CHAPTER 15

914 42 6
                                    


"Saan ka galing Namarih?" Bungad sa akin ni Mark pagpasok na pagpasok ko palang sa mini garden.

Napakamot ako sa ulo ko. "A-ah eh nagcr ako.." alanganing sagot ko.

"Hmn pwede na tayong umuwi pabukas na naman yung gate maya-maya." Napatango ako sa sinabi niya.

"Punta ka sa bahay! Dun kana nagdinner!" Nagsimula siyang maglakad at para hindi ako mahuli ay mabilis kong sinabayan ang bawat hakbang ng paa niya.

"No, maybe next time."

"Sige na, laro tayo ni Petonn!"

"Aren't you afraid of that snake?"

"Hindi noh! Bat naman ako matatakot sa kanya," agarang sagot ko.

Mula pa noong makita ko at niligtas si Petonn sa nanganganib niyang buhay ay ako na ang nag-alaga sa kanya, pakiramdam ko nga para akong may anak na halimaw o maarte noon eh dahil mahirap siyang alagaan.
Hindi naman kasi siya tao, isa siyang ahas.

"Paano pag malaman ng parents mo?" Tanong niya.

Napaisip ako, siguro kong malalaman nila Daddy yun pagagalitan nila ako, kaya ko nga tinago siya doon sa lumang kwarto eh, sinabi ko sa kanila na bawal yun buksan kasi madumi at purong gamit ko lang pero hindi nila alam na may isang ahas doon. Minsan dinadala ko siya sa kwarto o sa kahit saang parte ng bahay kapag wala ang mga magulang ko, behave naman siya kasi nga nakuha ko siyang kontrolin.

"Edi ipaglalaban ko siya! Sakin na yun lumaki eh tsaka hindi naman siya nananakit kapag hindi din siya sinasakit." Pagpapaliwanag ko sa kanya.

Nadaanan namin ang clinic pero kapansin-pansing walang tao doon, siguro nasa loob o nauwi na sila.
Madaming estudyante na din ang naglalakad dahil uwian na din maya-maya.

"But still dangerous Namarih." Napasimangot ako.

"Paano mo nasabi yun?" Mabilis kong tanong.

"Cause it's a snake Namarih. Kahit anong gawin mo delikado pa din siya sa kahit kanino."

Napahinto ako na ikinahinto din niya. "Why?"

"Bakit? Sinaktan kaba niya?" Mahinang tanong ko.

"What do you mean?"

Hindi naman siya sinaktan ni Petonn tapos sasabihin niyang delikado siya sa kahit na kanino? "Hindi ka naman kasi niya sinaktan, sa katunayan nga gusto ka pa niya eh."

Napabuntong hininga siya. "Yeah, hindi niya ako sinaktan pero—pero we can't say that Namarih."

"Kahit nah! Hmp, Yung baong pera ko nga iniipon ko pambili ng stock na isda para sa kanya eh." Inirapan ko siya.

"Oh sige, Basta hindi siya dangerous!" Nauna na akong naglakad sa kanya papuntang gate.

"Doon ako sa inyo magdidinner." Rinig kong sabi niya. Naabutan niya pa din ako kahit na nauna na ako sa kanyang maglakad! Hayst.

"Hindi pwede!"

"And why?"

Tinaas ko ang isang kilay ko. "Kasi wala kaming bigas!"

Tumawa siya na kinainis ko. "Bibili nalang ako ng bigas tapos isasaing mo."

"Hindi pwede!"

"Bakit hindi? Don't tell me wala kayong lalagyan."

"Hindi pwede kasi wala ka ng pera tapos bibili kapa ng bigas namin! Adik kaba?!" Nanlalaking sigaw ko sa kanya na ikinatigil niya.

"Ohh," napakamot siya sa batok niya.

Last Section Innocent DemonWhere stories live. Discover now