CHAPTER 10

906 37 1
                                    

"Watch out!!"

Napaigtad ako ng sumubsob kami ni Marknell SA gilid ng flower pot dahil sa paghila niya sa akin, ng inalalayan niya akong tumayo ay nagulat ako dahil puno ng tubig ang sahig at kasama na doon ang isang maliit na balde.

"D*amn, told yah!" Ang kaninang masayang mood ko ay biglang napalitan ng inis at galit.

"Namarih...." Mahigpit ang kapit ko sa bulaklak na pinitas ko kanina na dala dala ko pa ngayon.

"Hey...it's okay. Are you hurt?" Hindi ko pinansin ang pagtawag ni Marknell sa akin.

Napabaling ang tingin ko sa kabilang room dahil nagsisihabaan na naman ang mga leeg ng iba.

Masama ang tinging ipinukol ko sa kanila bago tiningnan ang baldeng nasa sahig, tiningnan ko ang taas ng pinto, doon siguro yun nila inilagay at bahagya ko itong nagalaw kanina kaya nahulog. Mabuti nalang at nahila agad ako ni Marknell kundi mukhang basang sisiw na ako ngayon. Hindi ba sila nag aalala na baka iba yung dumating?

Mabilis kong hinakbang ang bahagyang nakasaradong pinto, walang ingay akong naririnig mula sa loob ng nakarating ako dito ay agad kong sinipa ang pinto kasabay ng pagsinghap nila sa loob.

Matatalim at masasama ang tinging pinukol ko sa kanilang lahat. Lahat sila kasabwat nito kahit pa si Geo!

"Namarih..." Hindi ko pinansin ang pagtawag ng mahina sa akin ni Marknell. Nakita ko ang pagtataka sa mukha nila marahil dahil kasama ko siya.

"So what if hindi ako ang pumasok?" Malamig kong saad.

Bakit kasi wala pang teacher, dapat din pala pinauna ko kanina si Marknell!

Wala akong nakuhang sagot hanggang sa tumayo si Duke ng nakapamulsa.

"Why don't you ask Marknell, the boy behind you." Nakangiti nitong saad sa akin.

Napalingon naman ako kay Marknell na ngayon ay nakatingin sa akin. "Huh?" Nagtataka kong saad sa kanya.

"Plinano namin to at siya ang nautusan kong igala ka muna. Para pagbalik ay may surprise ka." Mas napakuyom ang kamao ko.

Hindi ako naniniwala.

"N-namarih, it's not true..." Rinig kong saad ni Marknell.

I know. Talagang pakana lang nila to.

Mabilis kong nilapitan si Duke at kinwelyuhan na ikinasinghap na naman nila.

"Yes! You can do anything to me but you can't involve someone para lang mapagtakpan kayo!" Sigaw ko sa pagmumukha niya, pabalya ko siyang binitawan at hinarap. "Duke, you don't know me. Aren't you afraid?"

Inilibot ko paningin ko sa kanilang lahat. "Sige! You want this? Edi sige, maglaban tayo!" Malakas kong sigaw. Napatingin ako kay Marknell na naguguluhang tumingin sakin. "But Marknell is with me." Malamig kong saad.

"Are you crazy?.." mabilis akong napatingin kay Geo ng nagsalita ito. "Luke, if you want to fight against us, don't do it and Marknell is not with you, he's with us!"

Napatahimik ako sa sinabi niya, bakit parang nag iba siya. "Alam ko naman na madami pa kayong gagawin sakin diba? Kasi hindi niyo ako tanggap dito."

"Bakit ba kasi hindi ka nalang umalis dito? What a b*tch!" Singhal ni Thea.

Napalingon ako sa kanya.

"What do you want for a fight, huh? A battlefield fight? Oh c'mon you know you can't be us!"

Malakas akong napatawa dahil sa sinabi niya yung tawang wala ng bukas, humagalpak ako ng tawa dahil sa sinabi niya. "Who told you that i can't?" Natatawa ko pa ding sabi.

Last Section Innocent DemonWhere stories live. Discover now