11

5 2 0
                                    

Pagkatapos ng pag-amin ko sa kaniya ay mabilis akong tumakbo paalis dahil na rin sa nararamdaman kong hiya at sa ayaw kong makita ang reaksyon niya. Natapos ang araw na iyon na nawala din sa isip ko lahat.

Kinabukasan ay walang highlights na nangyari. Pwera nalang ngayon pagkatapos ng klase namin.

Nakita ko nalang na nagmamadaling naglalakad palabas si Rudeus Darren. Hindi lang ito ang weird niyang ginawa. Nung kanina lang na nakita niya akong nakapasok, hindi na siya mapakali sa inuupuan.

Sabay lang kaming lumabas sa magkabilang pintuan. Karamihan kase ng kaklase namin sa unahan nagsilabasan. Habang sa likod naman ay iilan lang. Kaya kahit nagmamadali siya ay nagkataon pang hindi siya makaalis agad.

Napansin ko ang agarang pagsulyap niya sa akin saglit. Pinigil ko ang ngisi ko. Mukhang malakas ang tama ko sa kaniya.

Nakita kong nasa likod ni Rudeus Darren si Mairy, humahabol sa kaniya. Papalapit palang ako sa kanila nang magkatinginan kami ni Rudeus Darren. Mabilis siyang nag iwas ng tingin.

Napansin iyon ni Mairy kaya napatingin sa akin. Nasa tabi na ako ni Mairy nang pagmasdan ko na si Rudeus Darren nang maigi.

"Faina..."

Mahinhing tawag sa akin ni Mairy kaya napatingin na ako sa kaniya. Napansin kong pinagmamasdan niya ako kasabay ng paglipat lipat ng tingin sa amin kaya napatikhim ako. Ngumiti ako sa kaniya at yumakap sa kaniyang braso.

Mas matangkad ako ng kaunti kay Mairy kaya medyo nagbend ako.

"Let's date!"

Kita ko sa makapal na salamin ni Mairy ang kaniyang bilugang mga mata na nanlalaki sa akin. Napansin kong biglaang lumingon sa akin si Rudeus Darren kaya sinalubong ko siya ng tingin.

"We can date, right?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Two girls can date." Pagkatapos ay binaling ko ang tingin kay Mairy. Tulala lang itong nakatingin sa akin kaya tinapik ko ang salamin niya.

"O-ofcourse!" Nag-aalangan niya akong nginitian kasabay ng pagbaling niya ng tingin kay Rudeus Darren.

"Uhm... Kailangan lang namin ni Darren magreport sa faculty kung anong progress sa gaganaping event. Can you wait for me a... little bit?"

"Sure. Take your time. I'll wait for you so we ca—"

"Sorry for interrupting but can I talk Mairy for a second?" Nilingon ko siya at napasimangot.

Tumango nalang ako ng walang sinasabi. Nakita ko nalang silang naglakad hindi kalayuan sa 'ken.

Nakatalikod sa akin si Mairy habang nakaharap sa pwesto ko si Rudeus Darren. Kitang kita ko rito kung gaano kaseryoso ang mukha niya habang may pinag uusapan sila.

Curious what they're discussing I slowly walk to them. Napatigil ako nang tinapunan ako ng tingin ni Rudeus Darren, patay malisya akong tumingin tingin sa paligid. Ang hirap niyang lusutan.

Nabalik ang tingin ko sa kanila nang lumapit na sila sa akin.

"Okay na?" Binigyan ko ng ngiti si Mairy na tinanguan ako.

"Tara na sa faculty." Binigyan pa ako ng huling tingin ni Rudeus Darren bago siya naunang maglakad at nakasunod lang kaming dalawa sa kaniya.

Nagvolunteer pala si Mairy bilang event organizer sa darating na namang event ngayong month. Si Rudeus Darren naman yung napiling kapartner niya dito.

"Wow! I didn't know that you're good at managing!"

Nahihiya siyang nag-iwas ng tingin sa akin sabay ngiti. Nang makarating kami sa faculty ay kumatok si Rudeus Darren sa pintuan may lumabas doong isang teacher.

My Nerd CrushNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ