9

5 1 0
                                    

Shit, shit, shit! This mouth of mine! Nakakagigil! Nawala na sa preno. Did I just said that? Nakakahiya ka!

Lutang pa rin akong naglalakad na papasok ng university. Habang papauwi ako kaninang umaga doon ko lang narealize lahat ng sinabi ko. Ang kapal talaga ng mukha mong kwestyunin ang pagkalalaki ni Rudeus Darren. Bakit kase ako nagpapadalos lagi? Nakakairita!

Natigil ako sa pagkakastigo ko sa sarili ko sa isip nang may tumawag sa likod ko. Napatigil ako sa paglalakad at nilingon ito. Ang tatlong barbies ko lang naman.

They're smiling at me. Hinintay ko silang makalapit. Tiningnan ko lang sila at hindi na ako ngumiti. So what? Sira ang araw ko ngayon dahil sa ginawa ko lang kanina. Sana 'wag na nilang dagdagan.

Nag-iba ang kulay ng mga balat nila kaya nakakapanibago.

"Faina! Long time no see! Did you miss us?"

Mabilis na dumikit sa akin si Jenna na parang linta. Napangiwi nalang ako at sumulyap sa dalawa. Nahalata neto ang mood ko kaya nagkatinginan sila at tumawa ng nag-aalinlangan.

"Hello, Faina! Sorry kung ngayon lang ulit tayo nagkasama. Paano ba naman kase, may nagyaya kay Jenna na magdadagat. So sumama rin kami."

"Yeah! Ang saya kase marami-rami kami. Hindi na namin nasabi sayo kase biglaan talaga. Did you see our post in my ig?"

Mabilis nila akong nahila papasok kaya wala na akong nagawa. Nagsh-share sila ng kung ano-anong nangyayari. Hindi pa kami nakakalayo sa gate nang may tumawag na naman sa akin.

Napatigil ako. Mariing napapikit at napabuntong hininga. Bakit ngayon pa sila nagsabay-sabay? Napadilat ako nang makabuo ng plano sa isip. Right! I need them. Para mawala muna kahit papaano sa isip ko si Rudeus Darren. Ang sakit sa ulo ng pinagsasabi ko sa kaniya kanina lang.

Right!

Humarap ako sa likod at bumungad sa akin ang kakalapit lang na magkapatid. Wow. Ngayon ko lang sila nakitang sabay at magkasama pumasok.

Nakangisi agad sa akin si Pauline habang hatak niya ang kaniyang kapatid na nerd na nahihiya at hindi makatingin sa akin.

"Ohh. Who's this trio of yours? Mukhang mga nilaspag ng tirik na araw kaya nangingitim ngayon, ah!"

Maarte at matinis na sinabi iyon ni Pauline sa tatlo kaya napasinghap ang ilan na nasa paligid namin. Kumibot ang mga labi ko habang nagpipigil ng tawa. Tumikhim ako at napatingin sa tatlo. Mga hindi makapaniwalang nakatingin ito sa harapan nila.

"You are Pauline Davrin, right?" Sensen asked.

Napataray sa kawalan si Pauline.

"No. You left!"

Napabungisngis ako sa sinabi niya. Hindi ko na tuloy napigilan. Patay malisya akong nag-iwas ng tingin nang sinulyapan ako ng tatlo. Napatikhim ako at sinalubong ang tingin nila.

"Guys, this is Pauline and her sister. We should get along from now on."

Matamis ko silang nginitian. Hindi nila ako makapaniwalang tiningnan. So I tilted my head and look at them weirdly.

"What? Is there something wrong?"

Alinlangan silang umiling kaya napalakpak ako dahil sa saya.

"Then let's go!"

Nauna akong naglakad sa kanila kaya malaya akong naglalakad pauna.

"You are the play girl here, right? Paano kayo nagkakilala ni Faina? Ilang araw lang kaming nawala pinaplastik mo na siya. Sorry to say this, huh. Pero I think mali ang nilapitan mo." Rinig kong boses ni Jenna sa likod.

My Nerd CrushDove le storie prendono vita. Scoprilo ora