1

34 8 13
                                    

Naglalakad ako sa corridor kung saan may mga tao sa paligid ng madaanan ko sila Jenna na nagkukwentuhan.

Mabilis nila akong nakita kaya ngumiti ako at mahinhing naglakad papalapit sa kanila.

"Faina! How's vacation?" Tanong ni Eve at sinundot ako sa tagiliran kaya napaiwas ako at napabungisngis.

"Nothing's new. Puro ako bilad sa araw!" sabay pakita ng dalawa kong braso.

"Weh?! Kaya pala medyo nagbago kulay mo but i think bagay sayo ang ganyan." sabi ni Jenna habang tinitingnan ang balat ko.

"Buti ka pa bagay sayo lahat. Ito kami parang haggard tingnan sa bago naming kulay." Nakabusangot na sabi ni Eve.

Napabungisngis nalang ako sa mga reklamo nila. Habang nagkukwentuhan kami at naglalakad na papunta sa aming room ay tumingin ako sa paligid.

Wala pa rin namang nagbago. Lahat ay may mga sariling kakwentuhan at nagtatawanan. Kakatapos lang ng bakasyon at 2nd sem na namin bilang senior high.

Napalingon ako sa kabila dahil medyo tumahimik at nakita kong may biglang nagbulungan kaya napatingin ako sa tinitingnan nila.

Medyo napaayos ako ng paglalakad ng makita ko si Rudeus Darren Alcayde. Napansin ko ring natigil sa kwentuhan ang mga nasa tabi ko at napatingin doon.

"Shit! Ayoko talaga sa awra ng lalakeng 'yan! Wala namang nakaka attract sa kanya pero bakit parang may something?" Bulong ni Sensen sa amin.

"True! Diko bet ang pagiging nerd nya. Also, he's just like a normal student at nerd pa!"

"Stop it, guys. May kanya-kanya tayong pagkakaiba. So don't be jealous." Asar ko sa kanila kaya napasimangot sila sa akin.

Nginitian ko sila at masayang naglakad pero biglang may tumulak sa likod ko kaya napaabante ako at may nabangga kaya nagsinghapan ang mga nasa likod ko.

Gulat akong napalayo sa taong iyon at agad akong umayos ng tayo. Hinarap ko ito at magsosorry na sana nang tuloy tuloy itong naglakad na parang walang nangyari.

"Nerd! The weirdo. Hindi man lang nag sorry!" May humaplos sa balikat ko kaya napatingin ako dito.

"You okay? Faina, you seem so tired!" Nag aalala at maarteng Jenna. She really knows what she'll act! She's always pissing me off.

They are like a barbie to me. Plastic.

"I'm good. Masyado ka namang nag aalala sa 'ken, Jenna. You're the best!" Sabay dinambahan ko siya ng yakap. Sinadya kong magpabigat. Nakita ko namang napangiwi ito pero ngumiti din ng peke sa akin.

"You two look like sisters! Nakakaselos!" Pinagpatuloy namin maglakad.

"Ikaw Faina, anong tingin mo sa nerd na 'yon?" Napakurap ako at napalingon Kay Sensen.

A nobody.

"A good person. Sabi nila karamihan sa matatahimik mababait. But we'll never know kung hindi na 'tin sila kikilalanin."

"As expected from Faina Rim Fuentes! You always have a good answer, noh!"

"Tsk. Sabi-sabi lang 'yan. Alam na 'ting lahat na nasa loob ang kulo ng mga taong matatahimik."

"And this Jenna. Always have a side comment!" Naghalakhakan ang dalawa at nagsi-apir pa. Napakamot ako sa kilay ko at napatawa ng alinlangan. Nagpipigil ng tawa.

You deserve it, girl.

"Bakit ba topic na 'tin ang nerd na 'yon? It feels like disgusting!"

"Jenna, you seem so angry at him. Anong mayroon sa kanya at masyado mong ikinaiinit ng ulo? Girl! Kakatapos lang ng bakasyon na 'tin tapos ito yung mood mo. Relax!" Eve said while giggling at her.

My Nerd CrushWhere stories live. Discover now