CHAPTER 26

809 40 6
                                    

NAGISING ako kinabukasan sa isang
mabangong amoy ng bacon kaagad akong napangon at tumayo sa kama, mabilis kong sinundan ang amoy na yun dahil mabilis ding kumalam ang sikmura ko lalo na at parang may naaamoy akong nakasalang na sinangag.

Dinala ako ng mga paa ko sa isang maliit na kusina na may isang katamtamang laki ng mesa at may dalawang upuan lang na magkaharapan pero nabaling ang tingin ko sa lalaking busy sa kaharap nitong kawali.

Chineck ko muna ang sarili ko dahil baka may panis pa akong laway at inayos ko din ang buhok ko bago ako nagsalita.

"Sen...." tawag ko sa lalaking nasa harapan ko.

Nilingon niya ako at nakita ko ang mugto niyang mga mata. "Your awake.." saad nito.

Gusto ko sang mapangiwi, syempre gising na ako nandito na nga ako sa harapan niya eh diba. Mindset ba mindset.

Napairap ako sa hangin.

"Just sit, patapos na to." utos niya at bumalik na ulit sa ginagawa niya, umupo nalang ako sa upuan at hinintay siya may nakalagay ng mga pinggan at kutsara sa mesa pero wala pang pagkain.

Huhu nasaan na ang bacon ko??

"May bacon kaba na niluluto Sen?" diko mapigilang itanong.

"Wala." agarang sagot nito na ikinanguso ko.

"Ayaw ko kumain..." nakanguso kong saad na kinaharap niya.

"Just because we don't have a bacon here for breakfast hindi kana agad kakain?"

Wow grapee! Ang haba ng sinabi niya ah.

"Gusto ko bacon eh." napahawak ako sa tyan ko ng kumulo yun.

"I don't eat bacon.." saad niya.

"Di ko nitatanong." habang nakairap kong saad.

Pumunta siya sa lamesa dala nga ang isang pinggan ng sinangag pero wala siyang dalang bacon. Huhu, may naaamoy kaya ako kanina.

"Nakikikain ka nalang nga rereklamo kapa, ikaw ba nagluto? Ikaw ba gumastos?." nakakunot noo nitong saad habang inilalapag ang sinangag sa mesa.

Hindi ko siya sinagot.

"Just wait here, I'll be right back." umalis siya at bumalik ulit doon sa nilulutuan niya.

Kumuha nalang ako ng sinangag dinamihan ko na din madami naman yung niluto niya eh dito nalang ako babawi dahil wala siyang bacon. Di Siya rich kid!

Buti pa ako rich kid. HAHA. */Flip hair.

Ilang sandali lang ng susubo na sana ako ng sinangag ay may naglagay ng isang pinggang bacon sa harapan ko kasunod ang isang baso ng orange juice.

Nanlaki ang mga mata ko.

"Hala! May bacon at juice!" kaagad akong humarap sa likod at bumungad saakin ang naka arm crossed na si Sen.

"Now you're happy, let's eat."

"Niluto mo to?" tanong ko at kumuha ng pitong bacon.

"Yes,"saad niya habang nakatingin sa pinggan ko. "Y... you can eat that all?" alanganing tanong niya.

Agad akong tumango."Oo naman, bakit ikaw hindi?" tanong ko at sumubo ng madami na ikinangiwi niya.

"The fried rice on your plate is equivalent of 9cups of rice." saad nito.

"Eh ano naman?" tanong ko habang ngumunguya.

Umiling nalang siya at sumandok na din ng pagkain niya.

"Shut up, don't talk when your mouth is full." saway nito.

Last Section Innocent DemonWhere stories live. Discover now