SPECIAL CHAPTER 22

395 39 4
                                    

IRENE'S POV:

"Anong ginagawa mo Dito?"- Irene

"Irene gusto lang naman kitang kausap, let me explain"- Greggy

"Sige explain mo, Pano mo ieexplain Ang mga nangyari? Niloko mo kami ng mahigit pitong taon. Tapos babalik ka sasabihin mo na may bago kanang Asawa? Baka nakakalimutan mong Hindi pa Tayo hiwalay non"- Irene

"Yun nga Ang sinasabi ko, tinago nila ako at kaya namatay si Carlos dahil alam nila na pag Nakita ka niya sasabihin niya sa'yo Ang mga nangyari. Pinilit lang nila ako, Hindi ko gustong ikasal sa Iba"- Greggy

"Ilang taon Ang kontrata?"- Irene

"Limang taon"- Greggy

"Limang taon?! Limang taon pero Hindi ka bumalik sa Amin. Nasaan ka nung Hindi natutuyo Ang luha namin dahil nangungulila kami sa yakap mo? Nasaan ka nung kailangan ka ni Celestine? NASA BAGO MONG ASAWA! Kaya lumayas kana Hindi ka na namin kailangan!"- Irene

"Please Irene give me another chance. Kahit kausapin ko nalang si Celestine alam Kong maiintindihan niya ako."- Greggy

"Hindi mo pa pala Nabalitaan?"- Irene

"Ang alin?"- Greggy

"Namatay Ang Anak mo Gregorio!"- Irene

"Ano?! H-hindi, Hindi pwede. Sabihin mo nagbibiro ka lang. Buhay Siya Diba?"- Sabi niya sakto namang lumabas si Celeste at Celestine. Nilapitan nila ako para icomfort.

"S-siya! Siya si Celestine Diba"- Pagtukoy niya Kay Celeste. Magkamukha Kasi sila ni Celestine kaya pagkakamalan mo talagang si Celestine yun.

Lumapit si Greggy Kay Celeste at niyakap ito ng mahigpit.

"Anak, I'm so sorry. Alam Kong maiintindihan mo si daddy. Diba I'm your partner? Sabi mo lagi mokong paniniwalaan dahil partner Moko"- Greggy

"A-ah pasensya na po Tito Greggy ahh-- Hindi Po talaga ako si Celestine. Celeste ho Ang Pangalan ko."- Celeste

"Wag ka ngang magbiro Anak masama Ang ganyang biro."- Greggy

"Siya Po, Siya si Celestine"- Sabi ni Celeste at tinuro si Celestine na nasa ibang katawan na ngayon. Kailanman ay Hindi mo aakalain na ito na ngayon Ang kanyang mukha at anyo.

Lumapit si Celestine sa akin at niyakap ako.

"C-celestine?"- Sabi ni Greggy at nakatingin lamang Siya Kay Celestine. Papalapit Siya ng papalapit habang si Celestine naman ay pahigpit ng pahigpit Ang kanyang yakap sa akin.

"Celestine do you remember me? It's me daddy Greggy? Your partner, look I'm back, I came back for you"- Greggy

"How is Victorina?"- Celestine

"Victorina?"- I asked Celestine

"His wife, I know all about you dad, I monitored you for 7 years"- Celestine

"W-what? H-how?"- Greggy

"Mommy's right, I died 7 years ago. Because of you!"- Celestine

"Kung Hindi ka Sana nagsinungaling saakin Sana Buhay pa Ang katawang lupa ko. Sana malusog parin Yung katawan ko. Pero Wala na eh, nasa hukay na Yung Anak mo. Hinding Hindi na babangon pa."- Celestine

"Kung Hindi dahil sa'yo! Sana walang luhang nasayang si Mommy. Sana Hindi ko siya nakikita araw araw na umiiyak sa kwarto niya. Alam mo dad napakasakit sa akin na panoorin si Mom na umiiyak pero Wala akong magawa dahil ano nga ba ako? Isa lang akong kaluluwa na walang magagawa kundi pabayaan na magdusa Ang Isang tao"- Celestine

"Alam mo kung bakit ako namatay? Dahil nangulila ako sa'yo! Akala ko iniwan mo na ako habang Buhay. Hindi ko matanggap yun dahil mahal na mahal kita! Pero Niloko mo lang pala kami, at dahil sa panloloko mo nagkadepression ako na ikinamatay ko"- Celestine

"Masaya kana? Na dahil sa pagtatago mo sa katotohanan marami kang nasaktan. Si Mommy, ako Sina Kuya lahat kami nasaktan mo!"- Celestine

"Nasaan ka nung kailangan ka namin?nasaan ka nung Hindi makatulog si Celestine dahil Ikaw lang Ang iniisip niya? Nasaan ka nung Hindi matigil Ang iyak ni Celestine dahil sa pagkamatay mo? Nasaan ka nung nagkakasakit si Celestine dahil sayo?"- Irene

"Nasaan ka nung nag-aagaw buhay Ang Anak mo sa hospital na kulang nalang ay lumuhod ako ng Isang buwan sa simbahan. Nasaan ka nung namatay si Celestine?"- Irene

"Nandun ka sa Asawa mo! Ni Hindi mo manlang inalam Ang kalagayan namin. Hinayaan mo Kaming magdusa!"- Irene

"Wala nang rason pa para tanggapin ka namin sa bahay na ito. Maaari kanang umalis"- Irene

"Please Irene, patawarin niyoko. Ginawa ko lang naman yun dahil ayaw ko kayong mapahamak. Lalo na si Celestine. Celestine anak please forgive daddy"- Greggy

"I'm sorry dad, marami ka pong nasaktan. Kung ako mapapakinggan, kailanman Hindi ko kayo mapapatawad"- Sabi ni Celestine at umalis.

Lumapit si Ysabella Kay Greggy at niyakap niya ito. Napayakap nalang din siya.

"Ayokong Makita pa Ang pagmumukha mo! Umalis kana!"- Irene

"H-hindi, Hindi ako aalis"- Greggy

"Aalis ka o tatawag ako ng pulis!"- Irene

"Greggy umalis ka nalang please, nasasaktan mo na Ang kapatid ko"- Manang Imee

"Manang, intindihin niyo naman ako, gusto ko lang makasama Ang mag-iina ko ulit"- Greggy

"Naiintindihan kita pero Mali parin Yung ginawa mo eh. Nawalan kami ng  Isang Celestine dahil sa pagtatago mo sa katotohanan"- Imee

"Mas mabuting umalis ka na muna para makapagpahinga Sina Irene"- Imee

"Babalik ako bukas, pangako yan"- Sabi ni Greggy at umalis na.

Napaupo ako sa sofa at Hinawakan Ang akin Ulo. Umiyak ako ng umiyak. Wala na akong pakealam kung sino pa Ang makakita sa akin Basta mailabas ko lang Ang nararamdaman ko.

"Tita, Tama na po. Ayaw Po ni Celestine na nakikita kayong Ganyan. Tahan na po"- Sabi ni Celeste habang hinahagod Ang balikat ko.

"Magiging okay rin Po ang lahat Tita magtiwala kayo sa Panginoon"- Celeste

"Si Celestine pakitignan Siya"- Sabi ko at tumango naman si Celeste at nagtungo sa kwarto ni Celestine.

Pagbukas ng pinto sa kwarto ni Celestine, maririnig mo Ang malalakas niyang sigaw. Napapunta si Manang doon at sinara nila Ang pinto.

Hindi ko alam Ang nangyayari sa loob ngunit rinig na rinig parin Ang sigaw niya.

Tumabi si Ysabella sa akin at niyakap ako. Binalik ko Ang yakap sa kanya at umiyak.

"Mommy, stop crying na. Makakasama Po sa'yo yan. Malalagpasan Po natin toh. Nandito Po Kaming mga Anak mo para samahan ka sa mga pagsubok na dadaanan mo"- Sabi niya habang nakasandal Ang Ulo niya sa dibdib ko.

TBC.......

FORGOTTENWhere stories live. Discover now