Canox Family & Saji Family ꨄ

43 15 0
                                    

Pangalawang libro ng binabasa ni Bogz, wala pa ring malay si Heart.

'Grabe naman 'tong babaeng 'to, antagal magising.'

Hindi talaga iniiwan ni Bogz si Heart, kasi baka umalis na naman ito ng walang paalam, gaya nung unang tenake home nya ito. Kaya nasa kwarto lang sya. Habang nagbabasa, pasulyap sulyap kay Heart na ang mukha ay nakaharap pa talaga sa kanya.

'Syota na ba ito ni Zero?'

Malalim syang nag iisip tungkol sa ugnayan nung dalawa. Hindi nya akalain na magkakilala na pala ang mga ito, at take note! mag kaibigan pa ha! Goodness! Kelan pa? Saka, papaano nagkakilala yung dalawa?

'Siguro matagal na! Kasi, hindi ito isasama ni Zero sa Fossus kung di sila ganun ka close!'

Naiinis na ginulo nyang basang buhok, nais nyang malaman ang buong detalye kung bakit napadpad itong si Puso, dun sa mundo nila Zero, Kaso, hindi nya mahagilap ang kanyang kaibigan. Ilang text messages at miss call na bang ginawa nya? Pero, ni isang reply di man lang sinagot ng kanyang kaibigan. Out of reach din ang telepono nito.

"Felisa, pwede mo ba akong dalhan ng chocolate ice cream, saka banana cake dito? Yeah! Thanks!"

Patapik tapik pang kanyang daliri sa side table ng inuupuan nyang single sofa, habang naghihintay sa kasambahay nila.

'Tok.. Tok.. Tok..

Nagtatakang napatayo kaagad si Bogz sa kina uupuan ng makarinig ng pagkatok sa pintuan.

"Ang bilis naman ni Felisa!"

Pagkabukas nya ng pintuan, instinct na lang nyang isara ito ulit ng mabungaran ang mukha ni Tamara.

'F-ck! Bakit nandito si Mommy? Sa makalawa pa dapat ang uwi nila ni Daddy ah! May nangyari ba sa Thailand, kaya napauwi kaagad ang dalawa?'

Nag aalalang napasulyap sya sa kanyang kama, kung saan nakahiga pa rin si Heart, na nakanganga at naghihilik pa.

"Klyto! Buksan mo 'tong pinto! Wag kang bastos!"

Malumanay ang boses ng kanyang Ina, ibig sabihin lang nun, ay anytime, sasabog ng bulkang Tamara!

"Bogz Klyto Canox! Naririnig mo ba ako ha? Sinabi ng buksan mo'tong pinto eh! Isa!"

Natatarantang ini lock muna ni Bogz ang pinto, saka dali daling tinakbo ang lagayan ng kanyang mga bedsheet, humugot ng isang makapal na kumot dun.

'Baka pede na'to!'

Nagkandahulog hulog pang ibang kubre kama na kanyang hawak. Akmang dadamputin na nyang mga ito ng marinig ang malakas na pagsigaw ni Tamara.

"Zylven! Ang susi, bilisan moo!!"

'Shet!.. Shet!.. Wag muna! at dipa ako tapos dito!'

Nagkandatisod tisod pa si Bogz, pabalik ng kama, saktong natakloban na nya ng kumot si Heart ng biglang bumukas ang pinto ng kanyang kwarto.

"Anubang nangyayari sa'yo Klyto? Bakit mo ako pinagsarhan ng pintuan, ha?"

Galit na sita ni Tamara sa malokong Anak nya. Kasunod nitong pumasok ang asawang si Zylven, na nagtatanong din ang mga tingin kay Bogz.

"Sorry, Mom! Nabigla lang po ako!" Kakamot kamot ng batok na sabi nya. "May nangyari po ba sa Thailand, kaya napaaga ang pag uwi nyu dito?"

"Ewan ko ba dito sa Ama mo! May reunion pa nga kami ng mga Amiga ko bukas, kinaladkad na'ko pabalik dito!"

Naiinis na naglakad si Tamara patungong kama ni Bogz. Nakasanayan na kasi nitong umupo dun kapag nasa loob ito ng kwarto nya..

'Oh! No.. no.. no.. no.. no!'

 Loving A Masochist ꨄ✔💯Where stories live. Discover now