8

3 2 0
                                    

Sabado nang maisipan kong magising ng maaga at sinama si Firi. My baby.

Ilang araw nang mangyari ang huli naming pag-uusap ni Rudeus Darren. Nagkakasama pa rin naman kami sa university pero hindi niya na ako tinitingnan o kinakausap. More like strangers kami. Bumalik sa dati.

Well, Gusto ko rin namang may makakita at malaman ng iba na may koneksyon kami pero pinalipas at tiniis ko lang ang mga araw na iyon dahil ayokong magulo ang tahimik niyang buhay.

And today, pause na muna. I miss him.

Pasimple akong sumilip sa bakuran kung naroon siya at makasigurong may tao. Nang makalagpas sa harap ng bahay ay mabagal akong napahinto at tiningnan ang paligid bago bumalik roon at nilapitan na ang gate.

Wala itong lock kaya dahan-dahan ko itong tinulak at pumasok. Nang makapasok sinarado ko ang gate at excited na nagmamadaling pumasok sa nakabukas na pintuan ng bahay.

Napanguso ako nang walang bumungad sa aking Rudeus Darren. Pinakawalan ko si Firi at agad siyang tumakbo sa sofa. Inuna kong silipin ang kwarto at nakita kong malinis ito at parang walang natutulog rito. Napatingin ako sa bedside table. Nakakita ako roon ng wallet at sa baba naman ng kama ang isang bag na pamilyar sa akin.

Papasok na sana ako para halungkatin iyon nang makarinig ako nang kaluskos sa kusina. Napangiti ako't nagmamadaling pumunta roon. Napangisi ako nang makita ko si Firi na nananakbo roon papasok. Inunahan ako.

Pagkalapit ko roon ay bumungad sa akin ang nakalingon at nakakunot na si Rudeus Darren kay Firi. Tinatahulan siya neto habang nakaupo at nakaangat ng tingin din sa kaniya. That was a cute interaction when he lifted his eyes and met mine.

"Paano ka nakapasok?"

Sinulyapan ko kung ano ang ginagawa niya kasabay nang pag upo ko sa high stool at pumangalumbaba sa likod niya. Pinagpatuloy niya ang paghuhugas ng mug at may inabot pa siyang isa sa gilid at hinugasan rin ito.

"Through door?" Napa tsk siya sa sinagot ko. I was being honest here.

Simpleng white tshirt at isang black pajama lang ang suot niya. Kakagising lang siguro dahil magulo pa ang buhok at ganyan ang panunuot. Kahit bagong gising suot niya pa rin ang kaniyang makapal na salamin.

"You can't just enter here without knowing the owner if they are here."

"But you are here..."

"I'm not the owner." Nagtitimpi at mariin niyang sinabi. Tinapunan niya ako ng tingin nang matapos na siya.

"I want milk!"

I smiled at him cutely. Wala siya roong reaksyon at tinalikuran ulit ako. Ilang minuto ay humarap na siya at dala ang isang mug ay naglakad sa harap ko at nilagay sa counter.

Nakatitig lang ako sa kaniya na namamangha. Napansin niya iyon kaya umiwas agad siya ng tingin sa akin. Inusod niya ng marahan ang mug palapit sa akin sabay talikod ulit. Bago tumalikod mabilis niyang inayos ang kaniyang salamin at lumunok.

Kinuha ko ito at humigop roon.

Ilang minuto kaming tahimik lang at ini-enjoy ko pa ang paghigop nang marinig ulit namin ang tahol ni Firi. Napasulyap ako sa kaniya nang may kinuha siya sa cupboard sa itaas. Napakunot noo ako nang ilabas niya roon ang isang balot ng dog food. Malaki iyon at wala pang kabawas bawas.

"You have a dog here? Where?"

Nakita kong naglagay siya sa maliit na mangkok na itim at nilagay sa tapat ni Firi. Agad itong kumain na parang hindi ko siya pinakain kanina lang.

"Hindi mo ba pinakain ang aso mo? Mukhang gutom, eh."

Nalukot ang ilong ko sa sinabi niya. "Kumain 'yan bago kami umalis, noh. Masigla lang siyang kumain."

My Nerd CrushWhere stories live. Discover now