CHAPTER 9

854 37 0
                                    

"Hooy Marknell! Ano? May ipinagmamayabang kana ngayon?!"

"Pare! Nagmamatalino na ata itong si unggoy!"

Nanlaki ang mata ko ng makitang hinampas ni Duke ang armchair na kinauupuan mismo ni Marknell. Si Duke ay yung may blonde hair.
⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀
"W....Wala a-akong ipinagmamalaki—"

Mas nanlaki naman ang mata ko ng bigla nalang suntukin mo Duke si Marknell sa mukha, kaya ang kaninang nakayukong mukha nito ay napataas at ganun nalang ang pagsinghap ko ng makita ang masaganang dugo mula sa ilong niya.

"Alam mo ikaw Marknell, b*obo ka! Tandaan mo yan! At kapag b*bo ka habang buhay ka ng b*bo! Naiintindihan mo ba?!"

"M-maniwala kayo s—"

"Tinatanong kita! Naiintindihan mo?!"

Mahina akong napasinghap ng makita ang marahang pagtango ni Makrnell kasabay ng pag agos muli ng dugo niya mula sa kanyang ilong. Napailing iling ako kasi bakit? Parang normal lang sa kanila ang ganitong gawain at sa halip na pigilan nila si Duke ay mas kinokonsenti pa nila ito.

"Yan...ikaw ang b*bo dito kasama mo na yang si Namarih!" Kumibot ng bahagya ang kilay ko sa narinig.

Ako? Pati ba naman ako idadamay nila?

"Alam mo na gagawin namin to sayo pero nagpaperfect perfect kapa din? Mas takot kana ba kay Sir kesa samin, huh?" Pakiramdam ko tinakasan ako ng bait dahil sa napagtanto ko.

"Wag mo ng tangkaing magpaliwanag pre!" Si Luke, siya naman yung Blue hair.

Mas nahabag ako ng makitang pinunasan ni Marknell ang ilong niya gamit ang kanyang kamay, hindi ako makatayo kahit gusto ko na siyang puntahan, pakiramdam ko mas malalala ko lang ang sitwasyon lalo na ngayong tila wala silang balak na gulpihin ako sa pagbalik ko dito.

Nakita kong ibinulsa ni Marknell ang papel niya, kita ko kong paano niya ito marahang itinago.

Pabalibag na hinampas ulit ni Duke ang upuan ni Marknell bago ito tuluyang lubayan. Napahigpit ang kapit ko sa laylayan ng damit ko pakiramdam ko kung hindi ko sinagutan yung papel niya hindi siya sasaktan ni Duke, mapapagalitan lang siya ni Sir.

Malungkot na tumingin ako sa kanya habang nakayuko ito at pinupunasan ng laylayan ng damit niya ang dugong nasa ilong niya.

Madudumihan yung damit mo!. Gusto ko sanang sabihin sa kanya pero wala akong lakas na loob.

DUMATING ang lunch break na malungkot ako, sobrang lungkot ko dahil sa nangyari, ni halos hindi ko na namalayan yung mga teacher na dumating sa room, napabalik nalang ako sa wisyo ng marinig ko ang bell at ang pagtayuan ng mga kaklase ko.

Ang balak kong maglunch kasama si Geo ay hindi natuloy dahil nakita kong inakbayan na ito ni Sen palabas, nakita ko pang sumulyap siya sa gawi ko.

Wala akong balak kumain, ayaw kong iwan yung lalaking kasama ko sa room. Dahan dahan akong tumayo at lumapit sa kinaroroonan niya.

"Gamitin mo..." Mabilis siyang nagtaas ng tingin mula sa pagkakasubsob sa armchair.

"Sige na hehe..." Mas iminuwestra ko ang panyo ko sa kanya kasama ang dala ko palang wipes.

Napangiti naman ako ng inabot niya ito, marahan akong umupo sa upuang nasa harapan niya.

"B....Bakit ka nila s-sinaktan?" Napatigil siya sa paglilinis ng natirang tuyong dugo sa ilong niya bago tumingin sa akin.

"Ikaw? Bakit hindi ka pa umalis dito?"

Napanguso ako.

"A-ayaw ng Daddy ko..."

Last Section Innocent DemonNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ