7

14 3 0
                                    

Pasimple akong suminghot papasok sa university kasabayan ang mga istudyanteng tingin ng tingin sa akin. Ngayon lang ba sila nakakita ng naka face mask at balot ng hoodie jacket na pink?

Kahit may sipon ako ngayon pumasok pa rin ako. Nakainom naman ako kahapon ng gamot. I take care myself yesterday and I'm sure that I didn't catch a cold.

Hindi ko sila pinansin. Nakakapanibago lang dahil walang bumabati sa 'ken. Maganda na rin ang gano'n, wala rin naman akong gana na plastikin sila.

Wait. Let's talk about plastikan. Nasaan na kaya ang tatlo kong barbies? Ilang araw nang hindi nagpapakita sa akin ang tatlong 'yon. Nevermind nalang sa kanila.

"Faina!"

Napalingon ako sa likod ko at napapikit bigla nang may biglang umakbay sa akin. Napaatras pa ako dahil malakas at medyo mabigat iyon.

"What? Anyare sa'yo?"

Dumilat ako at bumungad sa gilid ko si Pauline. Binigyan niya ako ng kakaibang tingin kaya tinaasan ko siya ng kilay. Inalis ko ang akbay niya sa akin.

"I don't like clingy girl..."

Tinarayan ko siya na ikinabungisngis niya lang at sa braso ko nalang yumakap. Sabay kaming naglakad papasok nang may ibang nagbulong bulungan sa gilid namin at likod.

"Si Faina 'yan? Parang hindi naman."

"Tinawag niyang Faina, eh. Diba kahapon magkasama sila? Si Faina iyang nakaface mask!"

"Hindi ganyan umasta si Faina. Nakita mo kanina lang? Tumaray yung babaeng nakaface mask."

Napapatingin ako sa paligid ko dahil baka makasalubong o makasabayan ko ang lalaking nagsumpa sa 'ken kahapon.

"Pfft!"

Napalingon ako kay Pauline nang marinig ko ang pagpipigil niya ng tawa. Lumingon din siya sa akin na nakangisi.

"Now I literally know you. Ikaw ang perfect girl kuno sa university na 'to. A good example student. The hell? Totoo ba 'yon? That rumor is fake!"

She scoffed at the end when she said that. Umiwas ako sa kaniya ng tingin. Hindi nga talaga niya ako kilala sa simula palang.

Nevermind about that. Wala rin namang magbabago kapag sinabi ko sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit nag-iiba ang ugali at kilos ko kada araw. It feels like I'm more free to show them who I am. Bakit ngayon ko lang narealize? I don't really know.

Wala ako sa sariling napasinghot habang naglalakad. Mabilis na napabitaw sa braso ko si Pauline na kanina lang nakayakap at lumayo nalang sa akin bigla.

Napatigil tuloy kami sa paglalakad.

"A-are you sick?"

Nanlalata ko siyang nilingon nang marinig ko ang pandidiri niya. Kakaiba 'tong babaeng 'to. Imbis mag-alala, nandidiri pa sa 'ken.

"I'm not!"

Wala akong ganang naglakad ulit.

"Are you sure?" Tumango ako sa kaniya.

"But... Ugh! Hindi ako naniniwala. Hindi muna ako lalapit sa'yo. I don't really like being weak. Tsk!"

She crossed her arms and pouted.

"Being weak is not to shy about. Our body is just too much tired from—"

"Yeah yeah..."

Sinamaan ko siya ng tingin. She just make ugly face at me before turning left and run to their building. Isip bata.

Bigla akong napabahing sa gilid kaya nagitla ang mga babaeng padaan rin sa gilid ko. Tiningnan nila ako nang naiinis bago maglakad ulit.

Pinagmasdan ko lang sila paalis bago ako maglakad sa building namin. Lumingon ako sa likod at inayos ang mask ko. Nang makarating sa tapat ng room namin nakita ko sa gilid ang tatlo kong barbie. Nagtatawanan sila at parang nagbabad sa init. Ang iitim eh.

My Nerd CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon