ko rin talaga magpahalik sa kanya. Slight lang naman, eh.

May inilabas pa siyang isang papel at ibinigay iyon sa akin. Nang nabasa ko ang nakasulat sa papel, na-realize kong ito pala 'yung listahan ng tips na ibinigay ko sa kanya dati. At sa tabi ng mga numbers may nakalagay na check maliban sa dalawang pinakahuling numero: kung sinagot ka ng nililigawan, at kung hindi ka sinagot ng nililigawan.

Napatingin ako sa kanya. So talagang sinunod niya ang mga tips ko? Nakakaloka talaga itong si Kevin, desperadong makuha ang matamis kong oo! Pero aaminin ko, kinikilig ako. Ngayon lang kasi may nag-effort ng ganoon para sa akin, eh.

"Sinunod ko ang mga iyan," sabi pa niya. "Pero sana 'yung part na 'kung sinagot ka ng niiligawan mo' ang magkakaroon ng check."

Tumayo ako at ngumiti ng ubod ng tamis. "Ligawan mo muna sina Mama at Papa. Pati na rin ang dalawa kong kuya." At saka ako naglakad palabas ng canteen na nakangiti. Gagawin kaya iyon ni Kevin?

"Oi, Kevin! Narinig mo 'yun, ha? Ligawan mo raw ako! Padalhan mo 'ko ng bulaklak at chocolates! 'Yung imported, ha?" Ang kuya Blue ko talaga, umandar na naman ang pagiging demanding.

Sumabay naman sa akin sa paglakad si Kathleen, at halatang masaya ito para sa akin. "O, ano bestie? Happy ka na ba?"

"Sobra bestie! Sobra. At lalo pang nagpasaya sa akin ay 'yung gusto pala niya ako despite of my extra bilbil!"

Ngumiti si Kathleen. "Okay 'yun bestie! Baka true love na 'yan!"

"Ang totoong love pala, parang isang x-ray machine--dahil ang tinitingnan nito ay ang nasa loob mo, at hindi ang panlabas na anyo."

"At ang love, para ring microscope--kahit gaano pa kaliit ang kabutihan ng isang tao, makikita't makikita mo pa rin ito dahil love mo ang taong iyon. Love magnifies the most little good deeds of a person."

Napahagikgik naman ako sa mga words of wisdom namin. May pagka-deep din pala kami ni Kathleen kung minsan. "Bestie, puwede na tayo ihanay sa pedestal ni Ramon Bautista!"

"Oh, 'di kaya kay Marcelo Santos!"

"Naku! Kapag nagsulat tayo ng libro, pihadong best seller 'yun. New York Times best seller pa!"

Minsan, para kaming mga tanga at engot ni bestie. Pero ganoon talaga siguro kapag mga bata pa--ine-enjoy lang ang buhay at tinatawanan lang ang mga bagay-bagay. Araw-araw may bagong natututunan, araw-araw nadi-discover din namin ano ang mukha ng real love.

#DiwataNgMgaChubby

Diwata ng mga ChubbyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora