Tahimik na nakaupo sa ilalim ng isang malaking puno si Bogz, habang malayo ang tingin ng makarinig sya ng mga yabag palapit sa kinaroroonan nya. Hindi na nito kelangang lumingon para tingnan kung sino, dahil sa magagaan nitong hakbang alam na alam na nya kung sinong naglakas ng loob para sya'y lapitan.
"Madalas mong itanong sa'kin kung bakit ba palagi kong tinutulungan si Jewel, isa lang naman ang maisasagot ko dyan!"
Bungad na kwento ni Zero pagkaupong pagkaupo nito sa kanyang tabi.
"Yun ay dahil sa.. Naiintindihan kong pinagdadaanan nya, yung mga struggles nya sa buhay, yung mga simpleng pangarap nya na nagpahanga sa'kin... Wala akong karapatan na sya'y husgahan dahil sa mga mali nyang ginagawa.. Anyways, ganun din naman ako, mas sobra pa ngang pinaggagagawa ko dahil lang sa nagmamahal ako."
Walang imik na nakikinig lang si Bogz, deretso pa rin ang kanyang tingin sa malayo, pero bukas ang mga tenga sa pakikinig kay Zero.
"Likas na sa tao ang manghusga, ugali na ng iba ang mamintas ng kapwa nila, nung una hindi ko gets kung bakit? Pero sa pakikipaghalubilo ko sa tao kahit na ipinagbabawal pa yun sa'kin ni Ina, hindi ko napigilan ang aking sarili na tuklasin at alamin ang mga kasagutan na gumugulo sa'king isipan, nung mga panahong lugmok ako't nasasaktan."
Nalipat ang tingin ni Bogz kay Zero ng inabot nitong isang maliit na kahoy, saka nag umpisang magsulat sa lupa.
"It's alright to be lost sometimes" Basa ni Bogz
"When Whisper pulled me back, I realized a lot after I came from the afterlife."
Buntunghininga, tapos ipinilig ni Zero ang kanyang ulo. Na parang binabalikan sa kanyang alaala ang madilim nitong nakaraan. Maya maya napangiti ito na ipinagtaka naman ni Bogz.
"You know Bro, only one thing stuck in my mind, after I went through all the hardships and pain that the girl I love the most caused me.."
"And what is that?" Kunot nuong tanong ni Bogz sa nangingiti pa ring si Zero.
"That, You can't wait until life is not hard anymore, before you decide to be happy"
"Ganun ba 'yun?"
"Yeah! Hindi mo na kayang hintayin na hindi na mahirap ang buhay, bago ka magdesisyon na maging masaya, kaya, ngayon pa lang mag isip isip kana."
Nagtaka naman si Bogz, bakit tila nalipat sa kanya ang topic ng pag uusap nilang dalawa ni Zero? Sa pagkakatanda nya, ang pinag uusapan nila kanina ay ang tungkol kay Heart Jewel Saji, panung ang naging ending ay sya at hindi na ang dalaga?
'Hmmm... Teka nga muna!' Sinulyapan ni Bogz ang katabi, nahuli pa nyang pilyong pagkakangiti nito sa kanya.
"Alam ko ang mga ngiti mong ganyan! nagpe playing cupid kana naman nuh?"
"Do you think so?" Hindi nawawalang pagkakangiting tanong ni Zero. "Nababasa ko kasi sa'yo ang magiging future nyu."
"Hoy! Zero, ako'y tantanan mo na ha! Ayoko sa rebellion girl na yun!" Tulak ng bibig kabig ng dibdib.
"You can't hide your secrets from me Bro, I can read your mind and I can feel your true feelings for Jewel."
'F-uck! Bakit ko ba palaging nakakalimutan na Engkantao ang loko lokong ito?'
Dina nagulat pa si Bogz ng biglang napahalakhak ang kanyang katabi. Obvious namang nababasa nitong laman ng kanyang isipan.
"Stop it!" Naiiritang saway nya kay Zero.
"Ayoko nga! Bakit ba? Eh, sa masaya akong makita ang unti unti mong pagbabago eh!"
"Ano namang pagbabago 'yang pinagsasabi mo dyan?"

YOU ARE READING
Loving A Masochist ꨄ✔💯
RomanceUnderground Society Brotherhood (BadBoys Series#1) ꨄ BOGZ KLYTO CANOX ꨄ - Son of Zylven Canox and Tamara Kendler - From the story of.. Assassin Series ⚔7 'The Bodyguard' ⚔⚔⚔ He never thought he would fal...