The One ꨄ

28 11 0
                                    

Kaagad na nakita ni Heart si Cejay pagkababa pa lang nyang taxi. Inayos ang bandanang suot at dark shades sa mata. Luminga linga muna sya sa kanyang paligid ng walang makitang pamilyar na mga mukha, dali dali na syang pumasok sa Starbucks.

'Ang pogi talaga ng jowa ko! Haayy... Cejay my labs, here I come...'

Papalapit na si Heart sa ukopadong mesa ni Cejay ng may makita syang isang morenang babae na umupo sa tabi ng binata.

'Pia?'

Napahinto sa paglalakad si Heart, nakatulalang nakamasid lang sya sa dalawang tila nagtatalo na ngayon, kitang kita nya ang pagyapos ni Pia kay Cejay na bahagya namang tinulak ang dalaga.

'Kala ko ba... wala na sila? Eh! Bakit magkasama pa rin silang dalawa?'

Dahan dahang humakbang si Heart palapit sa mesa nila Cejay at Pia. Wala syang balak mag eskandalo, hindi nya gawain 'yun, saka wala sa ugali nyang mang away sa publiko, para lang makatawag pansin, ipahiya ang kanyang sarili, o pag pyestahan ng mga marites ang kanyang buhay pag ibig.. Ayaw na ayaw nya ng ganung ganap sa kanyang buhay.

Sakto namang tumayo ng mag syota sa katabing mesa ng mga ito, kaya dun na lang umupo si Heart. kalmado lang syang umupo patalikod ang kanyang pwesto sa dalawang nagtatalo.

"Umalis kana Pia! Please lang.. Baka makita ka ni Jewel dito!"

"Eh! Anu naman ngayon kung makita nya ako dito? Para ba namang may laban ang masokistang yun sa'kin, isang sampal ko lang dun iiyak ng gagang yun eh!"

Napayuko't napakagat labi na lang si Heart sa kanyang mga naririnig.

"Bunganga mo naman! Hinaan mo lang 'yang boses mo! Nakakahiya sa ibang customer dito!"

"Wala akong pake sa ibang tao! Kaya, tigil tigilan mo ng kasasaway sa'kin, Cejay! Wag mo'kong inisin!!"

Tahimik lang si Heart, ni hindi nga nito sinulyapan ang isang customer na basta na lang umupo sa kaharap nyang upuan, Anyways! Ayos lang naman yun sa kanya, walang problema kung makiki share ito sa table nya, mas dyahe lang kung makikita nitong kanyang hitsura, kaya mas lalo pang yumuko si Heart.

"Bakit kaba nandito, Pia?"

"Malamang sinundan kita! Kasi, may bumulong sa'kin na magkikita kayo dito ng masokistang ex mo, kaya nandito ako! Ayan ah! Nasagot ko ng tanong mo sa'kin!." May halong pagka sarcastic ang tono ng boses ni Pia.

"Ngayon, Cejay! ako naman ang magtatanong sa'yo! Bakit mo'ko iniwan para lang balikan ang Jewel na 'yun? Anong binabalak mong gawin, ha?"

"Napag usapan na natin ito, Pia! Naipaliwanag ko ng lahat lahat sa'yo! Kaya, pwede bang umalis kana! Iwan mo na ako dito! Please lang Pia..! Tama na!"

"Hindi..!!"

Humampas sa mesa ang nakakuyom na mga kamay ni Pia.

'BLAG!'

Napa piksi si Heart ng lumagabog ang mesa sa kabila.

"Hindi!! Hindi ko hahayaan na basta itatapon mo na lang ako na parang basura, Cejay! Hindi mo magagawa sa'kin ang ginagawa mo kay Jewel..!!"

"Pia!! Tumigil kana! Nakakahiya ng ginagawa mo!"

Halatang pagtitmpi sa boses ni Cejay habang pinapakiusapan ang dating nobya. Lalo na't nakita nitong papalapit na sa mesa nila ang manager ng cafe.

"Nakakahiya? So, ikinahihiya mo na ako ngayon? Diba dati, halos manikluhod ka sa paanan ko, mapansin lang kita? halos gumapang kana.. patulan lang kita? Ngayong nakuha mo ng lahat ng gusto mo sakin, ako'y etsapwera na? Eh! Gago ka pala eh! Matapos mo akong laspagin.. Basta basta mo na lang akong iiwan na mesirable? Hindi ako kagaya ni Jewel, na iiyak lang sa isang tabi kapag nasasaktan mo.. Hindi ako tatahimik kapag pinag sasabihan mo... Hindi ako maghihintay kapag iniwan mo... Hindi ako aasa sa mga salita mo... Higit sa lahat, hindi ako masokista na paulit ulit mo mang saktan, magmamahal pa rin sa'yo!!!"

 Loving A Masochist ꨄ✔💯Where stories live. Discover now