CHAPTER 20

881 40 2
                                    

( Back to Namarih POV)
⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀

"What are you waiting for?"

"H-huh? Eh hindi ko nga alam kung paano yan eh!"

"Sinisigawan mo ba ako??"

Napatakip ako sa bibig ko, hindi ko naman siya sisigawan kapag hindi niya na ako pinilit na gawin yung activity eh.

Prente siya ngayong nakaupo sa harapan ko habang ako naman ay nakatayo at niyayakap ang bag ko. Napanguso ako, ang sama sama kasi ng tingin niya sakin eh tsaka naiisip ko na dahil yun sa suot ko, kung makaismid kasi akala naman niya wala siyang boobs! Maliit nga lang yung sa kanya. Hihi.

Tsaka hindi ba niya ako paparusahan?

Nagulat ako ng bigla siyang tumayo at kinuha ang masanas, nagulat nalang din ako ng bigla niya itong ihagis saakin.

"Anong gagawin ko dito?" takang tanong ko.

"Kainin mo." seryusong sabi niya.

"Huh? Pwede?!"

Itinagilid niya ang ulo niya habang nakatingin saakin, naiilang ako, huhu. Hanggang sa maya maya ay seryuso na siyang nakatingin saakin habang blangko ang ekspresyon ng mukha niya, pero hindi ko pa din magawang iwasan ang itsura niya.

"Kahit pala demonyo gwapo." mahinang saad ko.

"Are you saying something?"

Agad akong umiling. "Wala! Suss, may third ears ka siguro, hehe." Napakamot ako sa ulo.

HAAAYYY, kailangan ko ng ipacheck to kay Daddy, kasi baka may mga alaga na naman ako sa ulo ko.

Napanguso ako.

"Hindi mo ba ako sasaktan?" Nakayuko kong tanong.

Napaatras ako ng humakbang siya palapit saakin.

"Jowkk lang! Hehe, di ka naman mabir—" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng dire-diretso siyang humakbang papunta sa kinatatayuan ko hanggang sa nanlaki nalang ang mata ko na nakayuko na siyang nakatingin saakin sa mismong harapan ko.

"I want to punish you now, but..." malamig na saad niya.

Huhu, pakiramdam ko tumayo ang mga balahibo ko pati sa kilikili dahil sa pagsalita niya.

"But i don't want to do it now." dugtong nito.

Napahigpit naman ang hawak ko sa bag at mansanas na nasa harapan ko. "E-eh...oo nga! Wala si Marknell u-unfair naman kung ako lang, hehe.." ngiwing sagot ko.

Umayos siya ng tayo at namulsa sa harap ko. Ngumuso ako bago niyakap ng mahigpit ang bag ko.

"Hindi mo naman pala ako paparusahan eh, akala ko naman." Nakangiti kong saad, hehe. Kinabahan pa ako kanina. Hindi naman pala.

Tiningnan niya lang ako bago muling umalis sa harapan ko.

"Give me the apple."

"Ikaw na gagawa?"

"Bakit, kaya mo?"

Napabusangot ako. Bat ba ang suplado niya.

Binigay ko sa kanya ang mansanas. Pahablot niya itong kinuha saakin, tiningnan ko lang siya ng magsimula siyang galawin ang mga gamit. Ilang beses pa niyang hinahawi ang buhok niya dahil meron siyang bangs. Hehe ang kyutt.

"Sen..."

"Your not allowed to call me by my name." Sagot niya na ikinatigil ko.

"Huh? Eh yun naman yung tawag ko sayo ah!"

Last Section Innocent DemonWhere stories live. Discover now