Battle of the Crazy love story ꨄ

138 16 0
                                    

Katatapos lang ng show nila Jewel, imbes na kumain kagaya ng ginagawa ng kanyang kaibigan na si Rowena, mas inuna pa nyang bigyan ng pansin ang kanyang cellphone kesa ang kumukulong tiyan. Marinig lang nyang boses ni Cejay, ayos na ayos na sya dun.

"Hello..!"

Tumalon sa pagkagalak ang kanyang puso, tanggal ang pagod lalo ng pagkulo ng kanyang tiyan pagkarinig sa baritonong boses ni Cejay.

"Isang taon na pala! pero parang malabo pa rin sakin lahat. Kung bakit tayo natapos, kung bakit mas pinili mong lumayo at iwan ako. Ipinaliwanag mo naman sa akin, pero sadyang hindi ko maintindihan kung bakit. Kaya kahit sabihin nilang masyado nang matagal para iyakan at hanapin pa rin kita, hindi ako mahihiyang sabihin na, 'Bakit ba? Hindi naman kayo yung nawalan, at hindi naman kayo yung umaasa?"

"Ano na naman ba ito Jewel? Lasing kana naman ba ha?" Kahit naiinis, may himig lambing at pag aalala pa rin ang boses ni Cejay.

"Tutal, iniwan mo naman ako, pwede bang huwag mo nang ipagkait sakin yung mga pagkakataon na balikan yung saglit na pagkakataong nagkasama tayo, Cejay?"

Tanging buntong hininga na lang ng binata ang narinig nyang sagot mula dito.

"Noong isang buwan nga, halos araw araw na ako lasing. Walwal ba, ganun! Pero hindi ako nahihiya. Kasi, pakiramdam ko sa mga gabing hindi ako makalakad nang tuwid, doon ko nakikita yung daan pabalik sa ating dalawa. Kung saan ako nagkamali, at kung kailan ka nanlamig. At sa tuwing makakakilala ako ng bagong tao, una kong hinahanap yung kinang ng mata mo, yung lamig sa boses mo. Sunod kong hinahanap yung init ng mga yakap mo. Ikaw pa rin ang hinahanap ko, at baka naman makakilala rin ako ng kagaya mo."

"Nasan ka ba? Gusto kitang puntahan, sabihin na itigil mo na yan. Pero baka kasi isipin mo na kaya pa nating ibalik; pero hindi naman na kasi pwede. Alam kong suot mo pa rin yung kuwintas na ibinigay ko sayo noong mag-isang taon tayo. Alam ko rin na pinapatugtog mo pa rin yung CD na ibinigay ko sayo nung birthday mo. Alam ko lang, kasi kapag nakikita kita, alam kong tinatawag mo pa rin ako."

"Cejay..." Napahinga sya ng malalim ng biglang sumikip na naman ang kanyang dibdib.

"Tanda mo noong huling gabi natin na magkasama, ang sabi ko sayo, kung magmamahal ka ulit, sana hindi yung katulad ko. Hindi yung katulad ko na masyado mabilis magbago ang isip, hindi kagaya ko na hindi mapirmi sa isang lugar, sa isang trabaho. Sabi ko rin sayo kilalanin mo muna siya, bago mo sabihing gusto mo siya. Dahil hindi naman lahat ng tao makikilala mo nang simbilis nang pagkakilala mo sa akin. Dahil wala naman akong itinago sayo; kahit yung pagka masokista ko, ang sabi mo, gusto mo yon. Ang sabi mo, matatanggap mo ako, ano pa man." Gumaralgal ang kanyang boses, namasa ang kanyang mga mata.

"Jewel, tama na!" Nakikiusap ng boses ni Cejay sa kanya, pero tuloy pa rin sya sa pagsasalita.. Wala eh! Mas feel nyang mag moment ngayon kahit na nga panay ng tawag ni Rowena sa kanya.

"Sabi mo sa akin, mahal mo pa rin ako at hindi kita dapat sisihin kung ganun yung nararamdaman mo. Sabi mo, walang papantay sa akin, walang hihigit sa akin. Siguro nga, pero hindi mo ba naisip na napakasakit noon para sa inyong dalawa? Kung mamahalin mo siya, pero alam mo sa sarili mong ako pa rin ang mas mahal mo? Hindi ba nakakapandaya naman yon, na ibibigay mo ang sarili mo sa kanya pero ako pa rin ang gusto mo? Pero sasabihin ko sayo na hindi mo ako makikita sa mga kinang ng mata niya. Hindi mo ako maririnig sa mga kantang kakantahin niya sayo. Hindi mo ako makikita sa kung kanino pa man."

"Tahan na, tapos na tayo, Jewel. Tapusin mo na rin yang pag iyak mo, dahil sa mga pagkukulang natin sa isa't isa. Tapusin mo na rin sisihin ang sarili mo sa mga bagay na sana ginawa mo, pero ni minsan di mo tinangkang gawin. Tahan na, tapos na tayo, at dina tayo mauulit pa. Tahan na, patawarin mo na rin ako kung mas pinili kong umalis."

 Loving A Masochist ꨄ✔💯Where stories live. Discover now