3

14 5 0
                                    

Nakabalik ako sa table namin na iniwan ang hiya doon sa comfort room. Maayos na ulit akong nakikihalubilo sa iba. Iwas ako ngayong tumingin sa paligid dahil ayokong may makita na namang Rudeus Darren. Babalik sa 'ken ang hiya. Jusko.

Nagkukwentuhan kaming apat rito habang hindi pa dumadating ang birthday girl nang may biglang naglapag ng juice sa harapan ko. Agad akong napaangat ng tingin at bigla nalang nasira ang mukha ko.

Kakasabi ko lang na ayoko ulit siyang makita pero bakit nandito siya sa harap ko?

Pinilit kong ngitian siya at umiwas ng tingin. Suot na niya ngayon ang maskara. I mumbled my thanks and sipped my juice.

Habang nilalagay niya ang juice nila Jenna, Eve at Sensen sa table may dalawang mc na sa gitna na nagsisimulang magsalita.

"Good day everyone! Did you wait long? Sorry for the long wait!" Masigla ang dalawang mc na nagsasalita sa stage kaya nakuha neto ang atensyon ko.

Nagpakilala sila at sinimulan nang tinawag ang birthday girl na si Keylee. Lumabas ito sa gilid. Nagpalakpakan kaming lahat at napatayo sila.

Nagulat pa ako na tatayo ang lahat kaya bigla bigla nalang akong napatayo. Natapilok pa ako at hahawak na sana sa upuan ko nang may biglang umalalay sa kamay at bewang ko.

I blink several times before I let go his arms. Umayos ako ng tayo at napatikhim. Umiwas ako ng tingin sa kaniya at nilipat nalang ito sa stage. Pinagpatuloy ko ang pagpalakpak ng wala na sa sarili.

Naramdaman kong umalis na ito sa table namin kaya nakahinga ako ng maluwag at napanatag.

Pinaupo agad kami hanggang sa marami nang sinabi na hindi ko na naman pinagtuunan ng pansin.

Hindi lang ako makapaniwala ngayon. Bakit parang binibigyan ako ng atensyon no'n ngayon? 

Wala ako sa sarili sa mga oras na iyon. Hanggang sa niyaya ako ng tatlo na puntahan ang birthday girl na nasa kabilang table.

Papalapit palang kami nang mapunta agad ang paningin ni Keylee sa akin kaya nginitian ko siya. She excitedly kissed my cheeks and greeted me.

"Happy birthday, Keylee! You're so pretty today!" I said while smiling at her.

Pinaupo niya kami sa table nila kaya nagsi-upuan kaming apat. Panay puri ng tatlo kay Keylee kaya hindi ako makasingit. Hanggang sa nginitian niya lang ang mga ito at binalik ang tingin sa akin at pinagmasdan ako.

"Faina ang ganda mo talaga! Can't believe that you're here beside me!" She's so excited and happy that she touched my both hands and squeeze it gently. She was giggling while staring at me.

"Keylee! You're lucky that Faina is here! Hindi ka niya kilala pero pumunta pa rin siya kase-" Hindi natapos sasabihin ni Jenna dahil nag salita ang mc.

I look at her and giggled. Inis siya ngayong nakatingin ng masama sa harapan.

Pinagtuunan ko na rin ng pansin ang nagsasalita. Tinawag lang doon si Keylee at ang mga magulang niya. She give speech to them and to everyone who's in her party.

I was shocked when Keylee mentioned me. Keylee gestured to come in the stage. Nagsilingunan ang lahat sa pwesto namin at nagpalakpakan nang tumayo ako't naglakad papunta kila Keylee.

"Everyone! You all probably know who is this special guest of mine. She's so pretty, right?" Papalapit palang ako ngunit humirit na si Keylee tungkol sa akin.

Binigyan ako ng microphone bago umakyat sa stage. "Hello, ladies and gentleman. This birthday girl is more beautiful tonight. Do you all agree?" Mabilis na naghiyawan ang lahat kaya nahihiyang ngumiti si Keylee sa harap.

My Nerd CrushWhere stories live. Discover now