10

6 3 0
                                    

Pagkatapos niya iyong sabihin agad siyang tumalikod at naglakad paalis. Naiwan akong nakatulala sa kawalan.

Hindi makapaniwalang minura niya ako. Iyon ang unang beses na galit na galit siya sa 'ken. Ayaw niya talaga ng tulong ko? At talaga? Naaabala ko ba siya lagi? Ha! Easy pa nga lang 'yon nagrereklamo na siya. Gusto ba niyang gawin kong hard as fuck?

"Just you wait..."

Umalis na rin ako doon. Dumiretso ako sa room namin at agad na binungad sa 'ken ang pagbubulungan at titig ng mga kaklase ko. I shrugged it off.

Hindi ko din naman na sila mapipilit na makinig sa explanation ko at lalong-lalo na hindi ako magsasayang ng laway sa pag e-explain isa-isa sa kanila.

"Faina!"

Napalingon ako sa isa kong kaklase nang makalapit siya sa gilid ko. May kasama itong apat na babae. Pinagmamasdan ako ng maigi.

"We heard what happened sa cafeteria. Is it really true na may nasampal ka?"

"Yes. We also heard na kaya ka daw may nakaaway kase sinadya mong itapon sa isang babae ang milktea tapos pinagsabihan ka lang naman daw ng isang babae sinampal mo agad. Is it really true?"

Napakunot ako ng noo sa isang kaklase ko nung sinabi niya iyon. Gano'n kabilis kumalat?

Mga nangch-chismis na nga lang kulang-kulang pa ang mga pinagkakalat. Ito ang pinakapangit sa mga tao. Ang mga bibig nilang talak ng talak. Kung may chismis man na may kulang, mayroon ding dinadagdagan o iniiba. Kaya nagkakagulo at halos hindi na malaman ng iba kung ano ang totoo. Pinapaniwalaan nalang nila ang sinasabi ng iba kung wala silang naririnig sa kabilang panig.

Kaya nilang malaman ang isang issue kung magtatanong o makikinig sila sa mga ibang tao. Iyon ang mali sa kanila. Hindi nila pinapakinggan o inuusisa ang taong nandoon sa pangyayaring iyon. Nakinig at naniwala agad sila sa iba.

19 minutes pa bago ulit magstart ang klase. Napatingin ako sa paligid. Kalahati ng kaklase ko narito. Wala akong nakitang Rudeus Darren sa paligid. Napasulyap ako sa  pintuan na nakabukas nang tarantang pumasok doon si Mairy.

Hindi ko ito pinagtuunan ng pansin hanggang sa naglakad ako sa harap at doon tumayo ng tuwid. Tiningnan ko sila ng seryoso isa-isa.

"You all know me, right? Since when I accept violence and bullying here?"

Tahimik ang lahat at walang naisagot sa aking tanong. Matamis ko silang nginitian.

"I am Faina Rim Fuentes. Everyone can say everything they want. Paniwalan n'yo ang gusto n'yong paniwalaan. I don't give a damn. I'll fight for the truths and rights. But remember this, guys. If you want to know a whole story, read it carefully. Siguro naman alam n'yo na ibig sabihin n'yan? I will never be silent for this kind of issues. Never..."

Ilang segundong katahimikan ang bumalot sa amin hanggang sa unti-unti silang nagpalakpakan hanggang sa umingay na. May ilan na nakikita kong nakatingin lang at karamihan ay pumapalakpak sa sinabi ko.

I think that was good for now.

Mamaya bago ako uuwi didiretso ako sa guidance office. Kung ayaw kumanta ng isa, ako nalang ang kakanta. Ayoko na ulit makita pa ang gano'ng sitwasyon. Nung una naku-curious ako sa mga gano'ng pangyayari. Pero nang makita ko ang sitwasyon ni Rudeus Darren doon sa cafeteria gusto ko agad supalpalin ang mga 'yon.

Bumalik ako sa kinauupuan ko at nangingiting nakatingin sa iba. Nasulyapan ko pa si Mairy na nasa pintuan pa rin at may ngiti sa labi habang pumapakpak ng maliit, namamangha.

"Hoy mga klasmeyt! Narinig namin sinabi ng Faina natin sa gitna. Mahal ko na ata si Faina!"

Natigil sila sa pag-iingay nang may sumulpot na apat na lalake naming kaklase. Nagsiksikan ito at nag-uunahang makapasok.

My Nerd CrushWhere stories live. Discover now