CHAPTER 23

833 39 0
                                    


Napakamot kamot na ako sa ulo ko habang nakaupo na ako ngayon sa upuan, sakto lang na makasilong ako, maaga pa naman eh. Balak ko sanang itanong Kay Guard kasi baka alam niya yun pero paghanap ko sa kanya ay sakto namang wala siya.

Tanungin ko kaya itong katabi kong mukhang nerd, hehe. Tama tama!

"Hi!" nilapit ko sa kanya ang mukha ko.

Mabilis naman siyang humarap sakin mula sa librong binabasa niya, nagtatanong niya akong tiningnan.

"Hehe, marunong ka bang magbasa?" nakangiti kong tanong pero sinimangutan niya ako.

"Hindi ba obvious Miss?" saad niya di kalaunan tsaka tinaas ang librong hawak niya.

Napakurap kurap ako ng marinig ko ang boses niya, huhu parang boses ng isang Nerd na angel!.

"Hindi hehe..." naisagot ko nalang malay ko ba baka nagfafake read lang siya noh! Hmp.

"Gusto ko lang sana to ipakita oh baka alam mo kong pano basahin." Tsaka ko ipinakita ang message sa cellphone ko.

Inayos naman niya ang salamin niya at tiningnan iyon.
Kumunot din ang noo niya ng mabasa niya ang message.

Sabi sa inyo eh hindi talaga maintindihan yung message na y—

"Don't go at the rooftop i'm not there. It's me Geo."

Napatigil ako sa pag iisip ng bigla siyang magsalita.

"H..huh?"

"Don't go at the rooftop i'm not there. It's me Geo." Pag uulit niya. "Yan yung nakasulat." dugtong nito.

Tumatango tango akong nagpasalamat sa kanya at bumalik na naman ang tingin niya sa libro.

"Don't go at the rooftop I'm not there. It's me Geo." mahinang pag uulit ko.

Ilang beses ko pa yung inulit ulit sa isip ko bago yun tuluyang nag sink in sa isip ko.

"Hala!" napatakip ako sa bibig ko dahil hindi ako nakapag toothbrush.

Charrr—gerr, nagsisipilyo kaya ako.

Si Geo yung nag text! At wag daw akong pumunta sa rooftop dahil wala siya dun. Akala naman niya pupunta ako. Pero saan niya nakuha ang cellphone number ko? Tsaka......

"Bakit ganun siya mag textt?!!" WAAAHH! huhu, bakit siya ganun mag type?!

Napasabunot na ako sa buhok ko dahil naiinis ako pero sakto namang dumating na si Guard at sinabing pumunta na kami sa room namin dahil hindi na masyadong malakas ang Ulan at pa bell na din naman.

Tiningnan ko muna ng masama ang cellphone ko.

"Mamaya na kita proproblemahin." Kaagad kong inoff ang cellphone ko at nagpaalam kay guard.

Mabilis akong tumakbo papuntang room namin ng mahagip ng mata ko ang isang pamilyar na lalaki, napahinto ako sa pagtakbo at pinikit pikit ko ang mga magaganda kong mata.

Bakit parang siya yung kahapon? Pag mulat ko naman ay hindi ko na ulit siya nakita sa pwestong kinaroroonan niya kanina.

Napabuntong hininga nalang ako at tumakbo ulit papuntang room. Mabuti nalang hindi basa yung sahig kasi baka madulas ako, nakakahiya naman.

Pagdating ko sa hallway malapit sa room namin ay napansin kong tahimik. Kadalasan naman hallway palang ay abot na ang sigaw nilang lahat lalo na si Thea.

Nagkibit balikat nalang ako, saktong pagtapat ko sa pinto ng room ay may nakita akong sulat na nakadikit doon, sinilip ko din ang bintana pero ganun nalang ang taka ko ng walang tao sa loob. Tiningnan ko din ang kabilang classroom pero nasa loob na sila lahat at mukhang napaaga ang klase nila.

Binasa ko ang sulat na nakadikit doon.

"Every student of Section D pls proceed to the rooftop. Nandoon ang magiging activity natin."
                
                                                   -Sir.

Pagbasa ko sa nakasulat.





LM
A/N: short update.

Last Section Innocent DemonWhere stories live. Discover now